Kabanata 4

2.2K 76 2
                                    

"Dalhin mo na lang itong payong ko pag-uwi mo. Paghinto ng jeep sa amin, tatakbo na lang ako," sabi ko kay Snyle nang nakasakay na kami sa loob.

Sa pinakadulo dapat ako uupo pero hindi ako hinayaan ni Snyle. He also took my umbrella who's soaking wet right now. Tumutulo pa ang tubig nito sa loob ng jeep. The driver didn't mind it though.

"No."

"Anong no?!"

"I'll take you home. I won't let you soak in the rain. You might catch a cold," sabi niya habang naglalabas ng isang bimpo sa kanyang bag. Inabot niya sa akin ito. "Here."

"Hindi ako basa. Ipunas muna iyan sa sarili mo."

Basa kasi ang kulot niyang buhok ngayon. Ganoon din ang mga braso niya. Lalo na ang kanyang sapatos. May balak pa ata maligo ng ulan kanina ang lalaking ito.

"Nabasa ata kita kanina nang napadikit ako sa iyo," sabi niya.

"I'm fine. Magpunas ka na," sabi ko.

Tumingin na ako sa unahan. Doon ko napansin ang dalawang babae na may hawak na tissue. Parang nagtutulakan pa ito at patingin-tingin kay Snyle. In my observation, they want to give the tissue paper to Snyle. Maybe out of kindness. But it's definitely because he's handsome.

Sinulyapan ko si Snyle na busy magpunas ng buhok ngayon. Hindi naman gaano basa iyong uniform niya. May patak-patak lang ito ng ulan. Hawak-hawak niya pa rin iyong payong ko na nasa labasan ng jeep.

"Kuya, ito tissue oh. Pamunas mo ng sapatos mo," lakas loob ng sinabi nang isang babae habang inaabot iyong tissue.

Napaangat ng tingin si Snyle sa kanila at tinanggap iyong tissue habang nakangiti at kumindat pa. "Thank you."

The girls giggled. I rolled my eyes. Malandi.

Napausod ako ng paa nang dumaan sa harapan ko si Snyle. Kuryoso ko itong tinignan. Umupo siya banda sa likod nang driver at nag-abot ng bayad.

Nilingon ako nito. "Where do you live?"

Inirapan ko ulit siya bago sabihin iyong lugar na bababaan ko. I caught the two girls staring at me. I looked away and just stared at the window. Malakas pa rin ang ulan. Hindi naman malakas ang hangin kaya hindi umaanggi rito. Pero mukhang matatagalan pa ang paghinto nito. Mabuti na lang at hindi kumikidlat.

Pagtapos magbayad ay bumalik na ulit si Snyle sa pwesto niya. Tuyo na siya tanging buhok na lang niya ang basa. I wonder what he looks like if his hair were straight.

My phone vibrated. Nabaling ang atensyon ko roon kaya kinuha ko ito mula sa bag ko. Nakita ko ang isang text ni Mama na kanina pa sinend at ngayon lang pumasok. Nagloloko ata ang signal.

Mama:

Baka mamaya pa kami makauwi ni Memo. Dito kami Robinson. May ulam diyan. Init mo na lang.

Nakaramdam ako ng kaunting kaba nang mabasa ang text niya. They aren't there in our house. And it's raining. Sana lang talaga, umulan lang. Kahit malakas na ulan pa iyan. Basta ulan lang.

Nag-reply na lang ako na mag-ingat sila. Naging pamilyar na sa akin ang daan kaya naghanda na ako sa pagpara. Nabaling ulit ang atensyon ko kay Snyle na nakatitig sa akin.

"I'll take you home, Mnemosyne. Ihahatid lang kita sa inyo tapos uuwi na ako," sabi niya.

Napatingin ako sa labas dahil sa mas lumakas pa ang ulan. Kahit tumakbo pa ako patungo sa amin, mababasa pa rin talaga ako. My bag isn't waterproof. Kaya tiyak na mababasa ang gamit ko sa loob. I have no choice but to agree with Snyle.

"Can you hold this for me?" sabi ni Snyle habang pinapakita sa akin ang kanyang bag. "If that's okay with you? Don't worry, it's not heavy."

Tinaasan ko siya ng kilay pero kinuha ko na lang iyong bag niya. Magaan ito. Parang walang laman. Isang notebook at ballpen lang ata ang dala nito eh. Sabagay, lalaki siya.

Heart Won't Forget (Landegre Series #1)Where stories live. Discover now