"Malandi ka! Hindi mo na ba crush si Griffin?!" sabi ni Milly.

"Si Griffin lang ang gusto ko. Hindi na iyon magbabago!"

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kahapon. Lahat-lahat. Pati iyong ginawa ni Snyle nang kumidlat. Wala naman itong malisya sa akin kaya hindi ko na rin tinago pa sa kanila. Nagmagandang loob lang din iyong tao.

"Nice move from Snyle!" nag-thumbs up si Mally.

"Ang laking improvement na ng sa inyo ni Griffin ah! Naku, Mosyn, baka sa susunod ayain ka na makipag-date nyan!" sabi ni Milly. Kinikilig akong ngumiti.

"It is only natural for a president to greet its people. He greets not only Mosyn but many other students too. Kaya huwag kang umasa agad diyan," sabi ni Mally.

Hinila ako ni Milly palayo sa kanyang kakambal. "If he asks you out, just tell me immediately, okay? Aayusan kita ng bonggang-bongga! Tapos i-kiss mo na rin agad kung may pagkakataon ka, ah?!"

"Baliw ka ba?! Baka isipin no'n, ang easy to get kong babae!"

"Edi kung siya ang mag-initiate ng kiss, huwag mong tanggihan!"

Dumating na ang prof namin kaya natigil na kami ni Milly sa pag-uusap. Kasabayan din niya dumating sina Divine at Sunshine na may sinisenyas sa akin na hindi ko naman maintindihan. Nag-focus na lang muna ako sa pag-aaral dahil maganda rin ang mood ko! Nakakagana na nga mag-aral kapag nakita mo ang crush mo, lalo na kapag binati ka pa!

"Sis, kumakalat sa buong unibersidad iyong pagsasabay niyo raw ni Snyle pumasok. May mga nakakita rin na hinatid ka pa sa classroom natin! Dami tuloy nagtatanong sa akin kung nililigawan ka raw ba!" sabi ni Divine nang break time namin.

Nandito ulit kami sa pwesto namin nina Mally. Sumama sina Divine sa amin dahil gusto rin maki-chismis tungkol sa kumakalat na balita sa amin ni Snyle. Ang kulit kasi ng lalaking iyon! Sabing huwag na ako ihatid! Ayan tuloy nachi-chismis pa kaming dalawa!

"Dapat sinabi mo hindi. Nagkataon lang na nagkasabay kami. Baka mamaya, sugurin ako ng girlfriend no'n at mga babae. Ayoko ng gulo!"

"Pero magkasabay nga kayo?" usisa ni Sunshine.

"Yes! Snyle even slept in their house last night!" bunyag ni Mally. And then she tell them everything.

Panay ang kontra ko sa iba niyang sinasabi. Nilalagyan niya kasi ng malisya ang bawat kwento niya. At kung may malisya nga iyon, wala akong pakialam. Babaero si Snyle. Hindi ako dadagdag sa mga babae niya.

"Pagbati lang sa iyo ni Griffin, nilagyan mo na ng malisya, pero paghahatid ni Snyle sa iyo pauwi, na hindi na inintindi ang trabaho niya, hindi?!" sabi ni Mally sa akin.

"Dahil babaero siya! Alam kong ginagawa niya rin iyon sa mga babae niya!" kontra ko.

"Hmm, I've never heard about Snyle bringing a girl to her house. Dahil nga nagtatrabaho siya, umuuwi rin siya agad," sabi ni Divine.

"See?" Mally smirked confidently.

Sumimangot ako at hindi na lang sila pinansin. Pero natahimik sila sa pag-uusap nang may tatlong babae na lumapit sa amin. Namukhaan ko sila dahil sikat silang mga cheerleader dito.

Heart Won't Forget (Landegre Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt