Her Voice (One Shot Story)

43 9 0
                                    

Her Voice

Lahat tayo pwedeng magmahal..

At higit sa lahat..

Pwede tayong Masaktan dahil sa pagmamahal.




Hindi ko nga alam kung bakit pa naging part yung "Masasaktan" ka kapag nagmahal ka eh..

Sabagay ano nga ba yung love kung walang masasaktan?

Ang baliw naman nun kung puro happiness lang yung nakikita natin sa love 'no?

Minsan may mga taong sumusuko nalang basta-basta,Pero meron din mga taong lumalaban parin hanggang sa dulo para maging matibay yung isang relasyon ..

Paano kaya nila nakayanan yun 'no?

I'm Leanna Jane Ramirez 18 years old,Nagmahal at Nasaktan ng paulit ulit.

Ok na sana kung minahal ka naman ng taong minahal mo kahit nasaktan ka man eh..

Pero ang sakit sakit kapag yung taong sobrang mahal mo,Malalaman mo nalang na hindi ka talaga minahal.

Ang Sakit...

Bigla kong natandaan yung araw na yun..

1 YEAR EARLIER

"Babe,Ano ba yung sasabihin mo?Tsaka bakit ang tamlay mo,Teka may lagnat ka ba?"Pagaalala kong tanong sakanya.

Nasa isang resort kami nun,Kasama yung mga barkada namin.

First year college kami noon.

"LJ .. I-im sorry.."Nagaalangan niyang sagot sa akin.

"For what babe?Teka nga.. May problema ba Louis?"

"Im really sorry,Pero sasabihin ko na.."Huminga siya ng malalim tsaka nagsalitang muli"Hindi talaga kita gusto LJ,Deal Lang namin yun.. Im so sorry please forgive me."

Napatigil ako sa sinabi niyang yun at napagmasdan ko kung gaano kaseryoso yung yung mukha niya..

"Di yan totoo.. Diba babe?"

Nagbabakasakali ako na sana hindi totoo yung mga sinabi niya na yun at Nagkamali ako..

"Totoo yun,Remember.. nung nasa bar ka during your event .. Nandun kami ni James at Giame nun.."Naluluha na sabi niya. "Then may pustahan kami na kapag napasagot kita ibibigay nila lahat ng gusto ko.. Pero kapag hindi ako pumayag siguradong papapatay nila ako .. Ka-kase isa sa kanila ay nanggaling sa isang pamilya ng Mafia--"

Hindi ko na siya hinayaang magsalita dahil tumakbo na ako ng mabilis para makauwi na ngayon..

Ang Sakit..

"Leanna wait!"Naramdaman ko na may humawak sa braso ko..
Si Louis "Pero aaminin ko.. Nagkamali ako hindi dapat kita niloko,at dahil sa--" Hindi ko ulit siya pinatapos.

"Because of what?! Dahil sa boses ko?!P*tangina Louis anong kinalaman ng boses ko?! Eto?!"Tsaka ko hinawakan ko yung lalamunan ko at pinagmasdan si Louis na naiiyak sa mga oras na yun. Wala rin akong pakielam kung madami nang nakatingin na mga tao nung nasa oras na yun.

"Hindi..Dahil minahal na kita.."

Napatigil ako ,Pero hindi ako naniwala na minahal niya talaga ako

"Fvck Louis!Sinira mo na yung tiwala ko!Sinaktan mo na ako dahil niloko mo ko tapos ngayon sa tingin mo paniniwalaan pa kita?!"Hindi siya sumagot sa sinabi ko tanging nagawa niya nalang ay ang yumuko"Itigil na natin 'to"

Her Voiceजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें