I will be horrified. Baka ilang araw akong hindi pumasok kung ganoon nga ang nangyari dahil sa kahihiyan. Na ayokong mangyari dahil wala akong absent. Pero nakakahiya talaga iyon.

"I thought you didn't care what other people will think about you?" Mally said.

"Yes," kumunot ang noo ko. "But not that way! Basta! Ayokong pag-usapan sa gaanong paraan!"

"Paranoid ka lang," sabi ni Mally.

"Whatever," sabi ko na lang.

Nanatili sa isip ko iyong mga nangyari. Binasa nga kaya iyon ni Griffin? Hindi pa rin ako makapaniwala na hawak niya iyon! O baka naman itatapon niya iyon? Hala. Baka nga kaya?

Pero may mga basurahan naman sa paligid. He can throw that letter anytime he wants. Kaya bakit pa siya pupunta sa cafeteria na hawak iyon? Kung pwede naman niyang ilagay na lang sa bag niya? O kaya sa kanyang bulsa? Hinahanap niya kaya iyong sumulat noon? The reason why he was holding it? Hinihintay niyang lapitan siya nang sumulat kapag nakita itong hawak niya? Is that the reason?

Oh. Dapat ba nilapitan ko siya? Paano pala kung hindi naman pala? Napahiya pa ako. Atsaka ayoko harapin siya ng ganoon! Or maybe he was looking for me so he could say to me that I should stop doing that? Because he has no interest in relationships?

Malalim akong bumuntong hininga dahil sa mga naiisip.

"Escobar, can you please bring these papers to Marco?" sabi ng isang prof ko.

Natigilan ako. Marco is the Vice President of the student government.

"Okay po," lumapit ako sa desk at kinuha ko iyong mga papel.

"He's in the room zero. Thank you so much," she said.

Umalis na si ma'am Lopez pero nakatayo pa rin ako sa may tapat ng classroom namin. Room zero. Nandoon lagi ang mga SSG! I'm sure Griffin is there! That's their room!

"Gusto mo samahan ka na namin?" alok ni Milly.

"Huwag na. Mauna na rin kayong umuwi," sabi ko sa kambal.

"Okay! Ingat ka! Huwag tatanga-tanga!"

Nagsimula na ako maglakad papunta roon. Malakas ang kalabog ng aking puso. I need to calm down. He doesn't know that I was the culprit of that love letter. Atsaka ano naman? Hindi lang naman ako ang nagbibigay ng mga sulat sa kanya. Wala lang siguro sa kanya iyon.

Huminto ako sa tapat ng room zero. I took a deep breath to ease my nervousness. Kakatok pa lang sana ako nang bumukas na ito. Niluwa nito si Tamara, ang secretary.

"Yes?" ngumiti siya sa akin.

"Pinapabigay ni ma'am Lopez kay Marco," sabi ko at pinakita iyong mga papel na hawak.

Tumingin siya sa loob. "Marco? Nandyan ka ba? Saan si Marco guys? May naghahanap dito!" pagtapos ay ngumiti siya sa akin at nilagpasan na ako.

"How many times do I have to tell you to never ever shout, Tamara?"

Nanigas ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses na iyon. Tamara paid him no attention and hurriedly left us. Giggling to herself.

Griffin suddenly appeared in front of me. He stared at me. I immediately bowed my head down in shock. Hindi ako handa sa biglaan niyang pagsulpot! Hindi ko rin kaya tumitig sa kanya! Feeling ko namumula ako! Namumula ako panigurado!

"Uh, pinapabigay ni ma'am Lopez kay Marco," sabi ko habang nakatingin sa mga papel.

"Marco's not here," he said in a gruff voice.

"Oh, okay. Ibabalik ko na lang ito kay ma'am, kung ganoon," tumalikod na ako para umalis.

"Wait. You can leave that here. Give that to me, baka nahihirapan ka ng buhatin iyan."

Heart Won't Forget (Landegre Series #1)Where stories live. Discover now