/NINE

30 0 0
                                    

COLORS OF OUR LOVE by heynabanaba -- All Rights Reserved 2013

---

CHAPTER NINE

Tinigilan na rin ako sa wakas ng mga langaw, okay, BANGAWZ. Ugh! Bigla din nawala yung mabahong amoy, at yung slime na lang yung natira. Pumasok na'ko sa shower room. Buti na lang walang ibang tao dito. Well, wala na rin nan epekto kung meron, sows! Lahat na ata nakita 'to. T_____T

Pumasok na'ko na may kasamang balibag sa pinto. Hayyyy! Nakakaasar talaga! Ano ba kaseng problema nung unggoy na yon?!! >____< Nakaka-bad vibes ka pare. 

Naligo na'ko at buti na lang nakatulong yon para mawala bad vibes ko. :l 

"Haaayyyyy...."

I changed my clothes then dumped it into the trash bin. Sorry, trash bin. Alam kong inosente ka, pero sobrang nakakainis talaga yung mga nangyayari. T___T Binu-bully nila ko dito. Huhu! Buwisit talaga yung jerk na yon! AH! 'Pag naaalala ko yung pagmumukha niya, brrr! He really pisses me off. >__<" 

[Sin's POV]

"Taenang 'yon! She'll kill us bro! BIGTIME!"

"Lagot ka, pare! HAHA! Gdlak. :P"

"MKS yun, tol!"

"Strike two... and... one to go."

"Get to know her and apologize."

"Pare, it's time to say sorry, SINCERELY."

Ever supportive. Ö Buti na lang kahit papano, may sense 'tong sina Mitros at Thor. Arrr! Pano na ba 'to?!!! Anong gagawin ko na ba??? T_________T"

Parang na-stuck ako sa moment na 'yon. Hindi ko alam kung tatayo na ba'ko? Parang ako yung na-'fools day'. Ako yung napag-tripan dito eh. AKO ang tunay na biktima. Ang samaaaa! T__T

Nagising na'ko don sa daydream ko. Parang windang pa din ako ng konti, pero ngayon mas conscious na'ko sa nangyayari sa paligid ko. Nakaupo pa rin pala ko don, at hawak ko pa rin yung string. Wala na ngang masyadong tao, tapos na pala yung live show. At mukhang kanina pa pala ko torete dito. Ugh! Muka akong tanga. >__<" Tumayo na lang ako at umalis na don. Teka, san na ba ko pupunta? AH! Ano bang nangyayari sa'kin? Tungunu naman o! :O

Nagpunta na langa ako sa cr, para maghilamos. Lintek na yan o! Dinamay pa pogi face ko. >___< Pagtapos non, naglakad na'ko papunta sa canteen. Kumain ng konting snacks at nag-isip-isip.

"Get to know her and apologize."

"Pare, it's time to say sorry, SINCERELY."

Paulit-ulit yan sa isip ko. Ewan ko ba, nakokonsensya talaga 'ko sa mga pinag-gagawa ko. Strike two na kase talaga 'ko don sa babaeng yon eh. T__T Pft. Kelangan ko na ata talagang mag...sorry. -_-

KINABUKASAN...

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na sumisilip na sa bintana. -riseandshine!-

"Tanghali na agad?" Parang kakatulog ko lang ah? =___=

"Sin, ano oras ba pasok mo?" Biglang pumasok si mama sa kwarto.

"Ah, 11 pa po, ma."

"O-e, 9 na ah? Kumain ka na."

"Aga pa, ma."

Napakamot na lang ako ng ulo. Masyado pa kayang maaga, si mama talaga oh.  Umikot-ikot muna ko sa kama. Hayyyyy... ano na naman kayang mangyayari sa araw na'to? Di kaya, naka-abang na sa gate yung mga BGs? AHY! Ano ba yan? Aga-aga, yun agad naiisip ko. >___< Bumangon na lang ako para mawala na lang yun sa isip ko, kaso biglang...

Colors Of Our LoveWhere stories live. Discover now