/ 4. Glad You Came

136 6 0
                                    

/ 4. Glad You Came



Two weeks ago, we were invited to Students' Week Late Night Party. My friends and I agreed that we'd all attend the party even we like it or not just for the sake of supporting (more like to keep an eye on) Jade, isa kasi siya sa mga organizers. Saka favor na rin sa amin ng mama niya lalo na't mahilig uminom ng Fruit Punch si Jade kahit may allergy siya sa beer, baka kasi atakihin.

And the party is happening tonight, gusto ko nang umatras. Dahil una, na-release na ang pinakainiintay kong PS4 game na Until Dawn and I want to play it tonight, hindi na kasi ako makapaghintay. Pangalawa, nandoon si Nick. I'm not sure what to feel in that part, hindi naman dapat ako maging apektado pero for some unknown reason naiinis ako bigla sa tuwing dadaan sa isip ko kung ano yung nangyari nung isang araw. Let's just say that we started on a wrong foot and we gave each other bad impressions.

Sam stops over at my house to ask my mom to fix her hair and make-up. Ganoon na kami ka-close, pati mommy ng iba ginagawa nang parlorista. Gustong-gusto naman ni mommy kasi it reminds her of the old days daw. Edi okay.

Hindi na ako nag-effort mag-ayos hindi katulad ni Sam na pati suot pinaghandaan. I settle on a comfy attire, the school's Go Thompsons! sweater and black skinny jeans, because who cares what I'm wearing? I'm not trying to please anyone in the first place. While Sam will be wearing a black dress... Hindi ko alam kung paano i-describe kasi para sa akin pare-parehas lang naman.

Mom gives me a sneer, "Kadienne, ano ba iyang suot mo? Mag-ayos ka naman kahit papaano!" She looks at me with disgust as if I'm not her daughter.

"Ah, bahala ka Kads. Ikaw lang ang underdressed doon," Sam chimes in while she's retouching her lipstick for one last time.

"Hindi naman ganoon ka-big deal yung party eh. Sus, ang aarte niyo." I say with a dismissive look.

After a few seconds of arguing and defending my laziness to dress up properly, they let me be. Hindi rin nagtagal dumating na rin si Yka para sabay-sabay kaming pumunta sa party. Wala kasi sa school yung event kaya nagpapasama kami kay Yka para alam namin kung saan yung pupuntahan. The rest of the group were already at the venue when we arrived, except for Wes. Hindi ko siya makita.

Tapos isa pa, nakita ko nga na underdressed ako. Halos lahat talaga naka-porma.

Meh.

The music is blasting way too loud for the ballroom. Ramdam ko kasi sa dibdib ko yung bass nung kanta, akala ko iyon na yung tibok ng dibdib ko sa sobrang lakas. I wish I could just leave. Kanina pa kasi ako natatakam na laruin yung Until Dawn, matagal-tagal ko ding hinintay ang pagkakataon na malaro iyon kaso nasaktuhan pa.

Siguro mga isang oras lang ako nagstay sa loob nung ballroom tapos lumabas na rin ako para makakuha ng peace. Hindi ko na rin lang makita sina Sam at Jade sa loob kaya lumabas na rin lang ako kaysa naman sa mukha akong loner doon na walang balak makihalobilo.

Naghanap ako ng mapupwestuhan ko sa lobby. Tapos may lalaki pa na nakaupo sa kabilang side ng inuupuan ko, nakatalukbong siya gamit yung polo niya kaya hindi ko nakilala. Hindi ko na lang din pinansin kasi baka natutulog siya.

I check my watch, 10:18 PM.

Gusto ko na talagang umuwi.

To kill my boredom, hinalungkat ko muna yung phone ko. Nagwa-wifi saglit, tapos maglalaro ng kung ano-anong game app sa phone. Nang biglang magring yung phone ko,  11PM na. 42 minutes pa lang ang nakakalipas? Ugh, feel ko dalawang oras na ako nakaupo dito eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love AnonymityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon