#36

84 5 1
                                    

~Dahil sobra akong natutuwa kay @YoonBomiFan update uli ako ngayon... salamat sa mga votes at comments.. :)


AYA's POV

Bwiset! Bwiset talaga ang lalaki na yun!!
Pagkakain nya iniwan na nya ako sa condo nya at pumasok sa school...

At dahil may pagkaDemonyita din naman ako minsan, minsan lang naman.. kumuha ako ng pera sa drawer nya at sumakay ako ng taxi...

Hindi nalang ako siguro papasok sa school...

--

Inabot ko na ang bayad ko sa driver at bumaba na...

Pumasok na ako sa bahay namin...

At dumertso sa kwarto ko....

Babawi muna ako ng tulog ngayon....

---

*tok* *tok*

Iminulat ko ang mata ko.... tsk! Istorbo naman oh!!

"Anong meron?!!" Sigaw ko...

"May bisita po kayo sa baba" sigaw ng kasambahay namin...

Bisita?? Teka ano bang oras na??

6:01 pm...

Medyo napahaba naman pala ang tulog ko.... (sobrang haba nga eh!-_-)

Teka sino namang bibisita sakin??
Para makita, syempre bumaba na ako...

--

Napaurong ako ng makita ko ang bisita ko or should i say bwisita...

"What happened? Bakit hindi ka pumasok?" Sabi nya...

"Tinatanong pa ba yan?? Syempre dahil sayo! Gago!" Pero syempre sa isip ko lang yan... ang kapal ko naman kapag sinabi ko yan sa kanya noh...

"Uhmmmn.. ano kase, masama ang pakiramdam ko eh.." sabi ko..

"Ah talaga??" Tinaasan nya ako ng kilay at tiningnan mula ulo hanggang paa... "Sige,kunwari naniniwala ako sa dahilan mo"sabi nya...

Bwiset bakit ba hindi ako magaling magpalusot??! Bakit si Ana magaling sa ganong mga bagay?? Ang daya naman....

"Bakit ka ba nandito??"tanong ko..

"Saan ka galing kagabi?? Kaninang umaga ka lang daw umuwi sabi ng maid nyo dito..?"

Tanong din ang sagot nya sa tanong ko
-___-

Patay! Ano nanaman kaya ang idadahilan ko??!

"Sa kaibigan ko,isa pa, wala ka namang pake diba!" Sabi ko...

"Anong walang pake?? Eh diba nga--"

I cut him off.."Tama na! Sa kaibagan ko lang ako galing at dun ako natulog.. ano? Okay na??"

Alam ko namang sasabihin nanaman nya yun.. alam ko na naman.. di na kailangang ipamukha..

Inirapan nya lang ako at nanahimik na sya...
Umupo sya sa sofa at sumandal saka pumikit.. pagod siguro toh... ikaw ba naman ang maging SC pres.

Ako naman umupo din sa single sofa na katapat lang ng sa kanya...

Binasa ko nalang ang mga unread msgs sa phone ko...

"Hindi ka pa ba uuwi??" Sabi ko habang patuloy parin ng pagbabasa ng mga msgs..

Hindi nya ako sinasagot kaya napatingin ako sa kanya para lang makita na nakatitig pala sya sakin... may mga pasa pa sya at may cut ang labi nya...

Agad naman syang nagiwas ng tingin at tumayo...

"Yeah. Alis na 'ko"sabi nya at agad na umalis...

Eh????? Ang wierd talaga ng taong yun..
-____-

---

"Matatagal tagal ka ding hindi napapadpad dito Aya!" Sabi ni Leo...

"Oo nga Aya,anyare sayo?" Tanong ni justin...

"Wala." Sabi ko habang nakatigtig padin ako kay Kylie...

Kanina pa kasi kaming nagtitigan ng masama...

Nandito ako ngayon sa SC office dahil isinaman ako ni manong dito.... Hindi ko na lang iniintindi ang ilang ko sa kanya.. kumbaga 'go with the flow' nalang ang ginagawa ko.. bahala na si batman...

Pagkapasok na pagkapasok ko dito masama na ang tingin sakin ng babaeng yan eh.. kaya tinitingnan ko din sya ng masama.. ewan ko lang kung nakakahalata ang ibang SC members pero alam kong alam ni Rowen na may mali samin ni Kylie kanina pa kasi sya palipat lipat ng tingin samaing dalawa habang nakapoker face...

"Oo nga naman Aya, Ano bang nangyare sayo at hindi ka na bumibisita dito??" Sabi ni Kylie sabay ngiti ng pagkatamis tamis..

P W E ! ! ! ! ! !

Ngumiti din ako sa kanya...
"Wala nga sabi diba??? Wag nyo nalang akong intindihin.." sagot habang nakingiti...

Nagngitian lang kami ng nagngitian ni kylie hanggang sa nangalay ako kaya back to poker face ang expression ko...

#PlastikanAngLabanan
Pfft! Gusto nya ng plastikan? Pagbigyan ko nga..

Dahil sa inis ko umalis nalang ako ng SC office baka kasi mapatay ko pa yung si Kylie... kagigil! Hmmmp!..

Umattend na ko ng klase...

Aral mode... XD

---

*kriiiiing*

Yown! Labasan naaa!!! Agad akong lumabas... habang naglalakad ako nakita ko si Claud sa likod ng building
Tssss.... He's smoking... -_- lumapit ako sa kanya...

"Hey! This is a 'No Smoking' school!"sabi ko....

Sa halip na sagutin ako ay ibinugahan nya ako ng usok sa mukha..

Napatakip ako ng mukha gamit ang kamay ko...

"Ano ba??!!! Pweee!!! " sigaw ko!

Tinapon nya ang sigarilyo nya at inapakan... Bored nya lang akong tiningnan...

"Problema mo?" -Claud.

"Pwede ba sumunod ka school rules! Wag kang manigarilyo dito! Baka may makikita pa sayong iba! Masisira ang image ng school! Sa labas ka manigarilyo wag dito sa school grounds!" Inis kong sabi.. syempre pagmamayari parin ito ng pamilya namin.

Masama ko syang tiningnan pero seryoso syang nakatingin sa sa ibang direksyon,sa likod ko..

Balak ko sanang lumingon kaso hiniwakan nya ako sa braso at hinarap nya ako sa kanya..

"Gusto mong malaman kung may nararamdaman din sayo si Cleoff??" Tanong nya habang nakangisi ng masama..

"Ha--?"

Bago pa ako makapagsalita..yumuko sya at inilapit yung mukha nya sa mukha ko... itinagilid nya yung mukha nya... sobrang lapit ng mukha nya... parang hahalikan na nya ako... pero hindi naman!!!? Kasi may space sa pagitan ng mukha namin...

"Anong ginagawa mo?" Bwisit kong sabi..

Cold na Tiningnan nya lang ako sa mata... Saka sya pumikit...

"H-hoy!! Nasisiraan ka na ba??!"

Pagkatapos 5 seconds
Ay Nagmulat sya ng mata at tumayo ng maayos saka sya ngumisi habang nakatingin sa likod...

Lumingon ako sa likod at nakita ko si Cleoff na nakatingin sa direksyon namin ngayon ni Claud...

Cold syang nakatingin samin... Iniwas na nya ang tingin samin saka nagpatuloy sa paglalakad....

"Nakita mo na?"

"Para san---"

"Walang syang pake sayo kaya wag kanang umasa."

____________________________________
VOTEnFOLLOW

It Started With a SelfieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon