Sabay kaming bumaba ng jeep. Sa lakas ng ulan, tiyak na mababasa pa rin kami dahil maliit lang ang payong ko. Malaking tao pa si Snyle. Pero nagulat ako nang ako lang ang payungan ni Snyle habang siya ay nababasa ng ulan.

"Hoy magpayong ka!" medyo malakas kong sinabi dahil sa lakas ng ulan.

"I'm fine. Don't mind me."

"Baliw ka ba? Paano kung magkasakit ka?! Gabi na!" sabi ko at inaabot siya para mahawakan at mapalapit sa akin, pero lumalayo siya habang naka-extend iyong payong sa akin.

He smirked. "I won't. I'm kinda strong."

Inirapan ko siya at hindi na nakipagtalo pa. Nagmadali na lang ako sa paglalakad para makauwi na at makasilong muna siya. This guy is crazy. Yes, we will definitely get wet, because my umbrella is small. Pero tanging ang pang-ibaba lang naman namin ang mababasa. Hindi ang buong katawan. Eh siya, naligo na talaga!

Malapit lang naman ang bahay namin kaya nakarating kami agad. I took the spare key out and opened the door. I looked at Snyle who extended his hand to me, he's still outside.

"Ano?" tanong ko.

"My bag. Thank you for holding it for me. I'll borrow your umbrella, though. I will give it back to you tomorrow--"

"Pumasok ka rito sa loob," putol ko at tinalikuran na siya.

"I can't. I'm wet."

"Pumasok ka na. Pupunasan ko na lang iyang sahig mamaya!"

Dumiretso na muna ako sa aking kwarto para makapagpalit ng damit at makuha ng damit na maisusuot si Snyle. Good thing, mahilig ako magsuot ng mga oversized shirt lalo na kapag nandito sa bahay. Kaya naman hindi ako nahirapan hanapan siya ng maisusuot. Ang problema na lang ay ang underwear niya at shorts.

Napatitig muna ako sa aking aparador bago pumasok sa isip ko na may boxer pala si Mama na bago. Ireregalo niya sana iyon kay Papa noon kaso naghiwalay nga sila. Malinis naman iyon kaya pwede na iyon sa kanya.

Mabilis na ako nagpalit ng damit at bumaba na dala ang susuotin ni Snyle. Naabutan ko siyang parang basang sisiw na nakatayo pa rin sa tapat ng pintuan. Basang-basa ang buhok at bagsak na bagsak. Napatitig ako sa kanya ng ilang segundo dahil sa ayos ng kanyang buhok. I knew it. He looked handsome with straight hair too. I don't know what hairstyle suit him best, though. Because he looked good in both.

Sinimangutan ko siya. "Sabi ko pumasok ka na eh!"

Nilapitan ko siya at inabutan ng tuwalya. Alam ko nilalamig na siya dahil sa lakas ng hangin. Inabot ko iyong payong ko sa kanya para mapatuyo ito atsaka siya hinila patungo sa aming banyo.

"Oh. Suotin mo muna ito. Magpalit ka ng damit para hindi ka magkasakit," sabi ko habang tinutulak siya papasok sa loob ng aming CR.

Nilingon niya ako at ngumisi. "Bihisan mo ako?"

Malakas kong sinarado iyong pinto. Narinig ko na lang ang paghina niyang pagtawa. Napailing na lang ako at dumiretso sa kusina para tignan ang pagkain. Adobo ang ulam namin. Marami-rami ito kaya aayain ko na lang din kumain si Snyle rito. I'm not that rude against people I don't like. It's a skill I got from my course. Since I'm in a hospitality industry.

Nagsasaing na ako nang matigilan dahil sa mahinang kulog na narinig. Nakiramdam ako sa paligid at nakinig. Isang liwanag ang gumuhit pagtapos noon ay isang kidlat ang dumating. Nabitawan ko ang ginagawa at nagmadaling tumayo sa tapat ng pintuan ng CR. The door opened, revealing Snyle wearing the clothes I gave him.

He suddenly smirked upon seeing me. "If you want to see me naked, you can just knock, Mnemosyne."

Isang malakas na kidlat ang dumagundong. Napatalon ako at napatili. Halos manuot ito sa aking tainga at ulo. Nanginig ang buong katawan ko dahil sa gulat, kaba at takot. Napaupo ako at nagtakip ng tainga.

Heart Won't Forget (Landegre Series #1)Where stories live. Discover now