#MKOMASolsitiumUniversity

4 0 0
                                    

After 30 minutes ng byahe dumating na kami sa school. Malayo din pala sa bahay namin kaya sakto lang alis namin para ndi malate si Princess.

"Manong Rejie, magtetex na lang po kami sainyo kapag susunduin nyo na po kami."

"Cge po."

"Ok po. Mauuna na po kami. Ingat po kayo sa pagmamaneho." O'dba? Me so bait. Hahaha. "Let's go Princess, hatid na kita sa room nyo." She looked at me and nagnod naman sya. Pero parang may mali. "Why Princess? Is there something wrong?"

"Ate kasi kinakabahan ako e." Huminto kami muna sa paglalakad at umupo sa bench na malapit samin.

"Bakit naman?"

"Baka kasi awayin ako nung mga classmates ko o kaya baka wala akong maging friends o kaya baka pagalitan ako ni teacher o kaya..."

"O kaya tigilan mo na yang pag-iisip mo ng hindi maganda? You know what Princess, the more you think about negative thoughts, the more it will happen. So, if I were you, smile and think that today will be a great day. Ok?" Nakayuko pa rin sya kaya inangat ko ung ulo nya tapos finorm ko ng naka-smile ung lips nya. "SMILE!" Then pati ako nagsmile na.

"Ate naman eh."

"Cge na Princess, smile na. Ikaw din baka malate ka." Unti-unti syang nagsmile. "Yan, ganyan nga. Let's go?"

"Yes ate! Ready na ako."

Naglakad na kami at maya maya pa nasa tapat ng room na nya kami.

"Ok ka na? O gusto mo dito muna ako?"

"I'm fine ate. Hindi na ako kinakabahan."

"Yan, ganyan. Dapat positive lang palagi." Tapos nagwink ako sakanya. "Cge na, pasok ka na."

"Cge po ate. Thank you!" Bigla nyang hinila ung kamay ko kaya mejo napaupo ako pero hindi ung upo talaga tapos bigla nya ako kiniss sa cheeks.

"Ang sweet naman talaga." Napatingin ako sa gilid ko at may dumadating na teacher. Tingin ko teacher na ni Princess un. "Oh Princess, teacher mo na ata un. Cge na pasok ka na. See you later ok?"

"Ok ate." Pumasok na sya ng room at ako naman e naglakad na rin. Tumingin ako sa orasan ko at 5 minutes before 10 pa lang. 1 hour pa ko maghihintay. Kaya dahil jan maglalakad-lakad muna ako at lilibutin ko school na...

"Ouch!" May nakabangga sakin na lalaking tumatakbo. Pero hindi man lang sya nagsorry kasi patuloy lang sya sa pagtakbo. "Sorry kuya ha?!" Hmpf!

Pagkatingin ko sa harap ko may mga lalaki pang nagtatakbuhan ulit kaya gumilid muna ako. Tingin ko naglalaro ng habulan mga un. Gawin daw bang playground?? Tsaka may field naman kaya bakit hindi sila dun magtakbuhan?

"Hay Sohayah. Hayaan mo na lang sila. Wag mo ng isipin mga un dahil mababadtrip ka lang talaga."

Pinagpatuloy ko na lang ung paglalakad ko. I went to the canteen first. Magkasama ung canteen ng grade school at high school then separated ung bilihan ng rice meals tsaka mga snacks. After ko sa canteen ung CR naman ung pinuntahan ko. WOW! Malinis tapos 10 cubicles pa kaya hindi ganun katagal maghihintay kapag marami ng students. But before I went out, nagsuklay muna ako and I put some powder in my face kasi mejo Haggardo Versosa na ako. :| Pagkalabas ko may mga students na rin sa lobby. Pero kahit may mga students na umakyat pa rin ako para tignan ung mga room. I tried to open the door but it's still locked. Pagtingin ko sa orasan 10:25 pa lang pala kaya bumaba na muna ako at nagdirecho sa lobby. May nakita akong girl group sa kabilang side kaya lumapit ako.

"Hiiiii!" Nagwave ako tapos abot tenga ung smile ko. They looked at me but they also rolled their eyes to me tapos nagkwentuhan sila ulit. "Ahmmmmmmm. Hi po... ulit."

"Ano ba?! Hindi mo ba nakikita na nagkwekwentuhan kami?!" Sabi nung girl na mukhang pinaka-mataray.

"Ang sunget naman nito." Bulong ko.

"What?!" What ka jan? Teka nga.

"Oh! Nothing. I just want to say hi. I'm from Facie University, I just transferred here. I'm trying to be friendly because I want to have friends but it seems that you're not the type of person that likes to know other people besides your friends." Nakanganga lang sila lahat sa sinabi ko. Nagulat ata kasi tuloy tuloy at halos walang hingahan ung sinabi ko. "Thank you na lang. Bye." Then umalis na ako tapos umupo na lang sa bench na mejo malayo dun sa mga girls. "Ang sunget naman nung mga un. Gusto lang makipagkaibigan eh."

"Ay naku girl." Napatingin ako sa likod ko. "Ganyan talaga ung group na un. Akala mo kung sino." Umupo sya sa tabi ko. "I'm Jade, Jade Lopez." Tapos nagsmile sya. "Transferee ka noh? Ngayon lang kita nakita e."

"Yup. Galing ako sa Facie University. I'm Sohayah, Sohayah Primavera." Nagsmile din naman ako then nag-shake hands kami.

"I also tried to be their friends before pero sadyang hindi maganda ugali nila e."

"Yeah right! Pansin ko nga. But look at them, they still shocked of what happened. In-english ko kasi sila ng tuloy-tuloy. Hahaha."

"Don't expect na maiintindihan nila un. You know..." Lumapit sya sakin na parang may ibubulong kaya nilapit ko din ung sarili ko. "Mahihina ang mga utak." Lumayo na sya kaya lumayo na rin naman na ako. Mejo hard sya dun ah pero totoo naman ata. Hahaha. "Classmates ko yang mga yan since 1st year. Dito kasi sa Solsitium U kung ano ung section mo at kung sino ung kaklase mo simula 1st year, un na din hanggang sa 4th year. Nakakasawa na rin nga mga mukha nila e. Hahaha."

"Hahaha." Tumawa na lang rin ako. Actually, alam ko din ung policy na un. "Ano pala section mo?"

"III-VAIO. Ikaw ba?"

"III-VAIO din. Classmates pala tayo, buti na lang." Tapos ngumiti ako kaya ngumiti rin sya.

"Hi Bae!" Narinig kong sabi ng isang lalaki sa likod namin. Pagtingin ko kiniss nya si Jade sa ulo.

"Hi Bae!" Sagot naman ni Jade. BAE? BAE as in Before Anyone/Anything Else? Mejo corns po. "Ayyy Bae, si Sohayah pala. New friend ko. Sohaya, si Mike. Boyfriend ko."

"Hi!" Then nagsmile ako.

"Nice meeting you." Sabi naman nya. "Hindi pa ba kayo aakyat Bae? Mag-11 na ah." Napatingin naman ako sa oras. At oo nga, mag-11 na.

"Oo nga noh. Cge tara na." Tumayo na sya. "Sabay ka na samin Sohayah. Magkakaklase namin tayong tatlo."

"Okay."

Naglakad na kami paakyat sa 3rd floor kasi dun rooms ng mga 3rd year.

Hayyyy, buti na lang may naging friend na ako kahit isa lang. Yung girl group talaga kanina hindi ko gusto ugali tapos classmates ko pa. Bahala na nga.


Mahal Ko? O Mahal Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon