Broken 8 - Lights Fade Out

Start from the beginning
                                    

"And who will judge?" tanong ni Mago.

"Ang mga customers," nagkibit balikat si Dessa, "maglalagay ako ng box sa harap niyo at maghuhulog ang mga customers ng pera. In the end, kung kaninong kahon ang may malaking pera ang siyang mananalo."

"Sounds interesting," saad ni Mago, "pero parang unfair yan kay Arlene."

"And why do you think so?" saad ko.

"Marami akong babaeng tagahanga, baka hindi ko pa nga kailangang magpakitang gilas dahil makita lang nila ako sa harap, siguradong may maglalagay na sa kahon ko," pagmamalaki niya.

"Huwag kang magpakasiguro, Mago," saad ko, "hindi mo pa alam ang kakayahan ko."

"Ikaw bahala," pilyo siyang ngumiti, "kung sakaling matalo ako, which is far from reality, ano ba ang hihingin mong prize?"

Napangiti ako saka ko sinabing, "I want us to consummate our wedding."

Agad namang nabulunan si Dessa kaya hinagod ko ang likod niya, "teka lang," saad ni Dessa, "tama ba yung narinig ko? Kasal kayo?"

Pareho kaming hindi kumibo ni Mago pero tumango ako kay Dessa.

"Eh kung ako ang matalo," saad ko, "ano ang kapalit?"

"You will agree on filing a petition on making our wedding null and void," walang emosyon niyang pagkasabi.

"Don't you think that was too much?" inis kong saad.

"It is just as much as you have asked for," saad niya.

"Okay," bumuntong hininga ako, "iba na lang ang hihingin ko. Kung ako ang mananalo, hahayaan mo akong i-decorate ang buong silid mo."

Mahina siyang tumawa saka sinabing, "ganun lang ba? Cool ako diyan."

"So ano naman ang kapalit kung ikaw ang mananalo?" tanong ko.

"Isang linggo kang hindi papasok dito at sa bahay ka lang mamalagi," seryoso niyang saad.

Bakit parang possessive ang dating niya? Nagkibit balikat na lang ako. Imposible kasing magiging possessive sa akin si Mago. Ni hindi nga niya maamin sa lahat na asawa niya ako, yung pagiging possessive pa kaya.

*Mago's POV*

Tulad ng inasahan namin, maraming tao ang dumating sa unang linggo ng gender battle. Nasa harap na kami ni Arlene habang excited naman ang audience sa gaganaping flairing battle. Sumenyas ako kay Dessa at agad na sinimulan ang routine ko. Ilang minuto akong nagpakitang gilas saka sumunod si Arlene. Napangiti ako dahil yung ginamit niyang routine ay simple lang pero nagulat ako nang may lalaking naghulog ng maraming one thousand bill.

Sinimulan kong muli ang isa ko pang routine. Ang routine na tatak Mago dahil nagtatapos ito sa kunwaring pagbigay ng shot sa isang babae pero bago niya makuha ang shot glass ay agad ko itong ininom saka siya pinaunlakan ng halik sa pisngi. Sa sobrang tuwa ng babae, naglabas kaagad ito ng pera at inilagay ito sa kahong ito.

"Mago, one thousand for each button that your take off!" narinig kong sambit ng isang babae kaya napalingon ako kay Arlene na ngayon ay nakataas ang kilay dahil sa selos. Lihim akong napangiti dahil kahit namumula ang pisngi at umuusok ang ilong dahil sa galit ay maganda pa rin ang asawa ko.

Pilyo akong ngumiti saka binuksan ang isang butones ko na agad namang naghiyawan ang lahat ng mga kababaehan. Binitin ko muna sila dahil isang butones lang ang binuksan ko kaya may iilang babaeng nagpaligsahan sa paglagay ng pera sa kahon. Nagpatuloy ako sa pagbukas ng butones hanggang sa nabuksan na lahat kaya nasisilip na nila ang dibdib at abs ko.

The Woman He Broke (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now