2 : Tropa

5 3 0
                                    


Jere Pov

Nandito kami ngayon sa bahay namin. Ako, si Levi, Rap at Jap. Palagi naman silang nandito eh. Ginawa na nilang tambayan itong bahay namin. Miryenda lang kasi ang habol. Mga timawa talaga.

"Magmiryenda muna kayo mga hijo." Alok ni Mama sa mga kaibigan ko ng cookies at juice. Ito namang mga kaibigan kong timawa sinunggaban agad. Natawa na lang si Mama sa kanila. Ewan ko ba dito kay Mama. Masyadong tuwang tuwa sa mga 'to. Parang buntis na naglilihi. Hindi naman buntis. Tsk.

"Thank you po Tita. Hoy! Magpasalamat nga kayo kay Tita Elle." Sabi ni Levi sa magkambal sabay palo sa kamay ng dalawa.

(Tita Elle read as El)

"Hehe. Tenkyu po Tita! ^_^"

"Tita Elle shalamats! ^_^"

Sabay pa na sabi ng dalawa.

"You are always welcome Rap and Jap!" Makangiti naman si Mama. Iyang kambal ang favorite nya. Minsan nga nagrerequest pa sa akin na papuntahin ko daw dito sa bahay yung kambal. Tsk. Di nya alam inuubos lang yung pagkain namin dito sa bahay. Ang tatakaw pa man din.

"Ma! Mapunit bibig mo jan kakangiti mo." Puna ko dito. Kung makangiti kasi wagas-wagasan.

"Haha. Anak naman! Natutuwa lang ako dito sa mga kaibigan mo. Kegagwapong bata." Pinisil pa nya yung pisngi nung dalawa. Hay. Yung dalawa naman halatang naiirita na kay Mama. Hindi na lng nagrereklamo. Maya maya umalis na si Mama dahil tinawag na sya ni Papa. Hay. Salamat naman. Nilalapirot na kasi ni Mama yung tatlo. Oo pati si Levi. Anong akala nya sa mga kaibigan ko, baby? Eww lang huh.

"Pagpasensyahan nyo na si Mama. Alam nyo namang sabik yon sa anak na lalaki." Sabi ko na lang sa kanila.

"Owks lang. Minsan nga iniisip ko, magpaampon na lang kaya ako kay Tita?" Masayang sabi ni Jap.

"Ako din!" At nakisama pa 'tong si Rap.

"Akala nyo naman papayagan ko kayong ampunin ni Mama. Huh! No way! Di ko pinangarap magkaroon ng kapatid na poreber bata!"

"Poreber bata?" Tanong ni Levi na punung puno pa yung bunganga ng cookies.

"Yuck Levi! Lunukin mo muna nga yang nasa bunganga mo!" Saway ko dito at bumaling ulit sa kambal!

"Kayong dalawa! Poreber isip bata! Juiceko! Buti nagkaka girlfriend pa kayo?"

"Gwapo eh."

"Nasa lahi."

Tsk. Itong dalawang 'to pag nagsasalita palaging sabay. Kambal na kambal ang dating. Magkadugtong yata pati dila.

"Nga pala dude. Bali-balitang kadate mo daw kahapon si Cara?" Malachismosong tanong ni Rap kay Levi.

"Narinig ko din yon sa ibang student." Dagdag pa ni Jap. Pag ang isa sa kanila nagsalita asahan mo magsasalita din yung isa.

"Oo dinate nya para makapanghuthot." Ako na ang sumagot para kay Levi. Mukha kasing di sya makakasagot paano ba nman yung bunganga punung puno ng cookies sabay uminom ng juice. Pusang gala! Salaula!

*cough! cough! cough!*

"Ay gago! Rap kumuha ka ng tubig!" Sigaw ko kay Rap. Tangenes kasi si Levi. Katakawan. Nasamid na! Hindi ko alam kung dahil ba sa katimawaan kaya sya nasamid o dahil sa narinig nya yung pangalan ni Cara. Hay! Ewan!

Yung dalawa nman parang tanga na natataranta.

"Waaahh! Jap tubig daw! Mamamatay na yata si Levi!" Natatarantang sigaw ni Rap sa kambal nya.

"Talaga?! Edi yehey!" Aba putris 'tong dalawa na 'to.

"Hoy kayong dalawa! Walang sunog kaya itigil nyo iyang pagpapanic epek nyo! Mamamatay na 'tong isa natutuwa pa kayo! Bilisan nyo na! Yung tubig mga putris!" Nakakastress kasama yung kambal na 'to. Sakit sa split ends!

*cough! cou--puta! cough! tubig!*

Maya maya lng may dala ng isang basong tubig si Rap. Di ko alam kung san nya kinuha, eh hindi nman sya umaalis dto.

"Dude oh! Tubig. Inumin mo na." Sabi nito at inalalayan uminom ng tubig si Levi. Ininom nya nman. Naubos pa nga eh.

"Hoo! *hingang malalim* Akala ko maggugoodbye earth na ko." Sabi nito ng mahimas-masan.

*PAK!*

"Ang cookies kasi nginunguya muna hindi diretso lunok! Anong akala mo sa sarili mo? Manok na lunok lng ng lunok?!"

"At tilaok ng tilaok?! Infernes rhyme yun!" Sabi bigla ni Jap sa tonong pang bading at pumalakpak pa. Inirapan ko lng sya. Tss.

"Ang bigat ng kamay mo Jere. Wala na sanang next time. Sakit mong mambatok eh." Reklamo pa nito sa'kin. Binatukan ko kasi ng pagkalakas lakas.

"Dont worry dude kmi nman ni Jap ang babatok sayo next time." Sumang-ayon nman si Jap at sinabayan pa ng nakakabwisit nilang tawa.

"Sapak gusto nyo? Mga gago!" Nagtawanan na lng kmi. Siraulo talaga. Pang-asar yung tawa eh. Pati ekspresyon ng mukha pang asar. =_=

"Nga pala Rap. Saan mo nakuha yung tubig kanina? Hindi ka nman umaalis dto." Bigla kong natanong. Knowing them (yung kambal) puro kalokohan yan.

"Ewan. Tanong mo dyan kay Jap. Inabot nya lng sa akin yun eh. Baka sya ang tumakbo sa kusina nyo." Sagot nman nito. Lahat tuloy kmi napatingin sa kanya. Naghihintay ng sagot.

"Ah oo. Ako yung kumuha ng tubig." Sagot nitong prenteng nakaupo at umiinom pa ng juice.

"So saan mo nga nakuha?" Kinakabahang tanong ni Levi. Syempre sya ang uminom eh.

"Yung tubig ba? Ahaha. Dyan lng."

"Anong dyan lng?" Sabay sabay pa nming tanong. Parang kinukutuban ako sa dyan lng ah.

"Dyan lng .. Sa fountain nyo sinalok ko." Pagkasabi nya non parang si flash sya na mabilis tumakbo palayo. Tumatawa pa ng malakas.

"HUMANDA KA SA'KIN JAP PAG NAHULI KITA!!"

Si Levi nman inis na inis na hinabol si Jap. At eto nmang siraulong si Rap pinagchicheer pa yung kambal nya.

"BILISAN MO PA TAKBO MO JAP! MAAABUTAN KA NA NI LEVI! TEN INCHES NA LNG ANG LAYO NYA SAYO! BILISSSS!!"

Tangenes. Wala akong masabi sa tatlong 'to. Mga baliw! Lalakas ng trip sa buhay. Walang araw na hindi nila ako napapatawa. Kahit na mga may sayad yan mahal na mahal ko yang mga yan. Sila kasi yung masasabi kong true friends. Nagkakainisan man minsan pero sa bandang huli kami pa rin yung magkakasama. Kami pa din yung nagdadamayan. Hindi man kami nagkakaintindihan, kahit ano nmang mangyare di kmi nag-iiwanan. Tropa kmi eh! Sila ang tatlong lalaking mahahalaga sa buhay ko. Wait nga. Ano bang dinadrama ko dto? Para nman akong nagsusulat sa diary nito.

"JERE ILAG!"

May narinig akong sigaw. Si Rap yata. Paglingon ko sa likod ..

*POK!*

"O-ouch!" May matigas na bagay na tumama sa noo ko. Shit! Ano yon? At saan galing yon?!

Pagyuko ko nakita ko yung isang piraso ng cookies na nahati na sa dalawa. So I think ito yung tumama sa noo ko. Sa sobrang lakas ng impak nahati sya sa dalawa. Great! Just great!

"Patay." Narinig kong sabi ni Rap, Jap at Levi.

"I think we need to run away." Sabi ni Levi.

"Yeah. Tara na." - Rap

"TAKBO!" Sigaw ni Jap at hinabol ko sila.

"WAG KAYONG MAGPAPAHULI SA'KIN!! IIHAWIN KO KAYO NG BUHAY!! GRR .."

****

A/N : Ok ba? Gulo nila 'noh? Haha. ((: Magcomment lng kayo masaya na ko.

One of Them (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon