Chapter 4

46 0 0
                                    

Nick POV

Kanina ko pa tinetext si Cheska badtrip ngayon pa ako nawalan ng pantawag sakanya. Nasaan na ba kasi yung babaeng yun? Bakit di man lang nagsabi? Uwian na kaya impossible nasa klase pa yun. Pinuntahan ko sya sa classroom nila pero wala ng estudyantye dun. Maya maya biglang nag vibrate yung phone ko. Natuwa ako bigla.

1 message received

"Nick anak pag uwi mo isama mo si Cheska ha, nagluto ako ng Chicken curry."

From: Ma

Galing pala kay mama yung text. Ayos. Paborito pa naman nya yun. Kailangan ko na talaga sya makita para makapunta na kami dun sa bahay nagugutom na rin ako. Pumunta ako sa likod ng gate dahil ang alam ko hindi naman coding yung kotse nya kaya malamang magda drive yun baka nandun sya. Habang naglalakad nakasalubong ko si Anne, at si Steff bestfriend nya ang mga to e kaya malamang may alam sila. Mukhang galing sila sa likod ng gate kaya tumakbo ako papunta sakanila para tanungin si Cheska.

"Nasaan si Ches?" tanong ko sakanila

"Bakit di mo ba nakausap? Nakauwi na yun kanina pa. Madaling madali nga e tinext daw kasi sya ng mama nya. Di tuloy sya makakasama samin ngayon." sagot ni Anne.

"Kanina ko pa kase siya tinetext hindi naman nagrereply. Hindi ko naman sya matawagan. Bakit daw ba sya tinext ng mama nya? Anong meron?" tanong ko ulit. Nagtataka na ako.

"Hindi namin alam e. Hindi rin naman ata nya alam basta pinapauwi sya ng maaga." sagot ulit ni Anne. Si Steff nakatingin lang. Ang babaeng yun di man lang nagsasabi. Pagkatapos namin mag usap ng mga kaibigan nya dumiretso na ako sa likod para kunin ang motor ko. Uuwi na lang muna ako tsaka ko na sya pupuntahan sa harap ng bahay nila, ako na lang bahala magpaliwanag kay mama. Mahigit 15 minutes din ang binyahe ko. Pagpasok ko ng bahay nakita ko si mama na naghahanda na ng pagkain. Nahiya tuloy ako bigla. Humanda ka talaga sakin Cheska Jimenez.



" Oh Anak, nandito ka na pala. Si Cheska hindi mo kasama?" tanong ni mama. Paboritong paborito talaga nya si Cheska kung pwede nga lang e anak  na nya e pero hindi pwede, hindi pwedeng maging magkapatid kami hahaha. Palibhasa nagkakaintindihan sila sa lahat ng bagay.



"Di sya makakapunta ma, pinauwi sya agad sakanila e. May emergency ata. " sagot ko.

"Talaga? Hala e sayang naman tong niluto ko para sakanya." sagot ni mama.

"Hay naku ma, ano pala ako? Tayo na lang muna kumain nyan. Painitin na lang natin yan para hanggang mamaya. Wala yung uubos nyan e." sagot ko habang nilalambing si mama. Pagkatapos namin kumain nagpaalam ako kay mama na lalabas muna.



"Sige anak. Huwag ka papagabi dyan sa labas ha. Sya nga pala may kinakasal dyan sa sa simbahan ah. Apo daw ni Don Arturo" sabi ni mama. Para akong binuhusan ng mainit ng tubig sa narinig ko. Hindi kase alam ni mama yung buong pagkatao ng girlfriend ko. Nakakahiya man pero mas magandang walang alam si mama sa kung anong pamilya meron si Cheska. Hindi nya alam na lolo ni Cheska si Don Arturo. Natatakot ako na baka pag malaman nya hindi nya matanggap lalo pa't mababa ang tingin nya sarili nya. At hindi ko maintindihan anong galit mayroon sya kay Don Arturo.



"Apo po ni Don Arturo?" tanong ko ulit. Sa totoo lang naba blanko na ako. Kinakabahan ako sobra. Napaupo ako bigla at kung anu ano na ang naisip ko. Naguguluhan ako. Dalawa lang naman ang totoo apo ni Don Arturo, si Arth at si Cheska. Ang iba ay apo nya sa pamangkin. Pero ang alam ko may asawa na si Arth, hindi naman pwedeng ikasal sya ulit wala naman akong nabalitaan naghiwalay sila nung asawa nya. Lalo namang hindi pwede si Cheska, hindi nya magagawa yun sakin. At kung sya man karapatan ko namang malaman. At hindi ganitong biglaaan. Baka may apo sa labas to si Don Arturo pero sasabihin sakin yun ni Cheska. Pinipilit ko sarili ko na hindi sya pero kahit ibaling ko sa iba, sya pa din ang tinuturo ng utak ko .Napaupo ako ulit dahil di ko na kaya mga naiisip ko. Sana mali, sana mali ang duda ko. Kaya ba syang madaling madali umuwi? Hindi pwede Cheska. Hindi.



"Oo anak yun yung sabi ng tita mo sakin alam mo namang laging nasa simbahan yun." sagot nya



"Sino daw po mama? May nasabi ba na pangalan?" tanong ko. Kahit bawat tanong ko isang libong kaba ang nararamdaman ko. Ngayon pa lang nasasaktan na ako.



" Hindi ko alam anak e. Hindi ko na tinanong hindi naman ako intersado sa mga mayayaman na yan." sagot ni mama. Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko. Kailangan ko ng kasagutan hindi pwedeng wala akong gagawin. Naiisip ko pa lang na baka si Cheska parang mababaliw na ko. Naguguluhan ako. Kaya imbes na mag isip ako ng kung ano ano aalis na lang ako at pupunta ng simbahan para malaman ko. Wala akong pakialam kung ano masasaksihan ko basta ang mahalaga matapos na tong pagdududa ko at maibsan kahit papano ang sakit at ang gulo ng nararamdaman ko. Sana hindi ikaw Cheska ang makita ko. Please..



Pinuntahan ko kaagad ang motor ko at sumakay agad. Tinignan ko muna yung cellphone ko bago mag drive pero wala pa ring text galing sakanya. Hay Cheska, ano bang nangyayari sayo? Habang nag da drive wala akong ibang iniisip kundi si Cheska at kung ano bang nangyayari? Kanina pa sya hindi nagrereply e. Dati pag malaman nya na nagtext ako tatawag agad yun para makausap ako at pag may ginagawa naman magtettext din yun. Pero ngayon ang strange.Pakiramdam ko may mali. Wala man lang ha ni ho. Kagabi lang ata yung huli naming pag uusap. Kasing bilis ng takbo ko sa motor yung bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Malapit lang naman yung simbahan dito samin, sa likod lang naman ng baranggay kaya ang bilis ko lang din makarating. Pagdating ko sa harap ng simbahan parang gusto ko nang umuwi sa sobrang kaba, totoo ngang may kinakasal. Ang daming tao lahat mga mukhang mamayaman. Sabagay magtataka pa ba ako? Tumigil lang ako sa harap ng simbahan at hindi na ko bumaba ng motor. Tinitignan ko lang ang mga tao nagtatawanan, at nag uusap habang palabas sa loob ng simbahan umaasa ako na kasama sya sa mga yun pero wala akong nakitang Cheska. Nagulat na lang ako ng biglang may nagsigawan.



"Andyan na sila palabas na sila. " rinig kong sabi nung isang babae. Biglang napahigpit ang hawak ko sa start engine ng motor. Damang dama ko din yung mga pawis na pumapatak sa gilid ng mukha ko. Sobrang kinabahan na ako. Nakita ko din ang mga magulang nya na palabas sa loob ng simbahan pati si Don Arturo napaka elegante nilang tignan nakangiti lang sila. Wala pang ilang saglit nakita ko si Arth kasama ang asawa nya na nakahawak sa braso nya. Pero hindi ako natuwa sa nakita ko. Hinihintay ko na lalabas na din si Cheska, pero parang nakalabas na ang lahat pero wala pa rin sya. Pati mga photographer at body guards ng pamilya nila nasa labas na din ng simbahan. Si Cheska nasaan kaya? Bakit di ko pa sya nakikita? Cheska pleeaasse nasaan ka ba? Kinuha ko yung phone ko para tawagan sya naalala ko nagload pala ako kanina along the way. Pinipilit ko pa din ang sarili ko na sana hindi sya.

Dialing...

*Cheska*

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later." nakapatay pala yung phone nya. Habang nagsasalita yung operator napatingin ako sa mga taong biglang nagpalakpakan. Nagulat ako.



" Andyan na yung bride at yung groom.Bagay na bagay talaga sila." rinig kong sabi nung isa sa mga kamag anak ata nila. Kahit sobrang kinakabahan ako at parang ayoko na tignan yung binabanggit nila pero hindi ko maiwasan. Nakita kong palabas na nga sila at medyo nagkagulo ang mga bisita na kanya kanyang kuhaan ng letrato. Napatitig lang ako sa babaeng palabas habang nakahawak sa lalaking katabi nya. Nakasuot sya ng wedding dress sobrang ganda nya, kahit sinong lalaki mapapatitig sa ganda nya. Isa na ata to sa pinaka magandang tanawing nakita ko pero ito din yung pinaka masakit . Ang sarap pagmasdan pero nakakadurog ng damdamin. Pakiramdam ko inaagawan ako ng hininga sa nakikita ko, parang gusto ko syang puntahan at hilain nalang palayo. Gusto ko sya makausap. Naguguluhan ako sobra.



Hindi ako makagalaw sa mga nasasaksihan ko. Pero hindi ko na kaya magtagal pa dito, ang alam ko kailangan ko ng umalis . Punong puno ako ng katanungan na BAKIT? Ang sakit. Sobrang sakit. Bigla akong nagsisisi na pumunta pa ako dito. Para lang ako naghanap ng martilyo na ipupukpok sa ulo ko. Pinaandar ko na ang motor at lumayo sa lugar na yun. Saan ako pupunta? hindi ko alam. Basta ang alam ko kailangan ko makaalis. Habang binabaybay ko ang daan, pakiramdam ko namamanhid ang buong katawan ko. Nanlalabo ang mga mata ko. Di ko tuloy mapigilang kausapin ang sarili ko. P****! naguguluhan na talaga ako. Bakit Cheska? Ano ba tong nangyayari? Naguguluhan ako. Magkasama lang tayo kahapon diba? Tapos kasal ka na ngayon? Sh**T pakiramdam ko ginagago ang buong pagkatao ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip.

===============

End of this Chapter. I'll update another chapter this week. ;) God bless us !





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Swear it AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon