"O nandito na tayo, ayun pare yung kotse o" sabi ni Greg kaya napangana si Enan at tinignan ng masama yung kaibigan niya. "O ano? Sabi mo maganda ang takbo tapos mura, ayan o pagong. Wag mo ismolin yan pre, vintage yan pero tignan mo o bagong detailed siya" sabi ng binata.

"Seryoso akong nakiusap sa iyo tapos Beetle ang irerekomenda mo sa akin? Oo maganda sobra yan pero pare naman, pano na kung ako naman magyaya ng outing? So saan ka sa bubong tapos itatali ka nalang namin ganon ba?" tanong ni Enan kaya laugh trip mag isa si Greg.

Lumabas sila ng sasakyan sabay nilapitan yung Beetle na pula, "Bagong detail, bagong restore, silipin mo sa loob, ang ganda niyan pre. Sus maniwala ka sa akin madami maiinggit sa iyo" sabi ni Greg.

"Pare naman e, ang gusto ko sana pag nakabili ako e ipasyal ko agad parents ko. So pano itutupi ko pa isang magulang ko para magkasya sa likod? Teka nga, siguro gusto mo magkaroon ng Beetle ano? Pero sa laki mong yan hindi ka kasya kaya gusto mo ako nalang magkaroon para at least araw araw mo nakikita"

"O baka naman ako una bibili tapos makikisakay ka, pag nakita mong kaya mo naman pala bumaluktot saka ka kukuha din ano?" banat ni Enan kaya umariba sa tawa si Greg. "Joke lang pre, di yan yung binebenta, pag aari yang ng kapitbahay nina kuya Roger. Actually chick ang may ari nito" sabi ni Greg kaya napahaplos sa puso si Enan at natawa.

"Tara pare" sabi ni Greg kaya nagtungo sila sa isang gate sabay nagbuzzer. Isang katulong ang nagbukas ng gate at pinapasok sila. "Kalalabas lang nila pero sinabi nila na paparating kayo. Sige lang icheck niyo lang daw yung sasakyan" sabi nung babae.

"Eto siya pare" sabi ni Greg. Di nakagalaw si Enan, nakangiti lang siya habang titig sa isang dark green na makintab na sasakyan. "Pare ang ganda, luma pero ang ganda" sabi niya. "Oo luma siya pero alagang alaga yan pre. Actually binili ito noon para sa anak nila kaya lang namatay siya" kwento ni Greg kaya napalunok si Enan.

"Pare naman e, don't tell me yang kotse ang kumuha sa buhay niya" bulong ni Enan. "Dude hindi, nagka komplikasyon siya sa dugo. Ito ay graduation gift niya dapat. Halika, tignan mo ang baba ng mileage niya. Ginagamit lang daw ito one to two times a week para lang daw hindi masira"

"Super alaga sila dito, this may be an old Corona..." sabi ni Greg kaya siniko siyani Enan. "Tado ka, patay tapos korona" sabi niya. "Ay este Corolla, sorry pre, joke time lang. Pero may Toyota Corona naman talaga ah. Anyway hindi man moderno itsura niya pero I am sure madami ka parin nakikitang naka ganito na box type" sabi ni Greg.

"Oo nga, gandang ganda ako talaga pero pare mukhang mahal naman ata siya at matindi ang sentimental value nito" sabi ni Enan. "Pare mag migrate na sila sa States, lahat ng ari arian nila for sale na. Nung nalaman ko binebenta ito sakto ikaw naalala ko kaya kinausap ko sila agad" sabi ni Greg.

"Baka naman mapapakanta nanaman ako sa mga lamay pag nashort ako" sabi ni Enan. "Dude, eighty thousand pesos" sabi ni Greg kaya nanlaki ang mga mata ni Enan. "Binibiro mo naman ako e, yung isang eighty thousand pesos na pinuntahan ko para tignan e papatayin ako sa tetano non" banat ni Enan.

"Seryoso pre, kababata ko yung anak nila. Parang part of the family nakami. Sabi ko kay tito parang kapatid ko na yung bibili" sabi ni Greg kaya napataas kilay ni Enan. "Sige laitin mo ako at ipapabalik ko yung tunay na presyo ng kotseng ito" banta ni Greg kaya umamo agad si Enan.

"Pare trust me, na test drive ko na siya at ang ganda pa ng takbo niya. Parang bago parin. Naka long drive narin siya actually papuntang Baguio four times and that's it. Pulido pa lahat ng parts niya, sure ball wala ka pang gagastusin masyado dito. Old school nga lang yung stereo niya pero madali nalang yan" sabi ni Greg.

"Pare sure ka ba? Tuwang tuwa ako sa presyo talaga pero parang panaginip nanaman to e. I really like the car, I trust you when you say it runs well. Pero parang parang panaginip at parang nakakahiya naman na ganon lang yung presyo niya" sabi ni Enan.

Artistahin: FINAL CUTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora