intro.

7.4K 357 93
                                    

【MIN YOONGI FANFICTION】MYSTAERICALS 2015

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

【MIN YOONGI FANFICTION】
MYSTAERICALS 2015

Gabi na pero buti na lang, kaunti ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada. Masyadong malaki ang mga hakbang niya pero kahit na ganoon, hindi pa rin ako sumuko na maabutan siya. Huminto siya kaya hindi ko sinayang ang pagkakataon at naglakad na ako papunta sa harap niya.


"Grayne, bumalik ka na sa inyo," tiningnan niya ako ng seryoso.


Sus! Sanay na ako sa pagiging suplado niya kaya hindi na ako nakakaramdam ng intimidation tuwing malamig ang boses niya.


"May problema ka ba kanina? Ayaw mo ba sa pamilya ko? May sinabi ba sila-"

"Sa susunod na lang tayo mag-usap," nilampasan niya ako at naglakad na ulit siya.


Minsan talaga, sinusumpong ng toyo si kuya Suga, pero mas makulit ako kaya hindi ko siya titigilan hanggat 'di niya sinasabi kung bakit bigla siyang umalis nang sinama ko siya sa bahay namin.

Sinundan ko pa rin siya at kinulit nang kinulit kung ano ba talagang problema niya. Kahit na nagmumukha na akong tanga habang nasa harap niya at naglalakad ng nakatalikod. Ang ibang tao na nakakita sa'min ay nagtataka na rin pero agad din naman nilang binabalewala dahil para sa kanila, isa na naman ito sa ordinaryong kalokohan ng mga kabataan ngayon.


"Hindi mo talaga ako titigilan?"


Diretso akong tumingin sa mga mata niya at mukhang pikon na nga dahil sa pagsunod ko sa kanya. Medyo nagulat ako sa pagsigaw niya pero hindi ko iyon pinahalata.


"E, ano ba kasi ang problema mo?!"


Frustrated na ang mukha ni kuya Suga. Magkadikit na ang kilay niya at hindi ko alam kung ito na ba 'yung highest sungit meter niya. Nag-iisip pa ang utak ko kung kailangan ko na ba talagang tumigil or should I keep on pressing his buttons para malaman ko kung may problema ba talaga. Bumuga muna siya ng hangin bago siya nagsalita.


"Ilang beses ko ba dapat sabihin na huwag mo akong tawaging 'kuya'?"

"Bakit ba ayaw mo? Wala namang masama kung-"

"Grayne, kahit ngayon lang makinig ka naman!" sigaw niya sa'kin for the second time.


Mukhang inis na inis sa'kin ngayon si kuya Suga. I saw how his jaw perplexed, nagtitimpi na 'wag ulit magsalita. Mukhang ginalit ko talaga siya ngayon. Wrong move, Grayne.


"Ah... sorry. Sumobra na ata ako," umalis ako sa harapan niya at ngumiti ako nang pilit bago naglakad  pabalik sa bahay.


I feel guilty, pero pakiramdam ko rin ay nasaktan ako dahil sa pagsigaw niya sa'kin.

With one last look, I saw how he balled his fist before he continued walking.

May mali ba sa sinabi ko, kuya Suga?

Kuya SugaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon