Prologue

3.7K 49 20
                                    

Pulchritudinous High: School of Seduction

written by: Gwirei

\\

Trailer made by Pinkupinkuuuu :D

Prologue:

Isinakbit ko ang aking green rucksack habang bumababa ng BMW M3 naming kotse. Galing ako sa school ko, the Blatire International High School. Naglakad ako sa gitna ng mga maids and butlers naming nakahilera habang nakatayo.

"Good afternoon, young mistress." They greeted me and bowed. Hindi ko sila nginitian o tinignan man lang. Diretso lang ang tingin ko sa nakabukas na center swing patio door ng aming bahay. Pumasok ako roon at inikot ang aking tingin sa paligid.

"Nasaan sila?" Tanong ko sa isang butler. Tinutukoy ko ang aking mga magulang.

Tumingin saakin ang butler at sumagot, "Nasa rooftop garden po sila, young lady."

Shit. It's obvious na pinapahirapan nila ako! Kanina ko pa pinipigil ang sarili kong sumigaw dahil galit na galit na ako sa kanila!

Pumasok ako sa elevator namin at pinindot ang fourth floor button na aming rooftop. Humihinga ako ng malalim para makalma ako.

Ding!

Tumunog na ang elevator at bumukas. Lumabas ako at nagtinginan silang dalawa sa akin.

"Nandito ka na pala," nakangising sabi ng babaeng nasa kaniyang early forties na nakasuot ng isang red sleeveless gown habang buhat ang kaniyang alagang white Persian cat na tinatawag niyang "Chibi." Obviously, this old woman is my mom...

"What's the meaning of this?" Ibinigay ko sa kanila ang envelope na sira-sira na dahil muntik ko nang mapunit dahil sa pagkamuhi. Naglalaman niyon ang letter galing sa administrator ng school na nagsasabing it-transfer na ako mula Blatire papuntang Pulchri High...

"Hindi mo ba kayang magbasa?" She chuckled. "I'm just kidding, darling." Lumalaki ang ngisi sa kaniyang mukha. "Let's just say that we asked the administrator to transfer you to Pulchri. Alam mo naman na siguro kung bakit, hindi ba?"

"Pero bakit doon?!" I almost shouted at them. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking asul na palda. Ayaw kong umalis sa school na iyon, masaya ako dahil ako ang pinakasikat doon. Napagod din ako para lang maabot ang posisyon ko ngayon. Dahil ako ang reyna sa school na iyon, pakiramdam ko akin lang ang lahat doon, stress free ko ang pagiging reyna roon... At malalaman kong ililipat nila ako sa Pulchri?!

Alam kong 88 or 89 lang ang grades ko ngayon sa report card and as a Blatire High student, I need to maintain my every grade in a line of nine. But, first grading pa lang! Kaya ko naman sigurong humabol... Not to mention, Pulchri High is the rivalry school of Blatire. What would the Blatire students say?! Na traydor ako?

Inalagaan ko na ang image ko since the first day I entered Blatire!

"Mag-impake ka na lang... Bukas ka na papasok sa Pulchri," sabat ng lalaking nakasuot ng tuxedo. Nandidiri ako sa kanang braso niyang nakapulupot sa baywang ng babaeng katabi niya.

"Okay then. Hindi ako papasok," ngumisi rin ako sa kanila.

Tumalikod na ako sa kanila pero napatigil ang kanang paa ko sa pagtapak paunahan ng magsalita uli siya, "Decide now, young lady. Papasok ka roon o papalayasin kitang walang dala. Not even a single cent or a shirt to wear." Napalingon ako sa kanila.

"Aalis na kami. May party pa kaming pupuntahan," sabi ng babae at pumasok na silang dalawa sa elevator.

Fuck.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pulchritudinous High: School of Seduction (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon