❤️Chapter2❤️

250 1 0
                                    

Sa side picture ni Avery ----->
----------
Avery's P.O.V
Nandito ako ngayon sa kusina nagluluto ng almusal ko. Oh, hah! Kala niyo sakin di ako marunong magluto? Nagkakamali kayo. Haha! Pero itlog lang yung niluluto ko. Di pa ako expert. Hehe!

Ano ba yan! Dakdak ako ng dakdak hindi pa pala ako nagpapakilala. Avery Sullivan buong pangalan ko. 20 years old. Tapos na ako sa pagaaral dahil na din sa trabaho ko.

Ng biglang may narinig akong kumakatok. Tinapos ko muna saglit ang aking niluluto tsaka ako dumiretso sa may pinto.

Pagbukas ko tumambad sakin yung mukha ni Brooklyn na akala mo pinagsakluban ng langit at lupa.

"Oh?! Anyare teh?" Tanong ko sakanya.

Mas nilakihan ko yung pagbukas sa pinto para makapasok siya. Ang lalim na ng ibaba ng mata niya. Parang wala na talaga siyang tulog.

Minsan nga naaawa na ako dito sa babaeng 'to eh. Dito ko nadin siya minsan pinapakain, kasi madalas siyang hindi kumakain. Pinapahiram ko din siya ng pera para may allowance siya.

Dumiretso siya sa sala at biglang dumapa dun.

"Ughh!" Ungol niya.

Bumalik ako sa kusina para kunin yung niluto ko. Pagkatapos bumalik ulit ako dun sa sala.

"Oh, kumain ka muna." Yaya ko sakanya. Alam ko namang hindi pa ito kumakain eh.

Umupo naman siya ng maayos at tumingi sakin.

Ngumiti muna siya sakin bago magsalita. "Sige, tapos na ako." Sabi niya. Kaso traydor yung sikmura niya eh. Biglang kumulo. Haha!

Inilapag ko sa center table yung pinggan. "Oo nga, tapos ka na." Sarkastiko kong sabi.

"Haha! Sige, okay lang ako. Makita lang kitang kumakain busog na ako." Panguuto niya sakin.

Nagpamewang ako at inirapan siya. "Hay naku! Tigil-tigilan mo nga ako Brooklyn." Singhal ko sakanya. "Kumain kana muna dyan at maliligo muna ako. Dapat paglabas ko ubos na yan ah?!" Utos ko sakanya.

"Pero-" Bago pa niya matapos sinasabi niya pinutol ko na siya.

Hinarap ko siya. "Walang pero pero. Ubusin mo 'yan." At tsaka dumiretso sa banyo ng kwarto ko para maligo.

Hindi naman kalakihan itong apartment ko. Sakto lang sakin 'to. Bigay lang naman ito sakin ni... Uh, sino nga ba yun? Basta yun na yun! Nakalimutan ko eh. Basta isa sa mga naikama ako. Haha!
---
Hay naku! Ang tigas talaga ng bungi nitong babaeng 'to. Sabi ko ubusin yung pagkain nagtira padin.

"Bakit hindi mo inubos?" Parang nanay akong pinapagalitan yung anak ko.

Nag pout muna siya. "Eh hindi ko maubos eh. Sobrang dami." Pagdadahilan niya.

Napaing nalang ako sakanya.

"Bakit ka nga pala napunta dito?" Tanong ko sakanya.

Bigla naman nagiba yung timpla ng itsura niya.

"Eh kasi..." Umayos muna siya ng pag upo. "Pinapalayas na ako ni aling Tenya eh." Tsaka siya yumuko.

Hinihintay ko yung susunod niyang sasabihin. Ano yun? Makikitira ba muna siya dito? O manghihiram ng pambayad? Well, okay lang naman sakin kasi araw araw naman akong sumesweldo sa trabaho ko. Hehe!

"Uh.." Tumingin na siya ulit sakin. Tinaasan ko siya ng kilay simbolo na naghihintay ako ng isasagot niya. "Meron ka bang alam na pwede kong pagtrabahuhan?" Tanong niya.

Ah, yun naman pala eh. Akala ko makikitira na siya dito eh. Pero wait. Trabaho? Wala naman akong kaibigan na nag tra trabaho eh. Pero meron isa. Yung pinapasukan ko.

Tumabi naman ako sakanya. "Uhm, wala ako masyadong alam na pwede mong pasukan eh." Mahinahon kong sabi. "Pero may alam akong isa."

Nagliwanag naman bigla yung itsura niya.  My god! Kung alam mo lang kung ano yung trabahong yun.

"Talaga?" Tuwang tuwang sabi niya. With matching palakpak pa. "Ano yun? Saan yun? Kahit ano gagawin ko." Masayang sabi nito.

Pero ako ganun padin itsura ko. Ayoko namang mapasok siya dun eh. Pero wala talagang choice eh.

"Sa pinagpapasukan ko." Mas lalo siyang lumapit sakin. "Ten thousand per day. Pero depende parin yun kung ilan client mo. Yun na yung pinakamababa." Pag e-explain ko sakanya.

Para namang nag-twinkle yung mata niya. "Talaga?" Tumango naman ako. "Malaki na din yun. Ten thousand na yung pinakamababa. Makakabayad na ako ng pang renta. Makakabayad na ako ng tuition fee ko." Tuwang tuwa parin niyang saad.

"Anong trabaho ba yun?" Tanong niya ulit.

Hayys! Kakayanin kaya niya yun?

^_^ ^_^ ^_^ ^_^ ^_^ ^_^ ^_^ ^_^ ^_^

Na meet nyo nanaman isa sa character.
Madami pa kayo makikilala sa next UD :))

Please, leave a comment and hit vote 😘

Room of LustWhere stories live. Discover now