F.L.G.(Chapter 87- Nag labasang' selos)

131 7 1
                                    

Kath's POV

Pag kayo talaga' kahit ilang beses man kayong mag away- e kayo parin ang mag kakatuluyan sa huli.

Number one fan of joshbie love team here! Nakakatuwa talaga ang love story nila Bie.Pinatunayan talaga nila yung kasabihang'

The more you hate' the more you love.

At' biruin niyo kahit na walang araw silang hindi nag aaway noon ay simbahan parin pala ang kanilang mauuwian!

"Na kaka inggit naman yung tong dalawa." sabi ko habang nag tatake a look sa pictures from the wedding yesterday.

"Ma'am! Nag kakagulo po sa labas!!" lingon ko naman kaagad sa pinto ng pumasok yung isa sa waiters ko sa office ng restau.

"Sa labas?!" tanong kong pabalik at lumabas na ko.

What the heck?! What's happening? Akala ko ba nag kakagulo dito sa labas? bat parang yung utak ko ang naguguluhan?

"Why so many baloons here?" tanong ko habang nakahilera yung mga waiters and chef's ko sa gilid.

"What's happening?" dagdag ko pa. At lumabas na kaagad ang sagot sa mga katanungan ko. Isang lalaking may hawak ng napakaraming rosas na kulay pink ang nag pakita sa harap ko. Nakangiti ng malawak.

"Happy anniversary kath my' destiny princess" Si Dj' kahit kailan nalang. Lagi nalang niya kong sinusorpresa.

Hindi ko akalain na gagawin niya to kasi' nag tatampo na ko last week pa kasi' ni hindi niya man lang inoopen yung topic ng anniversary namin- tapos pag inoopen ko yung topic ng anniversary namin siya naman tong si 'oo' lang. Kaya naman pala-kasi may plano siya.

"Akala ko kinalimutan mo ng anniversary natin. Pano ba naman kasi parang wala kang pakielam last week pag inoopen ko yung topic na yun" sabi ko and I hug him tightly.

"Maling akala. Hinding hindi kita bibiguin sa bawat anniversary natin' kaya wag ka ng ma aning diyan." Sabi niya and after that ay nag simula na kaming kumain. Ki-lose na muna namin yung restau .

Habang inaasikaso yung bawat guests' ay may pumarada sa paking expecting.

"Dj! sila Bea na ata yon." sabi ko kay dj' dahil inaayos ko yung mga pag kain.

"O sige teka." sabi naman niya at malayko ba! Diyanlang naman sa labas paparoon' mag iiwan pa ng kiss sa pisngi? haha

"Grabe yon ma'am! diyan lang sa labas pupunta kailangan ng good bye kiss? " panunukso naman yung empleyado ko.

"Psh. ano ba! talagang ganyan naman yang si Dj! Di na kayo na sanay!" sagot ko naman.

Ano ba yon? Bat ang tagal naman pumasok ni dj?

"O' kumain lang kayo ha. Sundan ko lang si Dj" sabi ko at pumunta na ko sa labas. What I mean papalabas palang sana ng makita ko na si Dj sa tapat ng pinto may kausap na babae. Matangakad' maganda' naka color pink na damit.

"o? J- sino siya?" I asked nung lumapit ako sa kanila. Inakbayan ako ni Dj.

"Co-coleen meet kath' girlfriend ko.Kath si coleen classmate ko nung elem" nangitian ko lang yung babae.

Foreign Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon