Friends or Lovers?

449 11 3
                                    

Mahal na yata kita. Ay mali! Oo, mahal kita. Matagal na. Pero dapat pa nga ba kitang mahalin kung alam ko naman na walang patutunguhan ang nararamdaman kong ito? At kung may pag-asa man, dapat ko bang isakripisyo ang pagkakaibigan natin para sa inaasam kong pag-ibig? Napakabuti mong kaibigan at ikalulungkot ko ng lubusan pag nawala ka sa'kin. Ngunit pinapangrap ko rin namang maging tayo. Kilala kita at hindi ko maiwasan pangarapin ang mga gagawin mo sa'kin bilang boyfriend. OO, pinapangarap kong maging boyfriend ko. Alam kong hindi mo ako gusto. Tanggap ko yun pero wala rin namang masamang mangarap, di ba?


At isa pa, hindi ako karapat-dapat sa'yo. Isa akong babaeng assumera. Assumera ako dahil umaasa akong magugustuhan mo din ako. Sana lang dumating ang oras ma isampal mo sa'kin ang katotohanang hindi mo ako gusto dahil hindi tayo bagay. Pag nangyari yun, sa tingin ko magagawa na kitang kalimutan, gustuhin ko man o hindi. At mangyayari lang yun kapag ipinagtapat ko sa'yo ang tunay kong damdamin. Sana, kahit minsan lang, mabigyan ako ng lakas ng loob para umamin sa'yo.


Ito ang plano ko. Aaminin ko sa'yo lahat. Pero hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan natin. Kung binabasa mo man ito sa mga oras na 'to, Patawarin mo sana ako. Hindi ko sinasadyang mahalin ka. Hindi mo naman ako masisisi kung minahal man kita, ikaw ang tipo ng lalaking pinapangarap ng bawat lalaki.Mahal na mahal kita, BUNCH.


Hugot!!!Where stories live. Discover now