Chapter-45: "Soulmates"

33.6K 657 156
                                    

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

"Sir may naghahanap po sainyo sa labas."

"Sino daw?"

"Yung kaibigan niyo po, si Darren."

"Sige sabihin mo sandali lang. Lalabas na kamo ako."

Pagkatapos mag ayos ay lumabas na ng opisina si Caloy para harapin ang kaibigan. Nakita niya tong nakaupo sa isa sa mga table ng returant. Pero ang ipinagtaka niya na kasama nito si Aizza.

"Tol, Aizza, bakit kayo napunta?" Tanong nito tska umupo sa silya. "May gusto ba kayong kainin?" Tanong nito.

"Wag na Tol, pumunta kami dito dahil may gustong sabihin sayo si Aizza." Si Darren.

Napatingin naman si Caloy kay Aizza at nakita niyang nakayuko ito at parang kinakabahan.

"Ano ba yun Aizza?" Naguguluhang tanong ni Caloy

Hinawakan ni Darren ang kamay ni Aizza at napatingin naman ito sakanya. Ngumiti at tumango naman si Darren.

Lalo naman naguluhan si Caloy sa kinikilos ng dalawa.

"Huy! Magsalita kayo. Ano ba yun?" Si Caloy

"Tol, Ninong kami ni Gabby ah?" Naka-ngiting sabi ni Darren

Nanlaki naman ang mata ni Caloy sa narinig. At napatingin siya kay Aizza na nakayuko padin ngayon.

"Aizza?" Si Caloy

Tumingin na sakanya si Aizza.

"Caloy, buntis ako. Mag dadalawang buwan na akong buntis. Ikaw ang Ama." Muling napayuko si Aizza pagkasabi niya noon. Tila nabato naman si Caloy sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa nalaman.

"Congrats, Tol!" Bati sakanya ni Darren

Napatingin lang sakanya si Caloy, na hanggang ngayon ay hindi padin makapaniwala sa mga nalaman.

-----------------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------------------

GAB'S POV:

Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Si Aizza buntis! At si Caloy ang ama. Marahil ito ang sikreto ng mag beskie na yun. Yung pinag-uusapan nung nakaraan sa garden nila ni Darren.

Akala ko hindi tipo ni Caloy si Aizza, dahil pag tinutukso ko sila ay tinatawanan niya lang ito. Hindi ko akalain na may ganoong bagay na ang naganap sakanila. Pero siyempre naman hindi nila ishashare sa barkada na may nangyari sakanila. Shunga ko lang.

Ngayon nga ay pumunta ang mag beskie kay Caloy para sabihin to. Ano kaya ang mangyayari? Panagutan kaya niya? Siguro naman. Mabait na tao naman si Caloy at hindi niya hahayaan ang magiging mag-ina niya.

"Masarap Gab! Magugustuhan ng magiging biyanan mo yan!"

Puri sa akin ni Tito Henry nang ipatikim ko sakanya ang gawa kong Mango Float.

"Talaga Tito ah?! Hindi mo ako niloloko?" Sabi ko naman

"Totoo! Promise!" Napangiti nalang ako. Masasabi kong close na kami ngayon ni Tito Henry. Mas madalas na kaming mag kuwentuhan kesa noon.

Inayos ko na itong dadalin ko para kay Tita Emily.

"Sana magustuhan niya ito." Sabi ko sa sarili.

Ang Kapitbahay Ko (boyxboy) (Completed)Where stories live. Discover now