Eto ako ngayon sa lugar na tinutukoy niya. Dulong parte na ito ng gubat sa tingin ko. Napapalibutan ng bakod na gawa sa kahoy na pinaikutan naman ng matutulis na alambre ang buong lugar maliban sa pasukan na hinarangan lang ng lubid. Binaliktad ko yung warning sign na nakasabit sa may puno na pinagbabawal ang pagpasok sa lugar
Kung matalinong tao si Chloe di siya papasok sa lugar na yan. Kahit walang warning sign halatang di basta pumapasok ang mga tao dyan. Tanaw dito na puro puno din sa loob pero may nakatayong parang bahay na gawa sa kahoy na sa tingin ko ay abandoned na. Sa paanong paraan ko naman madadala si Chloe dito?
Bigla na lang ako Nakarinig ng taong paparating dahil na rin sa mga tuyong dahon na nakakalat sa gubat kaya nagtago ako sa di kalayuan. Nang makita ko kung sino yun, kapag sinuswerte ka nga naman! Akalain mo yun? Di pala ako mahihirapan. Sinilip silip niya kung ano yung nasa loob hanggang sa isa-isa niya tinanggal yung mga lubid na nakaharang. Kakasabi ko lang kung matalino siyang tao di siya papasok sa loob nun pero sa nakikita ko ngayon gusto niyang pumasok
Bakit ba niya gustong papasukin si Chloe dyan? Ano bang meron dyan? Bahala sila basta ako nagawa ko na yung pinapagawa niya. Wala akong ibang magagawa kundi ang sumunod lang
You cant judge me if you dont know my reasons
Paalis na sana ako sa lugar ng makarinig ako ng sigaw
"Ahhhhh! T--TULONG!"
Paglingon ko di ko na nakita si Chloe pero yung lubid na nakatali sa mga kahoy gumagalaw kaya dahan dahan akong lumapit at nakita ko si Chloe
May trap palang nakahanda pagpasok. Isang malalim na hukay na tinakpan ng mga dahon. Bago pa siya tumingin at malaman kung sino ako ay tumalikod na ako
"Tulong...nandito ako...ku...kuya!"
Ano ba talagang balak mo sa taong ito? Sh*t! Gusto kong gumanti pero di sa ganitong paraan!
"Tu...tulungan mo ko...please...di...di ko na kaya"
'kung nagawa mo na yung pinapagawa ko wala kang ibang gagawin kundi umalis na lugar na yon ano man ang mangyari'
*ano man ang mangyari*
*ano man ang mangyari*
*ano man ang mangyari*
"Help...m--"
*booghszx!*
Paglingon ko may bumagsak sa kahoy mula sa taas ng puno. Bago pa siya makabitiw mula sa pagkakahawak sa lubid...bago ko pa malaman kung ano ang gagawin ko...nakita ko na lang na...
na...
na...
na...
na hawak ko na pala ang kamay niya
YOU ARE READING
Point of no return
RomanceNo turning back Even if it hurts Even if you want You should go ahead Because you already reached the point of no return *** *** *** *** *** *** *** All characters, their names and backgrounds and even the happenings ay pawang imagination lamang fro...
Chapter 17: Day 2 part 1
Start from the beginning
