THE REUNION

500 20 0
                                    

Proverbs 12:25

An anxious heart weighs a man down, but a kind word cheers him up.





*****

AGATHA POV

"Agatha..nasaan ka na?"

"on the way na"

"sige..bilisan mo..ingat..bye"


Tss..kung hindi lang sa barkada ko, hindi ako aattend sa reunion na ito..

Well..ako nga pala si Agatha Reyes, isang businesswoman at isang writer..at yung kausap ko sa phone kanina ay si Celine, isa sa mga barkada ko nung highschool..isa na syang designer ngayon..apat kaming magbabarkada..ang isa ay si Nancy na isa nang engineer..at ang isa pa ay si Liza na isa nang CPA..

Ngayong gabing ito ang grand reunion ng section namin nung highschool..sosyal nga eh..dahil yung section lang talaga namin ang may reunion..ewan ko ba sa mga kaklase ko, excited magreunion samantalang 6 years pa lang ang nakakalipas noong gumaraduate kami ng highschool..


Ilang minuto pa ay sa wakas nakarating na ako sa venue ng reunion namin..ito ay isang resort na pagmamay-ari ng presidente namin na si Micah..at sya din ang may pakana ng reunion na ito..

"buti naman at dumating ka na"

Bungad sa akin ni Celine na nakaabang sa may gate ng resort..

"nasaan ang kotse mo?"

"hindi ko dala..nagtaxi lang ako"

"ganun ba..tara na sa loob"

Hinila na ako ni Celine papasok sa loob ng resort..habang naglalakad kami ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko..


"guys..she's here!"

Sigaw ni Celine nang makarating kami sa may pool area..halos lahat ng kaklase ko ay nandun na..35 kasi kaming magkakaklase..at mukang kumpleto kami sa reunion na ito..


"nandito na ang pinakasikat na author..!!"

Sigaw naman ni Allan..sya ang pinakapasaway at pinakamakulit sa amin..at hanggang ngayon ay mukang ganun pa din sya..ngumiti na lang ako sa kanilang lahat hanggang sa mahagip ng mga mata ko si Kean Marasigan..nakatingin sya sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin..



"nakatingin sayo si Kean"

Bulong sa akin ni Nancy..hindi ako umimik bagkus ay tiningnan ko lang sya..

"naks..wala ng epek sayo?"

"Nancy naman.."

"ok ok..sabi ko nga..haha"

Umalis sa tabi ko si Nancy at nakipag-usap sa iba naming kaklase..naiwan akong nakaupo sa may kubo habang sila ay nagkakasayahan na..kaya ayokong umattend sa reunion na ito eh..dahil naoo-OP ako..

Muli akong napasulyap sa gawi ni Kean at nagkatinginan kami..pero saglit lang yun dahil sya na ang unang nag-iwas ng tingin..

Isa din sya sa dahilan kung bakit nagdalawang isip ako sa pagpunta dito..si Kean Marasigan kasi ang first love ko, first boyfriend at syempre first EX..first year highschool pa lang ako ng maging crush ko sya..ang bata bata ko pa noon pero wala eh, nagkaroon na agad ako ng crush sa kanya..and to cut the story..niligawan nya ako then naging kami nung third year..pero naghiwalay din kami nung fourth year..hindi ko alam kung ano ang dahilan ng paghihiwalay namin..siguro dahil masyado pa kaming bata noon at hindi pa namin kayang maghandle ng isang relationship..masakit syempre dahil yun ang first heartache ko..pero sinabi ko sa sarili ko na okay lang yun..that was 6 years ago..grabe..kapag naaalala ko ang mga panahong iyon, napapangiti na lang ako..


"guys..spin the bottle!"

Sigaw ni Micah..hinigit ako ni Liza palapit sa mga kaklase namin na nakapalibot na sa isang bote..

"ganito ang mechanics..kung sino ang matapatan ng bote..gagawin nya yung dare na ibibigay sa kanya ng katapat nya..at kapag hindi nya nagawa, tatlong straight na shots..ok ba guys?"

"ok ok!!"

Nag-umpisa nang paikutin ang bote at natapat agad ito kay Celine..at ang dare sa kanya ay ang sumayaw ng twerk it..napatawa na lang ako..dahil sa totoo lang walang talent sa pagsasayaw si Celine..

Nagtuloy tuloy lang ang spin the bottle hanggang sa matapat ito sa akin..at ang masaklap pa ang katapat ko ay si Allan..ngumisi pa ito sa akin bago magsalita..


"i dare you to kiss the most handsome guy in our section"

Napalunok na lang ako..i will kiss the most handsome guy?..

"three shots!!"

Naghiyawan ang mga kaklase ko habang si Allan ay tinatagayan ako..ininom ko yung tatlong shots na lalong nagpalakas sa hiyaw ng mga kaklase ko..mahina pa naman ang tolerance ko sa alak..at pakiramdam ko umiikot na ang paningin ko..


Inikot na ulit yung bote..at hindi ko alam kung sino ang natapatan nito dahil nakapikit lang ako habang nakasandal sa balikat ni Liza..hanggang sa may humalik sa pisngi ko..pagmulat ng mga mata ko ay naghihiyawan na ulit sila..teka..sinong humalik sa akin?..


A Day with my EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon