Broken 7 - The Beast Inside

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kita niyo? Okay lang daw," saad nito habang pilit na nilalapit ang mukha sa mukha ko. Sa sobrang takot, hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsampal sa kanya. Naiiyak akong tumingin sa lugar kung saan ko huling nakita sa Mago pero wala na siya dito. Agad naman akong napatingin sa opisina namin at nang makita kong naka-ilaw na ito, alam ko na agad na hindi ko na aasahang makita niya ang sinapit ko.

Buong lakas kong tinulak ang lasing na customer kaya natumba ito. Nanginginig kung lumayo na lang sana pero napahinto ako nang makitang nakatingin na sa amin ang halos lahat sa bar.

"Anong nangyari dito?!" bulyaw ni Mago. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil dumating siya o dapat ba akong matakot dahil tinapunan niya ako ng masamang tingin na para bang sinasabi niyang kasalanan ko ang nangyari. Kinabahan ako nang makita kong papalapit siya sa akin

"Unang gabi mo pa nga lang dito, gumagawa ka na ng eksena," nadurog ang puso ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ba niya nakitang binabastos ako? Mas mahalaga pa rin ba ang lasing na customer kaysa ako na asawa niya? Oo nga pala, asawa lang ako, hindi niya ako mahal.

"Pagsabihan mo yang empleyado mo!" narinig kong saad ng manyak na lasing, "she should know that customer is always right."

"I am sorry, Sir," narinig kong pinakalma ni Mago ang customer, "ako na po ang bahala sa kanya. In the meantime, I'll give you a VIP treat."

Nakita kong may ibinulong si Mago sa kasama nitong bouncer saka ako hinarap, "Lumalandi ka hindi mo naman pala kayang panindigan," mariing bulong niya sa akin.

"Binastos niya ako, Mago," nagiging malabo na ang mga mata ko dahil sa namumuong luha na nagbabadyang pumatak anumang oras.

Mapakla siyang tumawa saka sinabing, "tingnan mo nga yang suot mo. Sa tingin mo irerespeto ka sa suot na yan."

Napayuko ako. Sinuot ko lang naman 'to para mapansin niya ako. Kung tutuosin nga, mas malandi pa ang mga suot ng mga babaeng nakasalamuha niya kanina.

"Pumasok ka na lang sa opisina at gumawa ng report," utos niya sa akin, "baka ikaw pa ang magiging dahilan ng pagsarado ng bar na 'to."

Sinundan ko siya ng tingin saka tinahak ang daan patungo sa opisina namin.

'Wala na ba talaga, Mago?' naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha, 'mahal kita kaya titiisin ko ang lahat.'

*Mago's POV*

Naiinis akong panoorin ang babaeng kumakanta sa stage habang hinahayaan niyang bastosin siya ng lasing na customer. Nagbago na rin pala si Arlene. Hindi na siya tulad ng dati. Tama lang pala ang desisyon kong gamitin siya upang saktan ang kanyang ama at kinikilala niyang ina. Sa kilos niya, hindi malayong magiging katulad rin niya ang ibang babaeng minahal ko pero iniwan lang ako. She has become one of the girls who effortly flirted just to have s3x with me.

Nawalan na ako ng gana at dahil namanage na ni Dessa ang mga orders, naisipan kong pumunta na lang sa opisina ko. Ayokong pag-aksayahan ng panahon si Arlene at wala rin akong ganang makipagbolahan sa mga babaeng alam ko ay tanging s3x lang ang habol sa akin.

"Boss Mago!" narinig kong sumunod sa akin si Quinn.

Kakabukas ko lang ng ilaw sa opisina nang sinabi niya sa akin na nagkagulo na sa baba at nasangkot si Arlene.

"Tawagin mo sina Jomar at Aldren," utos ko habang nagmamadali akong tinungo ang kinaroroonan ni Arlene.

"Anong nangyari dito?!" agad kong tanong nang marating ko ang lugar. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Arlene, nilapitan ko siya. Gusto ko siyang yakapin at iparamdam na okay lang dahil nandito na ako pero nung maalala ko kung paano niya hinayaan ang lalaking nambastos sa kanya sa paghawak sa katawan niya, nawala lahat ang awa na naramdaman ko.

"Unang gabi mo pa nga lang dito, gumagawa ka na ng eksena," gusto kong matuto siya sa katangahang ginawa niya. She is being unreasonable. Hindi naman magkakaroon ng lakas ng loob ang lalaki na bastosin siya kung sa simula pa lang ay pinaramdam na niya dito na dapat siyang respetuhin bilang babae.

"Pagsabihan mo yang empleyado mo! She should know that customer is always right," pinipigilan ko ang sarili ko na huwag suntokin ang bastos na lalaki sa likod ko kaya hinarap koi to.

"I am sorry, Sir, ako na po ang bahala sa kanya. In the meantime, I'll give you a VIP treat," saad ko saka lumapit kay Jomar.

"Dalhin niyo siya sa VIP room at hintayin niyo ako doon," utos ko sa dalawang bouncer saka ako pumihit para puntahan ang babaeng nanginginig na sa takot.

"Lumalandi ka hindi mo naman pala kayang panindigan," mariin kong bulong habang pinipigilan ang sarili sa pagyakap sa kanya.

"Binastos niya ako, Mago," napansin kong iiyak na siya pero hindi ako nagpatinag. It still did not change the fact na hinayaan niya itong bastosin siya habang kumakanta siya kanina, "tingnan mo nga yang suot mo. Sa tingin mo irerespeto ka sa suot na yan."

Alam kong iiyak na siya kaya agad ko siyang inutusang pumasok na muna sa opisina sa amin saka ko tinungo ang VIP room.

Nakangising sumalubong sa akin ang lasing na lalaki sabay sabing, "anong VIP treat ang ibibigay mo?"

Hindi ako sumagot pero nakangiti akong lumapit sa kanya saka agad na sinuntok sa mukha. Natumba ito pero bago siya makabawi mabilis akong pumaibabaw sa kanya saka pinagsusuntok. Nilabas ko lahat ng galit ko – galit ko sa ama ni Arlene, galit ko sa sarili kong ina, galit sa lahat ng kamalasang nangyari sa buhay ko. Malas lang talaga ang lalaking ito dahil siya ang naging labasan ko ng galit. Hindi ko siya tinigilan hanggang sa pumutok na ang labi nito at nabasag ang ilong. Halos walang malay na siya nang hinawakan ko ang kwelyo niya, "sa susunod, kilalanin mo muna kung sino ang babastosin mo!" mariin kong bulong sa kanya, "bastosin mo ang lahat na sa bar na ito huwag lang ang asawa ko!"

Pabagsak ko siyang iniwan na nakahilata sa sahig saka ako tumayo. Inabutan ako ng panyo ni Aldren kaya tinanggap ko ito saka pinunasan ang dugong tumalsik sa kamay ko.

"Sabihin niyo sa mga kasama niya na may binastos na naman siyang ibang babae kaya nabugbog siya ng mga kasamang lalaki nito," utos ko, "sa sobrang lasing niyan, hindi na niya maalala na ako ang bumogbog sa kanya."

"At sa susunod," saad ko bago ko binuksan ang pinto, "bantayan niyo ang Ma'am Arlene niyo. Alam niyo nang asawa ko siya kaya kung gusto niyong manatili sa trabaho niyo, siguraduhin niyong walang lalaking makakalapit sa kanya."

Galit pa rin akong lumabas ng VIP room saka tinungo ang bar para aliwin ang sarili sa pagmimix ng drinks. You may call me a casanova, manwhore, or a goodgirl's worst nightmare, pero kahit kailan, wala pa akong binastos na babae. Lahat ng naikama ko ay kusang lumalapit sa akin. Hindi ko pinipilit ang sarili ko sa kanila.

__________________

AN: Pasensiya na po kayo sa kabaliwan ko pero if you would like to know kung alin sa mga drinks na namention ko sa chapter na ito ang gusto ko, ang sagot ko ---- sperm shot (a combination of Tequila and Vodka with cream on top)! hahahah

NOT EDITED

NOT REVIEWED

MAY CONTAIN ERRORS --- but I am open to constructive criticisms.

AnjSmykynyzeASPRV


The Woman He Broke (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon