Chapter-45: "Soulmates"

Start from the beginning
                                    

Nagpaalam na ako kay Tito Henry para magpunta kila Darren.

Habang naglalakad ay may nadaanan akong mga tambay na umiinom.

"Hoy Bakla! Diba ikaw yung syota ni Darren?" Sabi nung isang lalaki.

"Hindi ko akalain na sa bakla lang babagsak yun! Kay playboy dati noon eh, nagsawa ata sa bibingka at hotdog na ang gusto ngayon! Hahaha!" Sabi naman nung isa

Mga loko-loko to ah! Ang babastos. Pero hinayaan ko nalang at hindi ko na pinansin. Nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglakad. Nakaka-lungkot lang na hanggang ngayon ay isang katatawanan parin ang turing ng iba sa bakla at sa ganitong relasyon. Sana dumating yung araw na kung paano tingnan ng tao ang relasyong babae at lalake, eh maging ganoon na din ang tingin nila sa relasyong pareho ng kasarian.

Sana dumating yung araw na maging pantay pantay na ang tingin ng lahat sa bawat isa. At wala ng titingnan na kasarian para respetuhin at galangin. Sana mag respetuhan nalang tayon lahat. Dahil lahat naman tayo ay anak ng diyos.

Hindi na ako kumatok sa gate at pumasok nalang ako. Nakita ko si Lola Luring na nakaupo sa silya sa may terrace.

"Oh Gab! Napunta ka? Wala dito si Darren ah..."

"Alam ko po. Hindi naman po siya pinunta ko. Kaya po ni Tita Emily. Nagdala po ako ng Mango Float." Sabi ko

"Mukhang masarap yan ah! Tara halika sa loob. Tatawagin ko si Emily sa taas!"

Dumiretso kami ni Lola sa dinning room at binaba ko sa mesa ang dala ko.

"Teka Gab ah, pupuntahan ko sa kwarto niya si Emily"

"Naku Lola, wag na po. Baka po nag papahinga siya, ayaw kong makaabala. Iiwan ko nalang po itong dala ko."

Sabi ko naman. Nakakahiya kasi kung papagising ko pa.

"Oh Gab nandito ka pala?"

Napapitlag ako kasi nagulat ako sa nagsalita. Lumingon ako at nakita kong si Tita Emily pala yun. Papalapit siya sa amin.

"Emily, ginawaan ka ni Gab ng mango boat." Si Lola

Napangiti ako. Mali kasi pagkakasabi ni Lola eh.

"Lola, Mango Float po! Hindi mango boat."

"Naku, boat. Float pareho lang yun! Magka-tunog naman!"

Pagdadahilan naman ni Lola Luring.

"Mukhang masarap nga Gab ah."

Mas napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Tita Emily.

Kumuha na ako ng mga platito para matikman na nila. Si Lola Luring naman ay lumabas sa terrace at doon na lamang daw niya kakainin ito. Mas presko daw kasi ang hangin doon.

Kami ni Tita Emily ang naiwan sa Dinning Room.

Eto nanaman ang kabang nararamdaman ko. Lalo na't titikman ni Tita ang gawa kong mango float. Pakiramdam ko ay kasali ako sa master chef pinoy edition. At si Tita ang hurado.

"Hmmm... Masarap siya Gab. Masarap!"

Naka-ngiting sabi ni Tita Emily sa akin. Tila naman gustong pumalakpak ng tenga ko sa sobrang saya. Dahil nagustuhan ni Tita ang gawa ko. Nawala na ang pagka-badtrip ko dun sa mga tambay kaninang bumastos sa akin.

"Buti naman po at nagustuhan niyo. Paborito din po ni Darren yan." Sabi ko naman

Tumingin naman sa akin si Tita at nginitian ako. Hinawakan ni Tita ang kamay ko at tumingin sa akin.

"May gusto akong sabihin sayo." Si Tita Emily

Ngumiti naman ako. "Ano po yun?"

-----------------------------------------------------------------------

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Where stories live. Discover now