CHAPTER THIRTY-SIX

10 0 0
                                    

Chapter XXXVI

            Bumalik sa condo niya si Andrew galing sa trabaho ng mga alas otso ng gabi. Naihatid niya ng maaga si Kristine. Pinili niyang dumaan muna sa bar para uminom ng beer. Hindi niya na niyaya pa si Kristine dahil alam niyang hindi parin ito maka-move on sa pagkawala ng kaibigan. Kaya mas pinili niyang uminom mag-isa.

            Pagpasok niya sa loob ng condo napansin niyang tila wala si May. Halos dalawang linggo na rin ang inilagi ng dalaga sa condo niya. Hindi niya ito magawang paalisin dahil sa tuwing gagawin niya ito iginigitna nito ang pananakot na sasabihin nito kay Kristine ang lahat. Alam niyang maling ilihim ito ngunit mas gusto niyang siya mismo ang magsabi kay Kristine ngunit hindi pa ito ang tamang panahon. Gusto niyang sabihin ang lahat kay Kristine kung kailan wala na ang dalaga sa condo niya.

            Inikot niya ang buong condo ngunit walang bakas ng dalaga mula dito. Ngunit andito parin ang mga gamit nito. Wala pa rin itong planong maghanap at lumipat ng ibang matutuluyan.

            Maya-maya pa bumukas ang pinto. Tinungo niya ito at nakita niya si May. May dalang bote ng tiquilla. Nakangiti ito at tila masayang-masaya.

            “Hi Babe,” mabilis na lumapit sa kanya at akmang hahalikan siya ngunit mabilis niya itong napigilan. Nginitian lang siya nito at inilapag ang bote ng alak sa mesa.

            “What do you think you’re doing?” mabilis na tanong niya. Nakahalukipkip ang mga braso niya at matamang tinitigan ang dalaga.

.           “Relax Babe, I just want to celebrate.”nakangiting tugon nito.

            “What are you celebrating?”naguguluhang tugon niya.

            “I just decided to let go of you. I wasted so much time chasing you eventhough I know you will not come back. I will celebrate the fact that I’m letting you go.” Nakangit padin ito.

            “Seriuosly?” halos hindi siya makapaniwala sa tinuran ng dalaga.

            “I guess it’s time to let you go.”tila naiiyak na tugon ni May.

            “Oh May, I know you will find someone you deserve.” Naaawang tugon niya sa dalaga.

            “So will you join me to celebrate my acceptance?”

            Kung ito ang paraan upang matulungan niyang tanggapin ng dalaga ang katotohanang hindi niya na ito mahal sige. This would be the last time.

            Sinimulan nilang pagtulungang ubusin ang tequila habang patuloy nilang pinagkwekentuhan ang nakaraan nila. Alam niyang minahal niya si May. Ngunit hindi kasing lalim ng pagmamahal na naramdaman niya ngayon kay Kristine.  Alam niyang nasasaktan niya ngayon si May ngunit mas nanaisin niya iyon kaysa saktan niya ang babaeng tunay na nagmahal sa kanya.

            Halos hindi niya na mabilang kung ilang shots na ang naiinom niya. Halos nahihilo na rin siya. Matagal niya ng hindi nagagawang uminom ng tequila kaya madali siyang natamaan ng alak.  Muli niyang tinitigan ang dalaga sa tabi niya, nakangiti parin ito habang tinititigan siya.

            Halos namamawis na ang buong katawan niya at iniinitan na siya. Agad niyang hinubad ang polo na suot niya kanina at hinayaang malantad ang katawan niya.

            “Hey are you alright?” nakangiting tanong ni May sa kanya.

            “Of course I am.” Siguardong saad niya.

            “Are you sure? You seemed already drunk.”

            “No, I’m still alright.” Ngunit ng akmang tatayo siya, mabilis siyang natumba. Mabilis siyang nasalo ni May.

            “Hey, slowly. You’re drunk.”

            Isang ngiti lang ang ibinigay niya sa dalaga.

            “Thank you for understanding that I already love someone.”lasing na saad niya.

            “I don’t want to understand that. I know you love me.”

            “I…”

            Ngunit bago pa makapagsalita si Andrew. Siniil siya ng halik ng dalaga. Dahil sa lasing tila hindi niya makyanang pigilan ang dalga sa gingawa nito. Ngunit pinilit niya parin itong itulak.

            “May!” pasigaw na tugon niya.

            Nanlaban ang dalaga. “No Andrew. Love me. Love me again.”saad nito habang nagpupumiglas. Sabay silang napahiga sa sofa. Pumaimbabaw si May sa katawan niya. Ngunit bago niya ito matulak muli siyang hinalikan nito.

            “God May!” muling saad niya at muling itinulak ang dalaga. Ngunit nasa ganon parin silang posisyon. Tila nawala ang pagkalasing niya sa ginawa ni May. TIla muli niyang nakita ang tunay na pagkatao ni May ng mga sandaling iyon, marahas at palaban.

            “No.” at muli siyang niyakap. Mahigpit at halos hindi niya matangal ang katawan nito sa katawan niya dahil sa mahigpit na pagkakayakap nito.

            Ngunit bago niya tuluyang maialis ang sa pagkakayakap si May, mabilis na bumukas ang pinto. Lumatad sa kanya ang gulat na mukha ni Kristine. Kitang kita niya ang galit sa mukha nito.

Searching HeartWhere stories live. Discover now