My Open Letter: To My Dearest Readers

19.3K 353 85
                                    

To my dearest readers,

I'm thinking to give Blog Post #143 to my publisher.

First of all, I would like to apologize. Una ko nang sinabi na I won't give Blog Post #143 to traditional publishing. And God knows how much I wanted to fullfil that. Seryoso ako noong sinabi ko 'yan. Mahirap kasi ang nasa publishing house. Hindi mo alam kung kailan ito lalabas o kung lalabas pa nga ba. I've been here for more than a year and a half. Aware na ako sa kung paano ang kalakaran nila. Kung hindi ka sikat hindi ka masyadong mabibigyan nang pansin.

So, bakit nga ba nagbago ang isip ko? Sana maintindihan n'yo ang mga dahilan ko. Mahirap din ito para sa akin. Ang tagal kong pinag-isipan bago ako nagpasya na i-let go na nga sila. May tatlong buwan ko siguro s'yang pinag-isipan. Hindi ko basta-basta ginawa ang decision na 'to. Sabi ko nga sa inyo, nahirapan din ako. Nanghingi pa ako ng advice sa mga malalapit kong kaibigan.

If you're reading/following my blog may chance na nabasa n'yo ang isa kong post, bago ito natabunan ng trash posts ko about sa Seveteen. Hahaha! Sorry about that, but 'ayun nga. If you read that you will know why. Sa mga hindi pa nakabasa, I will give you summary kung ano ang nakalagay doon.

Last June or July my publisher texted me and asking if I wanted to give my Blog Post #143 to TV5's Wattpad Presents. I said, "Yes, okay lang naman po. Kaya lang po okay lang po ba na hindi i-publish ang book?" Kasi as far as I know nga, hindi ko naman ni-revise ang story at hindi ko na pinasa ulit sa kanila. So, simula noong January ang alam ko, for revision ang Blog Post #143 at kung hindi ko na ito ipapasa ay hindi na nila ito hahanapin pa sa akin. I will just wait to finish my contract then self-published it. Malinaw 'yan. 'Yan talaga ang nasa isip ko. You can even ask my other readers na member ng group ko. I already told them what's my plan.

Then they replied to me, "I-published sana ang plan. Approved naman 'yun, 'di ba? Ready na nga ang check for that."

Napamura talaga ako noong nabasa ko 'yung reply nila. As in literal. Nagmumura kasi talaga ako (pero hindi ako masamang tao, a. Hahaha!) kahit kanino n'yo pa itanong. Hahahah! Pero 'ayun nga, ipinagtanggol ko ang side ko. Tinanggihan ko ang Wattpad Presents dahil tinanggihan ko rin ang publihsing. Kumbaga, tinapon ko lahat 'yung opportunity na nasa harapan ko that time. Nasaktan kasi ako sa thought na biglang approved. Alam n'yo 'yun? Sinabi lang nila sa aking approved noong kinukuha na ng Wattpad Presents at 'yung time na may Mreads na.

Medyo naging iba kasi 'yung dating sa akin no'n. Naiintindihan n'yo naman ako, 'di ba? I mean, 'yung naramdaman ko that time, naiintindihan n'yo naman, 'di ba? And isa pa ayaw ko noong bagong book ng publisher namin. Gusto ko 'yung creampaper at hindi newsprint. Hahahahha! Fuck. This summary is quite more detailed kaysa sa posted ko na blog. Hahahaha! Anyway, 'ayun na nga ang summary noong mga nangyari before, now what changed my mind?

Before you judged me and tell me na "wala kang isang salita" read/hear me out first. Kung tutuusin hindi ko naman kailangan talagang magpaliwanag but since I treat all my readers as my friends you are all important to me. Gusto kong alam n'yo 'yung dahilan at hindi 'yung magugulat na lang kayo sa naging decision ko.

1. Gusto kong maraming reader ang makabasa ng gawa ko sa mas murang halaga.

Alam naman natin na mahal ang pagse-self-published at hindi lahat ay afford ang presyo. 'Tapos may additional pang shipping fee na medyo mabigat din sa bulsa. Being published by my publisher you can get it for really affordable price. Siguro mga nasa P60-P90 lang siya. Magiging available pa siya sa mga bookstore. Hindi kayo masyadong mahihirapan na makahanap ng copy. Kung mahihirapan kayo, p'wede ako mag-take ng pre-order para mabigyan ko rin kayo ng supposed na freebies ko sa self-published.

Kung self-published din kasi hindi ko masyadong maaasikaso. Siguradong isang batch lang ay mayroon next year.

2. I really want to open a business. And having Blog Post #143 in Wattpad Presents it will help me a lot to make it happen.

Gusto ko talagang mag-open ng t-shirt shop. Mayroon na kami actually, pero hindi pa siya ganoon ka ayos, wala pa kasi kaming sapat na pondo, kumbaga, kung kailan lang may um-order saka namin gagawin, medyo magastos sa materyales. Ang gusto namin ng kapatid ko ay 'yung magbebenta kami ng shirt na 'yung sarili n'yang design. Mass production na at hindi 'yung kung kailan lang may um-order ay saka gagawin. Saka gusto ko rin kasi na may pagkakaabalahan ang magulang ko. Sooner or later makakahanap na ako ng trabaho, same goes with my sister dahil graduating na siya. And ang gusto ng parents namin ay nasa bahay na lang sila at ine-enjoy ang buhay sa pagkakaabalahan nila. As thank you sa kanila, I want to fullfil din naman 'yung gusto nila. Business minded kasi talaga akong tao, noong nag-start kami ng kapatid ko sa t-shirt printing gusto na rin talaga ni Mama na mapalaki 'yun, katulad ng kagustuhan namin ng kapatid ko.

Hindi ko ipagkakaila na malaki rin kasi talaga ang makukuha kong bayad from TV5 kung under publisher ang Blog Post #143. 'Yon ang kaibahan kung hindi under publisher ang kinukuha ng Wattpad Presents. Okay lang kung iisipin n'yo na mukha akong pera, pero sabi ko nga, para naman kasi 'yun sa business sa itatayo namin ng kapatid ko at sa parents ko.

3. Five (5) months pa mula ngayon (Oo, ngayon, March 3, 2014 kasi ako pumirma) ang tapos ng contact ko.

Sa five (5) months na 'yon, maraming p'wedeng magbago. Hindi ko alam kung pagkalipas ng limang buwan na 'yon ay interesado pa kayo at ang TV5 sa Blog Post #143. Kumbaga sa akin, gusto kong samantalahin habang interesado pa sila. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung interested pa nga sila. I will just take the risk. Kasi hindi naman kasi lingid sa kaalaman natin na maaaring magbago 'yung pagka-in ng Wattpad. Paano kung next year, gano'n na nga? Hindi sa pinapangunahan ko, iniisip ko lang 'yung mga circumstances na maaaring mangyari. Lalagpas ang opportunity.

Hindi pa ito sigurado. Kinakausap ko pa ang publisher ko kung interesado pa rin ang TV5 sa Blog Post #143. Nakikipag-usap pa ako sa kanila. Ang sinabi ko ibibigay ko na ang Blog Post #143 kung interesado pa rin ang TV5, oo, sa TV5 lang talaga ako interesado, wala lang akong magawa tungkol sa publisher ko, dahil kailangan talaga sila para sa Wattpad Presents. Kung hindi na interesado ang Wattpad Presents, tuloy ang self-publishing next year.

Sana naintindihan n'yo ang gusto kong iparating sa inyo. Maraming salamat!

Nagmamahal,

ckaichen


Blog Post #143Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon