Caution: Fall in Love (Tula)

173 10 4
                                    

Ito ay isang tula,

Na kabaliwan na aking nalikha,

Halika at basahin,

Ang love story nila ating alamin.

Sa pag aya sa akin ng barkada,

Lumabas para gumala,

Lakad dito lakad doon,

Di ba sila napapagod?

Trip ni otor itong isulat,

Kaya wag kanang sumatsat,

Basahin at kiligin,

Mag-ingat baka ika'y mahulog sa 'kin.

Naiinis ka ba o napapangiti?

Ewan ko di ko mawari,

Lakas ko bang mang trip?

Sumabay ka na lang sa aking gimik.

Heto na sisimulhan ko na,

Marami pa akong dada,

Nasubukan mo na bang mahulog,

Sabayan ng pusong kakabog-kabog.

Ito ay isang kwento,

Nang love story na nabuo,

Balik tayo sa unang stanza,

Okey, ako nga ay inaya.

Lakad dito lakad doon,

Nang maagaw aking atensyon,

"Ghaad ang gwapo niya",

Pasensya na si otor na-bakla,

Nakalimutan kong sabihin babae ang bida.

Wag ka sa aki'y matawa,

Ipagpatuloy ang pagbabasa.

Heto na ipagpapatuloy ko na,

"Ghaad ang gwapo niya",

Ang porma niya,

Kahit sinong babae mahuhulog sa ka niya.

Maputi, matangkad at ang kanyang labi,

Ang kanyang labi,

Ano ba naman yan,

Parang ang sarap halikan.

Natatawa ka na ba sa 'ting bida?

Pasensya kung si otor nakikisama,

Ganito talaga ako pag baliw,

Nais ko lang kayo'y maaliw.

Balik tayo sa aking tula,

Nahuli na pala siya ng kanyang kasama,

Alam niyo ba yung itsura niya?

Tulo laway kaya tawa ng tawa.

Nagpatuloy silang maglakad,

Habang si girl ang isip nasa alapaap,

Malaput na si guy sa kanyang tapat,

Nang magkaroon ng napakasaklap.

Hindi niya napansin ang nakasulat,

"Wet Floor" ang nasa kanyang tapat,

Gawing slow-mo ang pangyayari,

Nadulas siya dahil ang isip nasa ere.

Babagsak na siya at siya'y napapikit,

Alam niyo ba yung moment?

Na sa isip niya'y siya ay bitbit,

Ni guy kung maka porma'y malupet.

Babagsak na siya sa sahig,

Nang si guy ay bigla siyang mahagip,

Nagtaka si girl kung bakit,

Para sa kanya'y may nakakapit.

Binukas niya ang kanyang mata,

Laking gulat ang kanyang nakita,

Si guy na hawak hawak siya,

Mukha nila'y malapit sa isa't-isa.

Namula ang kanyang pisngi,

Abot tenga ang ngiti,

Sasabihin ko na sanang "Thank you",

Ngunit ang nasabi ko'y "I love you".

Nagulat siya sa aking nasabi,

Maging ako'y di ko mawari,

Sino bang di mahuhulog sa kanya?

Kung ang puso ko'y kumakaripas na sa kaba.

Napa ibig ako sa unang tingin,

Sana wag naman akong tangayin,

Sa ngiti mong mapang-akit,

Paki usap gusto kong pumikit.

Napahaba na ata aking tula,

Sana kayo ay di nagsawa,

Sana kayo ay magkumento,

Pakiusap sana kayo rin ay bomoto.

PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon