Hindi siya umimik. Hindi na rin siya makatingin sa akin ngayon.

"Alam kong mahal mo ang trucking kasi regalo mo iyan sa akin. Pinangalan mo nga sa akin, hindi ba? But this time, it's a liability to you. Anong idedeliver mo kung napeste ang mga pananim? If you give it up now, you can save the businesses your father built."

"Kaya ko ang lahat ng ito, Rosie," giit niya. "Kahit na mag iwan pa ang ama ko ng ilang bilyong utang, kakayanin ko lahat ng ito kaya hayaan mo na ako."

Hindi na ako nakapagsalita. Tiningnan ko lamang siya. Tunay na wala akong alam sa negosyo pero hindi mahirap ianalyze ang nangyayari.

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang nakalabas na kami. Dumiretso kami sa kanyang Hummer.

"Sa labas na tayo kumain. Gusto kong makipag date sa'yo..." aniya.

Hindi parin siya makatingin sa akin. Ngumiti ako ngunit hindi ko maalis ang takot at pangamba. Is everything really okay?

"O sige..." sabi ko, pinagbigyan siya.

Sa isang filipino restaurant kami kumain. Gusto niya rin di umanong manood ng sine. Gusto ko rin ng time sa kanya kaya pinagbigyan ko na.

"Jacob, nanonood ka pa ba?" tanong ko nang naramdamang kanina pa siya sa leeg ko nakahilig.

"Hmm?" he kissed my neck.

Huminga ako ng malalim at pilit na bumaling sa kanya. Sobrang lapit ng mga ilong naming dalawa. Nagkatinginan kami. Hinaplos niya ang singsing na binigay niya sa akin noon.

"Sa susunod na taon na ba tayo magpapakasal?" tanong niya sa malambing na boses.

Nagkasundo kami na iantala ang kasal dahil sa pagkamatay ng kanyang papa. Hindi pa namin napagkakasunduan kung kailan ulit dahil sa trahedya at ngayon binuksan niya ulit ang topic.

"Titingnan natin, Jacob," sabi ko at nag iwas ng tingin.

Pakiramdam ko ay may problema at ako lamang ang nakakakita. Hindi kaya tinatago niya sa akin? O baka he really is taking all of these lightly.

"Bakit? Nagdududa ka na ba na ako ang papakasalan mo?" pabulong ngunit may diin nang sinabi niya ito.

"Hindi ako nagdududa." Hinuli ko ang daliri niyang nakahawak sa aking singsing. "Pakiramdam ko, maraming mga bagay ang kailangan nating unahin. 'Yong mama ko, 'yong pag aaral, 'yong negosyo ninyo..."

"Tss... Kung magpakasal tayo, uuwi ang mga magulang mo. Hindi ko na sila palalabasin ng bansa para magtrabaho. Hindi mo na rin kailangang magtrabaho..."

Pumikit ako ng mariin. Sana ganoon ka simple iyon. Kaya ba iyon? Kaya pa ba iyon sa negosyo nina Jacob ngayon?

Pagkadilat ko ay nakatingin parin siya sa akin. Tila ba inaabangan niya ang pag oo ko.

"Jacob, 'tsaka na pag naayos ang negosyo ninyo, okay? Marami pa tayong mga problema."

Nagkatinginan kaming dalawa.

"Maaayos din 'yan, Rosie..." aniya.

So there really is a problem. Nilagay niya ulit ang kanyang mukha sa aking leeg. Tiningnan ko na lang ang screen at pilit na pinanood ang movie.

Pagkatapos noon ay wala na akong naintindihan sa buong movie. Mabuti pa siya at nakakatawa pa tuwing may kakatawanan.

Patapos na ang movie nang hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Jacob, alin ang pinakuha mo muna sa bangko?"

"Hmmm? 'Yong Kampo Juan."

Ang pinaghirapan ng kanyang ama!

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon