Chapter 2

33 0 0
                                    


Pagdilat ko ng mata ko sobrang labo ng paningin ko kaya pumikit ulit ako pero habang nakapakit parang may nararamdaman akong bigat sa dibdib ko kaya agad ko din dinilat ang mga mata ko.

"Baby are you okay?" sabi nung isang boses na sobrang pamilyar sakin. Yung boses na pag naririnig ko parang okay na ang lahat. Nilibot ko ang mata ko at nakita ko agad ang gwapo at magandang mukha ni mama at papa na nasa gilid ko. Eto na naman ako naguguluhan kung bakit ako nakahiga dito.



"Ma, Pa , Why Am I here? ano po nangyari?" pagtataka ko. Di ko na nasagot tanong ni mama dahil nangingibabaw ang pagtataka ko. Nakakaewan lang tong momentum na to. I feel the pain inside of me. At bigla naalala ko na ang lahat.



"Sobrang nag alala kami ni mama mo anak. You collapsed earlier. Sorry anak, wala kaming magawa para maalis yang nararamdaman mo. Para mapigilan to. Alam namin naguguluhan ka at ayaw mo tong mga nangyayari ngayon pero eto kami walang magawa. Anak sorryy. We're so sorry" Sabi ni papa habang hinila ang braso ko para yakapin ako .. I feel him sobbing in my arms. I feel the sincerity. Nakita ko din si mama na umiiyak and seeing them crying really kills me. It answers my confusion earlier kung bakit ako nandito at kung ano nangyari.



After all wala ako maramdaman na galit sakanila, hindi rin ako umasang tutulungan nila ako sa sitwasyong ito. Alam ko pare parehas lang kami walang magagawa. Ayaw lang nila saktan ako ni lolo o ilayo ako sakanila pag tumutol sila. And most of all, ayoko may mangyaring masama kay Nick. Knowing my grandfather, he'll do anything he wants kahit makasakit pa sya. Mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat pag nangialam pa sila kahit may karapatan naman sila cause they are my parents. Pero kailangan nilang gawin to to save our family. Yakap lang nila at makita ko lang sila pakiramdam ko kahit ano pa yan kayang kaya ko.



" Wala po kayong dapat ipagsorry sakin wala naman po kayong kasalanan. I love you both" And I hug him back at lumapit din si mama para yakapin kami. Kala ko sa tv lang tong ganitong eksena at akala ko ang baduy hindi naman pala. It gives me so much relief.

Nandito na ako sa harap ng salamin at kitang kita ko ang pagbabago ng mukha ko. Di ako makapaniwalang may igaganda pa pala ako. Light lang ang minake up sakin, pero bumagay sa ayos ng buhok ko na nakatirintas at emphasize din ang bangs ko. Nilagyan din nila ako ng contact lense na lalong nagdagdag ng ganda ng matw at ng mukha ko. Pero hindi nito maitago yung emosyon doon. Bising bisi ang tatlong bakla sa pag aayos ng isusuot ko from head to toe. Wala ni isa saming nagsalita at parang ang bilis lang ng pangyayari. Sa mga oras na to, si Nick ang nasa isip ko. Paano sya? Paano pag malaman nya? Ano gagawin ko? Paano ko ipapaliwanag? Paano ako mag le let go. Nagngingilid na ang mga luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto ko sya puntahan. Gusto ko tumakbo palayo kasama sya. Pero paano?



"Mam Cheska would you mind po if tumayo po muna kayo para maisuot nyo na po yung gown? And oh my God! Don't, please don't. Masisira obra ko. Pigilan mo yang iyak mo" sabi nung isang baklang kanina pa iaayos yung isusuot ko. Sinunod ko naman ang gusto nya.

Tumayo ako at sinuot na nila sakin ang maputing gown. Punong puno eto ng crystals at laces.


"Perfect!" sigaw nung bakla pagkatapos nila isuot sakin ang gown ko at ang iba pa. Sobrang stunning ng dating ko ngayon. Humarap ako sa salamin para tignan ang sarili ko at pati ako nagulat sa itsura ko. Ang ganda ng lining ng gown nakakapagtaka at saktong sakto sa curve ng katawan ko na parang pinaghandaan matagal na. Masisilaw ka pa sa maliliit na crystal sa laylayan. Maasabi mo ngang talaga almost perfect.

"ahmmm. Thanks. Anyway just wanna ask for a favor.." sabi ko sa tatlong baklang nag ayos sakin.

"Yes madamme ano yun?May di ka ba nagustahan sa ayos mo? Tara at ayusin natin" sagot nung isa.

"Ah no no.. Actually it is awesome! I like it thanks. Anyway Ahmm .. Pwede ba iwanan nyo muna ako mag isa? Kahit 10 mins lang." sabi ko sakanila habang tinignan sila isa isa. Infairness ang gaganda nilang bakla. Di mo mapapansing lalaki talaga sila.



"As you wish Ms. Cheska. Wag mo sisirain yung obra namin ah.10 mins and we'll be back. Were running out of time na po e. Tara na guys. " sabi nung isang bakla nag make up sakin. Di ko alam name nila kase that time lang kami nag usap. Nung naka alis na sila, tinignan ko ulit sarili ko sa salamin. At hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang ikakasal na ko. Kanino? Hindi ko alam. Ang dami na namang tanong na tumakbo sa isip ko tulad ng ano mangyayari bukas? Alam na kaya ng mga kaibigan ko to? Sino at kanino ako ikakasal. Ano kaya mangyayari sakin? At higit sa lahat samin ni Nick. Alam na kaya nya to? Ang sakit .. sobrang sakit. Nasasaktan ako makita sarili ko na suot ang wedding dress na to at haharap sa lalaking di ko pa nakikita at hindi sa lalaking gusto ko.



Pakiramdam ko gusto ko tumakbo at hanapin si Nick para lumayo dito pero hindi ko magawa. Alam ko masasaktan sya ng sobra pag malaman nya . Di ko na alam gagawin ko. Bakit ganito? Parang gusto ko na lang itigil ang ikot ng mundo o mawala na lang ako ng tuluyan wag lang to matuloy. Pero wala akong kapangyarihang gawin yun. Naisip ko itext o tawagan sya pero natakot ako. Natatakot ako sa mga mangyayari pag malaman nya. Hindi ko alam anong mukha ihaharap ko sakanya, paano ko ipapaliwanag sakanya ns may asawa na ako pagkatapos ng araw na to. Paano ba mag paalam sa taong ayaw mo namang iwan? Naninikip ang dibdib ko at nanlalambot na naman ang mga tuhod ko. Ang hirap pala talagang magpigil ng iyak lalo na pag ang sakit sakit na.



*Knock knock!

"Ms Cheska? Okay na po ba? Nandito po mama nyo!" sigaw ng bakla mula sa labas. Thank God at pinuntahan ako ni mama dahil gusto ko nang umiyak. Pakiramdam ko kase bibitayin na ako mamaya. Haayys.

"Okay! I'm done Bukas yan!" sigaw ko na kunwari'y may ginawa ako pero ang totoo naglabas lang ako ng sama ng loob dahil ang bigat na ng nararamdaman ko. Maya maya'y bumukas ang pinto at pinuntahan na ko ni mama. Ang ganda nya sobra.

"Ma." sabi ko habang patakbo papunta sakanya at niyakap ko sya ng mahigpit. Inalo naman nya ako dahil siguro alam nya kung bakit ko ginawa yun. Ang hirap pala mapunta sa ganitong sitwasyon. Sino ba namang tao gusto magpakasal sa taong hindi naman nila mahal diba? Pero ito ako ngayon at tinatahak ang masakit na kototothanang yun.

"Anak, matatapos din to. Don't feel bad. Alam ko naman na ginawa to ni lolo mo para sa kabutihan mo." sabi ni mama habang tinanggal ako sa pagkakayakap sakanya.



"Para sakin po ba talaga ma? o para sakanya? Para sa sariling interest nya?" sagot ko. Kitang kita ko naman ang pagyuko ni mama sa sinabi ko siguro dahil sa wala sya maisagot sa tanong ko.


"Ms. Jimenez. It's about to start. Tara na po?" sabi nung isang babae na tingin ko'y pinaka head ng event na to.

"Ah yah. Let's go." sagot ni mama at humarap sakin. Para naman akong nalaglag sa narinig ko. It's about to start, so paumpisa na din yung bitay ko. Ang exaggerated man ng pagkaka compare ko sa kasal pero yan talaga pakiramdam ko e.

"Let's go baby." hila sakin ni mama at sumunod naman ako. Bago kami lumabas sa kwarto pumikit muna ako saglit para tanggapin ang lahat ng mga nangyayari pero hindi ko pa din matanggap e ang sakit kase. Bawat hakbang ko palabas ng bahay namin pakiramdam ko ang dami kong iiwanan kasama na dun ang pagkatao ko.

Paglabas namin ng bahay napansin ko na wala na yung mga tao, kami kami na lang pala natira dito. At alam ko na kung nasaan sila. Nakita ko din ang isang mahabang mercedez benz na nakaparada sa harap ng bahay kung titignan mo bagong bago at kahit sino papangarapin magkaroon ng ganito except me. Masyadong malaki para sa tatlong tao, yung driver, si mama at ako.

"This way mam" sabi samin nung driver at binuksan ang pinto na kotse. Pagsakay ko hindi na ko nagsalita.

=================================

Yes. Sorry for the late update. Don't worry mag a update pa din ako at walang makakapigil sakin hahaha. Hope you enjoyed it. God bless us! :*



Swear it AllKde žijí příběhy. Začni objevovat