Meet Ira Imperial

80.2K 520 17
                                    

------Ira Imperial's POV-----

Kahit walang okasyon ay nakagiliwan na ng buo kong pamilya ang mag-out of town tuwing weekends. Masayang-masaya kami noon nina mama at papa habang naliligo sa 7 waterfalls ng Dimatugangan ngunit ng pauwi kami ay binangga kami ng isang 10 wheeler truck mula sa likuran kaya sumubsob kami sa isang masukal na kagubatan.

Nang magising ako ay patay na ang papa ko na si Bryan de Guzman mula sa driver's seat habang ang mama ko naman na si Felicity Imperial-de Guzman ay wala na ring buhay habang nakayakap sa akin at pinoprotektahan ang ulo ko.

They died when I was seven years old but they were able to save my life ngunit nakakalungkot lang na yun na ang huling araw na mabubuo ang aking pamilya.

Maraming patrol car ang nagdatingan at meron ding ambulansiya. Maraming ilaw mula sa sasakyan at meron pang mga flashlight na dala ang mga pulis at lahat ng iyon ay tinutok nila sa akin ng gabing iyon. Nasa tabi lang ako ng bangkay ng aking mga magulang at umiiyak.

Agad nila akong ni-rescue at binigyan ng tuwalya.

Narinig ko mula sa mga imbestigador na baka lasing daw o sabog yung driver ng truck. Nahuli yung ibang sakay ng truck ngunit yung driver ay nakatakas at hindi na nagpakita kailanman.

Dinala na sa morgue ang bangkay ng aking mga magulang at dumating naman si tita Crystal upang sunduin ako. Kasama niya ang kaniyang asawa na si tito Alexander at ang mga kapatid nito na sina tito Arthur at si tito Kelvin.

"Siya na ba talaga ang pamangkin ko?" Tanong ni tito Alexander kay tita Crystal.

"Oo, siya na nga ang nag-iisang anak nina Bryan at ng kapatid natin na si Felicity." Sagot naman ni tita Crystal.

Maraming beses ko nang nakita si tita Crystal sa aming bahay dahil siya lang ang nakakaalam na buhay pa pala ang aking ina kaya kung hindi pa kami nadisgrasya ng ganito ay hindi ko makikilala ang ibang mga kadugo ko sa side ng mama ko, ang mga Imperial.

Niyakap ako ni tito Alexander kaya lalo akong napaiyak kasi habang niyayakap ko siya ay naaalala ko ang papa ko.

"Maging matapang ka Ira, isipin mo na lang na kung nasaan man ang mga parents mo ngayon ay masaya sila na magkasama doon sa heaven."

"Tito, bakit hindi nila ako sinama doon sa heaven?"

"Hindi pa pwede eh kasi may misyon ka pa dito sa lupa..."

"Misyon? Ano pong misyon?"

"Malalaman mo iyon kapag sumama ka sa akin sa Imperial Palace, ang tunay na tahanan ng isang Imperial na katulad mo."

Nang bitawan ako ni tito Alexander ay sumunod naman akong niyakap ng nagpakilalang kapatid din ng mama ko na si tito Kelvin at ang pinaka-huling yumakap ay si tito Arthur. Ang babait nilang lahat kaya nang alukin nila ako na sumama sa kanila ay agad akong pumayag.

Pagdating sa kotse ay naroon naman si tita Tomoko ang asawa ng tito Kelvin ko. Narinig ko pa sa loob ng kotse na pinag-aagawan nila kung kanino ako mapupunta.

"Kami na lang lahat ang magiging magulang mo, tutal naman ay nasa iisang tahanan lang tayo nakatira." Sabi ng babaeng parang manika ang itsura na si tita Tomoko.

Mababait silang lahat kaya kahit nawalan ako ng mga magulang ay hindi ako masyadong nalungkot lalo na ng makilala ko ang aking mga pinsan na sina Megan, Eris, Phoebe at Rue.

Masaya din akong sinalubong ng aking lola na si Lady Helen.

Talagang namangha ako sa laki ng bahay na pinagdalhan sa akin. Kaya hindi ko tuloy maintindihan kung bakit tinanggihan ni mama ang ganitong klaseng buhay?

Imperial LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon