●L Meets E●

14 9 0
                                    

L Meets E





Klyde's Point of View





SABADO

Nandito kami ni Elber ngayon sa Condo ko habang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na tinatawanan niya pa rin ako dahil kinwento ko sakanya yung pagiisnob sa akin nung babaeng 'yun! Sa kabila kasi ng lahat naililigtas ko siya,Tapos walk out lagi yung igaganti niya. Tama ba 'yun?Hindi ko nga alam kung bakit kami laging nagtatagpo nun eh,I can't believe na sa Rilleford din siya nagaaral. Eh hindi ko naman siya nakikita,Paano ko nga naman siya makikita eh lagi lang naman ako sa classroom.

Ilang weeks na rin kasi yung nakakaraan,Ewan ko ba kay Elber kung bakit niya ako laging tinatawanan e.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na sa kabila ng lahat,Masungit parin pala siya.."

Nabigla nalang ako kay Elber nung bigla siyang nagsalita,this time hindi siya nakangiti.
Ang seryoso ng mukha niya.

"Sinong masungit?Tsaka bakit ang weird mo?"Pagtatanong ko sakanya.

"Don't tell me you want to know?Ugh"Sabi niya tsaka napayuko siya.

"Ofcourse i really want to know"Sagot ko pabalik sakanya.

"That girl was LJ--,I mean Leanna"Napakunot naman yung noo ko dahil sa pagbanggit nung name na 'yun.

"Napano si Leanna?Teka bakit siya napasama dito?"Pagtatanong ko sakanya,Naguguluhan kasi ako sa pinagsasasabi niya eh.

"Sandali kasi!Kita mo namang nagkukwento eh pre,Wag atat okay?"

Pamimilosopo pa niya.

"Si Leanna at si LJ ay iisa,Remember?Nung nasa party place tayo 'nun akala ko namamalikmata lang ako nung nakatitig ka dun sa babaeng nasa stage,Akala ko hindi si LJ 'yun pero nung nakita ko yung bracelet na suot suot niya lagi dun ko nalaman na siya talaga si Leanna kaya ako umuwi agad,Hindi dahil nandiyan na yung parents ko.. Kung hindi dahil kay Leanna,ewan ko kung bakit ko naisipang umuwi.."

"Teka,Kilala mo siya?Bakit hindi mo agad sinabi"Tanong ko bigla sakanya

"2 years ago..May nakilala akong babae,Actually maganda siya at magaling umawit,Nakilala ko siya nung Sumali siya sa Rilleford Got Talent and School Fair natin nun..Hindi ko ma-explain yung feeling ko,Pero Na love at First Sight ata ako sakanya nung nakita ko siyang nagkanta sa stage.."

Itinuloy niya yung kwento niya.

"Para akong wala sa sarili na nakatitig sa maganda niyang mukha nun habang nagkakanta siya,Hindi pa siya Famous nun pero nagdaan yung ilang buwan niligawan ko siya kahit na sobrang sungit niya haha. Ginawa ko lahat lahat ng panliligaw.. Hinarana,Binigyan ng Flowers,Chocolates,Teddy bears at kahit na ang aga aga kong gumising para lang mapuntahan siya sa condo niya noon di nagtagal nagkamabutihan kami then.."Tumawa siya dun sa part na 'Kahit na sobrang sungit niya' pero yung ngiting yon napalitan ng pagkalungkot
Napansin ko na biglang lumungkot yung mukha niya tsaka napatingin siya sakin.

"Pero anong nangyari?"Tanong ko ulit sakanya.

"One day,Pumunta si Faye sa amin .. Si Faye na classmate natin before? Nagulat ako nung pagkalapit niya sa akin hinalikan niya agad ako,Pinigilan ko siya pero mahigpit yung pagkakahawak niya sa batok ko kaya hindi ako makagalaw,May napansin akong tao dun sa gate namin habang titig na titig siya sa amin ni Faye. Shit!It was LJ,Bigla kong tinulak si Faye tsaka ko nilapitan si LJ pero bigla siyang tumakbo palayo sa akin habang tinatawag ko yung pangalan niya hinabol ko siya at mabuti naabutan ko pa.. Pero huli na ang lahat,Ayaw niya na akong makausap at naglakad nalang siya palayo at ang tanga tanga ko nun dahil wala man lang akong nagawa para pigilan siya!oo wala nga kaming relasyon.. Pero Mahal ko na siya eh.."

Her VoiceWhere stories live. Discover now