Someday- Chapter 6.

24 0 0
                                    

Chapter 6

Walang tigil ang pag-agos ng luha sa mata ko habang walang tigil ang pagbalik ng lahat ng sakit na naramdaman ko noong araw na naisipan niyang iwan ako.

Ang daya-daya. Habang nasasaktan ako, masaya siyang kasama ang bagong mahal niya. Bakit ba hindi ko siya nagawang kalimutan? Bakit may iisang parte ng puso kong naghahangad na bumalik pa rin siya? Bakit pa ba ko umasa?

"Audrey? Hinahanap ka na ni Tita--" Natigilan si Liam ng makita akong tuluyan. "U-uy. Bakit ka naiyak?" Agad naman siyang lumapit sa harapan ko para tignan kung napaano ba ko. Pilit niyang tinatanggal ang kamay na naka-harang sa mukha ko para pigilan siyang makita ang mukha kong namumula na siguro ngayon ng sobra.

"Teeen! Anoba. Bakit ka naiyak?" Tinanggal ko ang kamay ko sa mukha ko at tinitigan siyang mabuti sa mga mata niya. Tinitigan ko siya ng ilang minuto bago ngumiti.. "Ayos lang ako." Walang emosyong sagot ko sa kanya. Napa-kunot ang noo niya habang sinusuri ang itsura ko, "Umayos ka nga! Okay lang ba 'yan? Tignan mo nga, o. Mugtong-mugto ang mga mata mo. Ano ba talaga nangyari?" Pagtatanong niya ulit.

Tumawa ako ng pilit, "Haha. Alam mo, Liam? Bigyan mo ko ng isang dahilan para sabihin sa'yo kung bakit. Kasi ako din hindi ko alam kung bakit nagkaka-ganito ako, e. Dapat nagagalit ako. Dapat wala akong pakialam, pero alam mo? Wala kahit isa sa mga 'yon ang nararamdaman ko. Iniwan ako ng taong mahal ko ng walang dahilan. Pakiramdam ko nong oras na 'yon, wala lang ako kwenta.. Walang kwenta ang lahat ng ipinakita't ipinaramdam niya sa'kin kasi kung mahal talaga niya ko? Magpapaliwanag man lang siya kung bakit. Kaya ngayon, isipin mo na lang na okay ako. Kasi sa buong walong buwan na wala ka, 'yun lang ang pilit kong pinakita sa iba! Na okay lang ako! Na hindi ako iniwan ng taong sobra-sobrang mahal ko! Kahit araw-araw akong pinapatay ng sakit na nararamdaman ko dito," Sabay turo sa puso ko, "Pinilit kong ipa-paniwala sa kanilang maayos lang ako kasi kahit umiyak ako ng umiyak, hindi titigil sa pag-ikot ang mundo. Kahit tumigil sa pag-ikot ang mundo ko, tuloy-tuloy ang pagtakbo ng oras sa buhay ko. Sapat na dahilan na ba 'yan, Liam? Diba? OKAY LANG TALAGA AKO." Pagkasabi ko nyan, umalis na ako. Iniwan ko siyang nakatulala sa mga iniwan kong salita sa kanya.

Sobrang sakit na kasi, e. Hindi ko na talaga kayang kimkimin pa. Bumaba ako sa dining room at nakita sila Mama at Jessica na nag-uusap. "Mama, mauuna na po ako. Magkita na lang tayo sa bahay." Susubukan pa sana akong pigilan ni Mama pero nakita ni Jess ang itsura ko at alam na niyang kailangan ko lang mapag-isa, "Tita, hayaan mo na po siya. Mag-tiwala na lang kayo kay Audrey. Magpapaliwanag din 'yan pag-uwi nyan." Tutol na nga ni Jess.

Mukha namang convinced si Mama at tumango na, "Osige. Basta wag ka magpapagabi. Magi-ingat ka, ha?" Pagkasabi niya non, lumabas na ko sa bahay nila Liam at pumunta sa espesyal na lugar naming dalawa.

Sa sobrang sama ng loob ko, sumigaw ako ng malakas na malakas. "AAAAAAAAAAAAAAAAAH! Liaaaaaam! Mahal pa rin kitaaaaaaaaaa!" Nakaramdam ako ng konting pagkagaan ng loob pero nangingibabaw pa rin ang sakit. "Bakit ba kailangan mo kong iwan? Okay lang naman sa'kin kahit magmahal ka ng iba, e.. Basta kasama kita, basta alam kong nandyan ka." Iyak lang ako ng iyak. Parang wala na kong ibang ginawa ng mga araw na 'to bukod sa umiyak.

"Alam mo, kung hindi kita kakilala, iisipin kong baliw ka na." Napatigil ako ng biglang may nagsalita. "S-sino 'yan?" Tumingin ako sa paligid pero wala namang tao. "Tange, nandito ako." Biglang may sumilip sa may kabilang gilid ng puno na pinagsasandalan ko. "Wacky? A-anong ginagawa mo dito?" Sabay punas sa luha ko. Sabog na siguro ang itsura ko ngayon. "O, eto. Punasan mo 'yan. Hindi bagay sa'yo ang naiyak." Inabutan niya ko ng panyo na kinuha ko rin naman agad.

"Salamat." Ibabalik ko pa sana ang panyo niya pero tumanggi siya. "Hindi. Sige, sa'yo na 'yan." Sabay ngiti niya. "Alam mo, hindi dahilan ang pag-iyak sa problema. Kilala ko si Liam, walang gagawin 'yan na basta-basta ng hindi niya pinag-iisipan. Alam kong may dahilan kung bakit ginawa niya kung ano man ang ikinalulungkot mo ngayon."

SomedayWhere stories live. Discover now