One Shot - 2

11.9K 410 64
                                    

Leigh's POV

Namumuo na ang luha sa mga mata ko. Nanlalabo na nga ang paningin ko. Bakit nakadisplay ito dito? May tsek pa isa isa na parang duty lang?

Hindi kaya may alam siya sa ginawa ko? Alam niya kayang ako ang naglagay nito sa bag niya? Ibig sabihin aware siya sa lahat ng ginagawa niya?

"Mine..?"

Nanigas ang lalamunan ko ng marinig ko ang boses niya. Nakakaramdam ako ng galit pero ako pa ba ang may karapatan na maramdaman ito? Naguguluhan ako at nagagalit.

"Mine? What's wrong--" napatigil siya sa pagsasalita ng makita niya ang hawak ko.

Hindi ako makatingin sa kanya. Pakiramdaman ko sasabog ako pag nag angat ako ng tingin. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam kong ako ang nagsimula nito.

"A-alam mo ba i-ito?" Matigas kong tanong kahit na nanginginig ang boses ko.

Tila natigilan siya at hindi sumagot.

"Alam mo ba..a-ang tungkol dito?"

"Oo."

Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng hikbi ko. "Kailan mo pa 'to n-nakita?" Nanginginig pa rin ako.

"Nakita kitang nilagay yan sa.
Bag ko Mine.."

Napapikit ako. MULA UMPISA MAY ALAM NA SIYA!! MULA UMPISA PA LANG!! ANG PUTSA!!

"Kung ganon matagal na pala tayong naglolokohan Shane.." Ayokong sumigaw kahit na nagpupuyos sa galit ang dibdib ko. Alam ko naman e, ako ang pasimuno nito. Sinakyan niya lang. Edi salamat.

Hinawakan niya ko sa aking kamay na hawak ang papel na iyon. Hinarap niya ako sa kanya. "Hey, Listen. Kung anuman ang iniisip mo, mali ang akala mo Mine.."

Pagak akong tumawa. Sige lang bola pa. Hangga't kaya ko pang magpigil sa panggigigil. Buong lakas akong humarap sa kanya.

Kahit na umagos ang luha ko ay matigas pa rin ang ekspresiyon ng mukha ko. Para bang namanhid. "Okay na. Sige na. Wala akong karapatan na magalit sa'yo kasi ako naman talaga ang nagsimula nito e. Pasensya na kung napaglaruan kita. Desperada lang! Tsk, infairness magaling kang umarte, napaniwala mo kong totoo yung spell ko sa'yo!," naninikip ang dibdib ko sa sakit at galit. " Pasensya na ulit kung nagulo ko man ang buhay mo. Siguro akala mo bruha at baliw ako noh? Wag kang mag alala hindi ko na uulitin yong spell. Hindi naman pala totoo. Sige, alis na ko Shane. Sorry ulit."

Humakbang ako papalabas sa kwarto niya pero pinigilan niya uli ako sa paghawak sa braso ko. "Mine.. Let me explain."

"Wag na tayong maglokohan Shane. Saka please, huwag mo na kong tawagin sa ganyan. Pinapahaba mo pa 'to e!"

"I'm not acting!" Matigas,mariin at may panggigigil sa pananalita niya.

Humarap ako sa kanya. But this time, may galit na sa mata ko. "Really? Was it real? Edi kung gano'n quits na tayo. Pinaglaruan kita, ginamit mo ko! Pantay na tayo! Actually, pareho lang naman talaga tayong naglolokohan e! Pero sana umpisa pa lang di mo na ko pinatulan pa! Alam mo bang nakokonsensya na nga ako sa ginawa ko sa'yo! Kaya pakiramdam ko napasama kong tao! Pero yon pala may mas masama pa sa'kin! Salamat na din, tinupad mo yung pantasya ko! Kaya tama na."

"Hindi mo ba ko naiintindihan?!! I said I'M NOT ACTING!! Hindi ako umaarte sa harapan mo Leigh! Lahat ng pinakita ko sa'yo lahat yon to too! TOTOONG MAHAL KITA! MAHAL NA MAHAL KITA! BAGO MO PA AKO MAKILALA, MAHAL NA KITA! Mula ng makita kita sa Park kasama ang mga kaibigan mo nakuha mo na ko. Kaya nga nagtranfer ako sa school mo para makilala mo ko at pinangako ko sa sarili ko na liligawan kita at hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasa akin!"

Black Magic (One Shot)Where stories live. Discover now