Pagkasabi niya noon ay siyang tanggal ng maskara niya at hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niya ang bagay na iyon sa amin..

"IKAW???!!!"

"Oo. Ako. Gulat ka no? Halata eh. Hahahaha."

At tumawa siya nang mala-demonyong tawa.

Pero, paanong... Napaka-imposible nito. Isa siya sa malapit sa akin. Madalas kaming magkasama. Kaya paanong nangyari ito?

"Hindi ko maintindihan. Bakit mo to ginagawa?" tila wala sa sarili kong nasambit. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Magkahalong lungkot at galit sa kadahilanan na isa sa mga malapit kong kaibigan ang gumagawa nito sa amin.

"Wala ka talagang idea? Hindi mo ba ako naalala? Hmmm... O mas pinili mong wag na lang ako alalahanin?" wika niya at inilalapit pa ang mukha niya na tila nagbabakasakali siya na may maibigay akong sagot.

"Hindi kita mainitindihan..."

"Nothing? Really? How sad... Hmmm.. this might jog your memory a bit.. Atlantic Academy? 1st Year High School? Car Accident?"

Tila hinampas ako nang isang bloke ng semento nang bumalik sa akin yung alaala na matagal ko nang kinalimutan. Isang madilim na nakaraan na ayoko nang matandaan dahil tila isang bangungot iyon. My deepest, darkest secret.

"Hindi maari.. Hindi ko kasalanan iyon!! Aksidente lang ang bagay na iyon!! At paanong nangyari... iba na ang hitsura mo.. Dati.. Dati.."

"PANGIT AKO??? MARUMI AKO TINGNAN?? OO!! Dati iyon! Yun nga ang dahilan kung bakit palagi mo akong binu-bully diba? Ikaw ang pasimuno ng mga panloloko at pangiinsultong ginagawa sa akin. You made me an object of ridicule. I was your plaything. I was the reason why you were amused, yet you were the reason why I was miserable. You made my life a living hell. And all for what? Just because of my appearance? You disgust me!"

Hindi ko magawang magsalita dahil sa mga naririnig ko. Bumabalik sa alaala ko ang mga bagay na ginawa ko habang inilalabas niya ang sama ng loob niya.

"Do you still remember the day when I was hit by a car because you played one of your pranks on me? Yet none of you said sorry or even visited me to the hospital just to check kung anong nangyari sa akin. Mga wala kayong konsensiya!! Truly you are a spawn of the devil himself. That day on, I swore that I will have my vengeance no matter what it takes. Binago ko ang sarili ko. My appearance, my actions, even my attitude. Hinagilap ko din kung saan lupalop ka nagpunta since you decided to transfer school after that incident. It took me a while but when I found out that you will be attending Pacific University, I knew that my time has finally come. Gosh! Nung una tayong nagkita akala ko makikilala mo agad ako. But really, hindi mo nahalata kasi ibang iba na ang hitsura ko kesa dati. Kung alam mo lang kung gaano ko hinintay ang araw na ito. Hahahahaha!"

Nakakatakot na ang hitsura niya. Para na siyang nasasapian. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na matakot sa mga bagay na pwede niya gawin sakin.

"Itigil mo na ito please. Nagmamakaawa ako."

"Funny. I said the exact same thing nung time na inaapi niyo ako. Yet you chose to ignore my plea. So let me return the favor." Umalis siya sa harapan ko at dumiretso dun sa mesa na may mga patalim. Bumalik siya sa harapan ko na may hawak na parang korona. Ang kaibahan lang gawa sa barb wire ang isang ito at kinakalawang na din.

"Anong gagawin mo?" Bakas ang takot sa aking boses.

"Isn't it obvious? You were entitled as the Queen Bee of our campus. So I think that it's just fitting for the queen, to have a crown." Sabay suksok niya sa ulo ko ng koronang barb wire. Sobrang sakit dahil naramdaman ko na bumabaon sa ulo ko yung mga spikes ng wire at talagang ipinipilit niya na ilagay iyon sa ulo ko.

"Aaahhh. Tama na!!! Aaaahhh!!!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Patuloy din ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko papunta sa mukha ko.

"OA? Nagsisimula pa lang tayo girl. Oha! Perfect. Ganda ng korona sayo." Sambit niya at umalis sa harapan ko. Tila may hinanap siya. Hindi na ako makapagisip ng matino dahil sa nararamdaman kong sakit. Maya-maya pa ay bumalik siya na may hawak na kutsilyo.

"Now, ano kayang mararamdaman mo kung yung bagay na ipinagmamalaki mo ay mawala sa iyo. Or kunin sa iyo? Masasayahan ka kaya? O magagalit? Hindi ko alam eh. Ang alam ko lang, sobra kang masasaktan dahil sa gagawin ko sa iyo. Literally." Pagkasabi niya noon ay lumapit siya sa akin at isinaksak ang kutsilyo sa gilid ng mukha ko. Naramdaman ko ang sobrang sakit at mas dumoble pa iyon ng galawin niya ang kutsilyo at hiwain ang balat sa mukha ko.

"Ahhhhh!!! Tama na!! Hindi ko na kaya!! Ahhhhh!!! Sobrang sakit!!"

"Sabi ko naman sayo diba? Masasaktan ka ng sobra sa gagawin ko. Tignan natin kung magandahan ka pa sa sarili mo oras na tinapyas ko na yang balat mula sa pagmumukha mo. Suits you, vain bitch!" Sigaw niya at mas binilisan niya pa ang paghiwa sa balat sa mukha ko.

"Aahhhh! Pleaaassee!! Gagawin ko ang lahat para lang mapatawd mo ako. Huhuhu." pagmamakaawa ko sa kanya.

"Too late! 8 years too late!! You deserve this!" sigaw niya

Naramdaman ko ang sobrang sakit at pagkawala ng lakas ko dahil sa dugong nawawala sa akin. Hindi ko na magawang sumigaw at feeling ko ay mawawalan na ako ng ulirat anytime.

"Eto na oh. Amazing diba? Pwede mong makita yung mukha mo kahit na wala namang salamin. Hahahaha" Kahit nanlalabo na ang paningin ko ay sinubukan ko paring tingan ang bagay na iniangat niya. Hindi ako pwedeng magkamali. Mukha ko iyon. Pero paanong..

Naglagay siya ng salamin sa tapat ko at nakita ko ang sarili kong mukha na wala ng balat. Puro laman na lang iyon at dugo. Sobrang sakit nang nararamdaman pero hindi ko na magawa pang sumigaw o lumaban dahil nawawalan na ako ng lakas.

"So...."

"May sinasabi ka ba?"

"..or...."

"Di kita marinig. Anyway, a queen wouldn't be one without her servants" Umalis siya sa harapan ko at pumunta sa tangke kung asan si Angelica. Binuksan niya iyon at tinanggal ang katawan ng kaibigan ko. Pagkatapos ay itinulak niya iyon at ipinalibot sa akin.

"Mukhang wala na yung epekto ng insecticides na inilagay ko kanina. So, let us just pretend. You are the queen, And this glass case is your chamber.." wika niya habang isinasara ang kulungan na kinalalagyan ko. Pumunta siya sa sa mesa at pagkabalik ay may hawak na siya na isang garapon na may lamang insekto.

"And since you are the Queen Bee, here are your bees. Hahahaha!" sabay hagis niya ng bote sa loob ng case kaya nabasag ito at naglabasan ang mga bubuyog. Sobrang manhid na nang katawan ko at alam ko na hindi na magtatagal ang buhay ko. Kaya kinuha ko ang natitira kong lakas para humingi ng tawad sa taong naging miserable dahil sa akin.

"So...rry....... Venus.."

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sorry for the super late update guys.

-RyuJin

Dark SecretsWhere stories live. Discover now