CHAPTER TWENTY-ONE

6 0 0
                                    

Chapter XXI

            Bumaba si Kristine sa may lounging area. Gusto niya munang mapag-isa. Gusto niyang anurin muna siya ng sakit na nararamdaman niya. Tila tunutusok ang dibdib niya ng mga sandaling iyon. Niloko siya ng kaibigang pinagkatiwalaan niya ng mahabang panahon at niloko din siya ng lalaking inakala niyang mamahalin niya ngayon. Tila pinaglalaruan siya ng tadhana ngayon. Niloko siya ng dalawang lalaking importante sa buhay niya. Halos hindi niya parin mapigilan ang umiyak habang bumababa ng hagdan. Pinanatili niyang nakayuko para hindi siya makita ng mga taong makaksalubong niya na umiiyak.

            Nang iangat niya ang mukha niya at pinunasan ang luha sa mga mata niya nakita niya si John. Naka-upo sa may couch. Sa waiting area. Nakayuko ito habang nakatago ang mukha sa mga kamay nito. Nakakaawa ito. He is so pathetic. Gusto niyang maawa sa kaibigan, ngunit nananaig parin ang galit niya para dito. Ipinagtanggol niya ito kay Andrew dahil alam niyang  ginawa nito ang mga bagay na iyon dahil sa kanya. Pero ngayong nakikita niya ito sa harapan nya, gusto niyang iparamdam dito ang sakit na dulot ng pagiging makasarili nito.

            Umangat ang mukha ni John at lumingon sa gawi niya. Mabilis itong lumapit sa kanya. Ngunit bago pa man ito makarating sa kinatatayuan niya, mabilis siyang umalis at iniwan ito.

            Ngunit ng makalabas siya ng pinto ng hotel nakita niyang naksunod padin ito. Inabutan siya nito at hinawakan sa braso. Huminto siya at hinarap ang binata.

            “I’m so sorry Kristine,”naiiyak na saad nito.

            “I don’t want to see you.”galit na tugon niya.

            “Patawarin mo ako. I never intended to hurt you…”

            “At sa tingin mo hindi mo ako nasasaktan ngayon?” pinilig niya ang kamay nito na nakahawak sa mga braso niya. She crosses her arms.

            “Alam mo kung bakit ko ginawa iyon?”

            “Because of your selfishness!” mariing saad niya.

            “Because I love you. At ayokong mawala ka sakin.”

            “Hindi ako nawala saiyo kahit kailan.”

            “Pero hindi ka din naging akin kahit na kailan.”

            “Hindi mo kailangang angkinin ako. Hindi ako gamit John. I’m not a possession to own.” Mas lalo siyang nagalit sa tinuran ng binata.

            “I know.”

            “You don’t know, kasi hindi saiyo sapat na maging kaibigan lang ako.”

            “Dahil mahal kita,”muling saad ng binata

            ‘Hindi mo ako mahal. Dahil kong mahal mo ako hindi mo magagawang saktan ako.”

            Napabuntong-hininga ang binata.

            ‘I’m so sorry.”

            “Your sorry is not enough John.”

            “Dahil mas mahal mo siya kaysa sa akin?”

            “Walang kinalaman kung sino ang mas mahal ko. Niloko mo ako. I trusted you. Mula sapol minahal kita bilang kaibigan, tinangap bilang parte ng buhay ko but you deceived me. At ang malala pa doon, hinayaan mong hindi ko malaman ang totoo.”

            “Dahil ayokong magalit ka ng ganito.”

            “Ganyan ka ba talaga katanga? Sa panahong ginawa mo iyon, inisip mo ba ang magiging reaksyon ko? Tapos sasabihin mo sakin ngayon na ayaw mo akong magalit? Hindi ako galit sa iyo John. Namumuhi ako sa’iyo.”

            “Hindi mo na ba ako kayang patawarin ngayon?”

            “Matapos ng lahat.   Matapos mong ipakita ang kasamaan mo, sa tingin mo mapapatawad pa kita?”

            “Kahit matagal tayong may pinagsamahan?”

            “Kinulong mo ako sa kasinungalingan Jonh. Kinulong mo ako sa pigging makasarili mo.”

            “I’m so sorry.”

            “Patahimikin mo muna ako. Bigyan mo ako ng pagkakataong makapag-isip. Hayaan mong kusang mawala ang galit ko sayo. Dahil kung tatanungin mo ako kung mapapatawad kita ngayon. Isa lang ang maisasagot ko. Hindi.” Mariing saad niya.

            Ngunit bago siya tuluyang makaalis, muling nagsalita si John.

            “Pero niloko ka din niya.”

            Hinarap niyang muli ang binata.

            “Nilihim niya din na siya si Andrew.” Muling saad nito. “Ginusto ka din niyang paghigantihan. Plinano ka din niyang saktan. Hindi mo ba nakikita iyon?”

            “Dahil inakala niyang ako ang gumawa ng kasalanan mo.”

            “Dahil hindi ka niya kilala. Kung alam niya kung sino ka, hindi ka niya pagdududahan.”

            “At ako kilala mo? Alam mo lahat ng mararamdaman ko? You know what John, mas malala ka sa kanya, kasi siya, hinusgahan niya ako kasi hindi niya ako kilala, pero ikaw, nakasama mo ako ng matagal na panahon  pero mas pinili mo akong saktan. Mas pinili mong putulin ang pagkakaibigan natin dahil sa pansariling interes mo. Ikaw ang pumili ng mga bagay na ito. Ikaw ang nagplano at ikaw ang gumawa. You deserved this consequence. Mas deserve mong masakatan kaysa sa kahit na sino pang tao dito.” Mariing saad niya at agad na tinalikuran ang binata.

Searching HeartWhere stories live. Discover now