[18] Plan

3.3K 66 0
                                    

[18] Plan

KYLA'S POV

Nagising ako ng makarinig ako ng malakas na tunog na nangagagaling ata sa laptop ko na nasa side table ko. Aish nakatulog pala ako langya talaga

Notification; Brent Smith tagged you and 5 other peoples to a post..

Sem break is almost there! Inviting you guys for my birthday. I will be sending out invitation cards within this week.

Hala! Birthday pala ni Brent. Pupunta nalang ako sa mall mamaya total hindi naman maarte si Brent when it comes to giving gifts kasi nasakanya na kasi ang lahat.

-

"Kasi naman Belle, sinundan ko talaga yung lalaki kanina pero wala na eh. Nawala sya sa starbucks," I explained. Nandito kami ngayon ni Belle sa isang park malapit sa school namin. Hindi kasi pumasok yung proff namin.

She sigh "Sige na nga. Pero alam mo ba, may sasabihin ako." She said tapos tinaas taas pa niya ang kilay niya. Ako naman eto excited na parang bata lol

"Oo na. Ano yun?" Umayos ako sa pagkaupo ko mukha na kasing mahuhulog ang sling ng ID ko which is nakapatong lang sa pants ko.

"Invited ako sa birthday ni Brent Smith, ang saya!!" Parang batang sabi niya. Napasmile naman ako

"Kung ganun, yes! May kasama na akong pumunta hehe. Invited din naman kasi ako," Pabebe kung sabi. Napasmile din naman siya

"Well done! So mall tayo alam mo na shop for gifts! Tapos makapagshopping na din tayo dahil wala na yung lalaking nangugulo satin the last time we bond.." napatawa nalang ako ng naalala ko yun, nung time na ang hilig manghila ni Nate

Well speaking of that agad ko namang tinanong siya about kay Nate. "Belle, bakit mo kilala si Nate?" Tanong ko habang nagstastart-up siya ng kotse niya. I left my car kasi hassle na.

"Uhh .. we we're once close before." She said at parang naiilang pa siya sa topic namin ngayon. Eh sa curious ako eh!

I smiled "Ohhh sooo, childhood friends pala kayo?" I asked. She then smiled and nodded.

"Nice, tara dun muna tayo sa Valentino. Balita ko may new designs daw sila ngayon." She said. Pansin ko lang ang hilig niya talaga sa mga products ng valentino, when it comes to flat, heels, purse tatak valentino talaga.

NATE'S POV

"Sigurado ka na ba sa plano mung yan ha, Nathaniel?" Seryosong sabi ni Brent. Nandito kami ngayon sa hide-out namin. Naguguluhan na kasi ako kung sino talaga ang mahal ko si Kyla ba oh si Monique?

I sigh for the nth time "Oo, sigurado na ako sa planong ito." I sigh again.

Thomas spoked out from the hide-out's comfort room "Pero pre siguraduhin mung walang masasaktan sa kanilang dalawa ha. Alam mo namang napakafragile ni Monique dati pa," He said. Oo tama si Thomas kahit simpleng bagay iniiyakan ni Monique, kilala namin siya dahil sabay kaming tatlong lumaki.

"Okay basta tol, sa birthday ko ha." Brent added, I simply nodded tapos lumabas na ng hide-out.

I'll take a revenge on you Monique. Sa lahat ng ginawa ko sayo noon, binawaliwala mo lang ang isang Nathaniel Reid Rivera.

Flashback

3rd year highschool ako noon ng napagisipan kung ligawan si Monique. Matagal ko na kasi siyang gusto simula bata palang kami gusto ko na syang alagaan at protectahan.

"Nathaniel, sabi ni mommy sabay na daw tayong pumunta ng party ni Tito Luigi." She said sweetly, she has the beautiful eyes ever.

I smiled and carried her knap-sack "Okay, I'll drive you there. Magbibihis ka pa?" I asked. Nung una nahihiya akong aminin kay Monique na gusto ko siya kasi baka pagtawanan niya lang ako.

"Nga pala, si Thomas susunod nalang daw. Nakita ko siya kanina sa hallway lumalandi nanaman ang gago," Sabay naman kaming napatawa kung ngayon si Thomas ay napaka adik na ng online games nasaktan yan noon kasi napakacassanova niya.

"Monique." "Nathaniel."

"You spill it first." I said, at talagang nagkasabay pa kami awkward tuloy. Nasa passenger's seat sya naka-upo tapos ako ang nagdadrive.

"May sasabihin sana ako." She said, parang ang lungkot ng boses niya which I find unusual jolly kasi tung si Monique.

"Oo, parang may problema ka ata? Sabihin mo lang, tutulungan kita." I calmly said aba't dapat lang para naman feel niya nandito lang ako para sa kanya, anytime, anywhere

"Kasi nate, hindi na nagpaparamdam si Paulo saken, sabi niya hindi na niya ako mahal kaya iniwan na niya ako. Sorry okay? I lied na wala pa akong boyfriend. Patago ang relationship namin which lasted for 2 months. Peto nate kasi hindi ko kay-" She said almost crying. At ako naman syempre nasaktan kasi nagsinungaling siya

Pero I did the other thing, kinomfort ko nalang siya then simula nung araw nayon, ako na ang lagi niyang kasabay hanggang nahulog na siya saken ng tuloyan.

End of flashback

Dahil magkaibigan si Monique at Kyla mas madali akong makapaghiganti sa kanya. This would be fun. I'll introduce Kyla to Monique as my girlfriend at ipapamukha ko sa kanya kung ano ang sinayang niya.

"Sige bro, mauna na kami." Pagpaalam saken ni Louis, magbabar sila ngayon pero ako? Focus muna ako kay Kyla para mapasagot ko na siya.

-

"Oh? Pinatawag mo daw ako?" Naiinis na sabi ni Kyla parang kanina lang ang good mode niya pero kapag kausap niya ako napakabeast mode niya. pero kalma lang Nate okay?

I smiled "Parang gago, ngiti-ngiti mo dyan ha? Maka-alis na nga wala namang saysay ang pagpunta ko dito." She attemted to walk-out pero hinawakan ko nalang ang kamay niya.

I know na nakatitig si Monique samin ngayon kaya dali-dali siyang umalis sa kinatatayuan niya. Paniguradong nagseselos na yun.

"Ano ba nathaniel! Ano bang kailangan mo? May lakad pa kami ni Belle! Langya panira ka talaga." She said then walked away.

Napasmile naman ako sa babaeng yun napakadaldal talaga! Sorry kung gagamitin kita.

-

A/N: 8 chapters to go!

My Boss [COMPLETED]Where stories live. Discover now