Chapter 29: Pet's Training City

Magsimula sa umpisa
                                    



"You know, I don't plan to be forever single inside this game," naiiling na sabi ni Ice. "Pero hindi ko magawang maghanap ng pwedeng maging ka-couple hangga't hindi lumalabas sa kulungan si Fire," saad niya.



"Fire will understand," seryosong saad ko sa kanya. Napapalingon lang ang ibang players kay Silver. Mapapansin ang inggit sa kanilang mga mata.



"I know. Pero hindi ko alam kung sino ba ang pwede kong maging partner. I don't want someone who's weaker than me. I'm the girl here and my partner must protect me. And I want someone who can fight alongside with me with ease," nakangusong saad ni Ice. Tumawa ako dahil sa narinig. Tama siya. Mahirap pumili ng tao na makakasundo mo sa loob ng laro. And there's another problem, the couple's skills and way of fighting must be compatible with each other. Mas madali kung nasasabayan nila ang bawat isa.



"Where will you go right now?" tanong ko kay Ice.



"Hindi muna couple ang hahanapin ko. Lalabas ako sa town. I'll be looking for a pet," she answered. I nodded. "How about you?" tanong niya sa 'kin.



"I'll train Silver and then I will go to the master crafter," sagot ko. She nodded.



"Don't you want to ask Sky to marry you first? Tiyak na marami ng nagyayaya sa kanya ngayon. Siguro naunahan ka na nga ni Queen," she teased and I frowned. Siguro nga pero hindi ko alam kung paano sasabihin kay Sky ang gusto kong mangyari. He said that his offer still stands.



"Pag-iisipan ko muna," sagot ko na lang.



Napailing si Ice. Then suddenly her eyes became distant. Tumingin siya sa palasyo. Sa isang bahagi ng palasyo, naroon ang City Jail. "Zeus. I'm sure Fire wants you to be his partner," she said seriously. Lihim kong nahigit ang hininga. She looked at me with an understanding gaze. "But I'll understand if you will not choose him. He will understand too," sabi niya at malungkot na ngumiti. Bumilis ang tibok ng puso ko. "I better go now," she said then walked away. Nahihirapang lumunok ako habang pinagmamasdan siya palayo. Biglang nanikip ang dibdib ko.



I was hurting not for myself but for Fire. What if Fire asked me to be his partner? Paano kung sa bibig niya mismo manggaling na gusto niya akong maging ka-partner? Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pakiramdam ko, may bikig sa lalamunan ko. Pinilit kong lumunok nang maayos at huminga ako nang malalim. Nakatingin lang sa 'kin si Silver dahil tumigil kaming dalawa sa paglalakad. Inalis ko muna sa utak ko ang paghahanap ng makaka-partner sa laro.



Ngumiti ako sa kanya. "Let's go to the Pet's Training City. It was a small city inside this town. I want you to be strong. I know you're also itching to be able to fight too," nakangising saad ko sa kanya. He nodded and grinned. Halatang excited din siya.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon