Sabay silang pumasok sa loob ng Restaurant, hinawakan ni Ice ang braso niya at nagpadausdos ito hanggang sa mahawakan ang kamay niya. Nanlalaki ang matang tiningnan niya ang kamay nilang ngayon ay magkasaklop na.

What the.... fuck?

Iginiya sila ng waiter sa table malapit sa binata. Maganda ang view do'n dahil kita ang Taal Volcano at isa pa mataas na bahagi kasi iyon kaya maganda ang view kita rin ang fog na lalong nagpaganda sa view ng Taal Volcano. Pinaghila siya ng upuan ni Ice na mas kinagulat niya lalo, talaga atang may sapi ito.. Parang kailan lang ay sinusungitan siya ng binata samantalang ngayon ay para siyang Prinsesa na pinagsisilbihan ng damuho. Ano kayang nangyari?

"Anong ginagawa natin dito?" Mahinang tanong niya kay Ice. Agad naman na kumunot ang noo ng binata. Infairness gwapo pa rin ito kahit na mukhang yamot na sa kanya.

"Kakain. Ano pa ba? Nag-iisip ka ba babae?" Mataray na wika nito sa kanya. Sabi nga niya! Inirapan naman niya ito. Bwisit napaka-bipolar. Ang bilis magbago ng mood. Nakaka-asar!

Habang namimili ako ng order na napakahirap bigkasin talaga. Isa ito sa mga ayaw niya dito sa Restaurant na ito, e. Italian Restaurant kasi kaya medyo mahirap bigkasin. Sana kasi nag-Jollibee na lang sila. Okay na siya sa Chicken with Spaggetti, e. Hay!

Habang nagfi-flip ng Menu ay may namataan siya sa peripheral vision niya. Isang babaeng naka-high waist ripped pants at naka-hanging blouse. Agad sumirko ang kaba sa kanyang dibdib kasabay ng biglang panlalamig nang mga kamay niya. Mas lalong nilamon siya ng kaba ng makita niya ang kasama ng babae.

"My problema kaba? Bakit parang nakakita ka ng multo?" Nag-aalalang tanong ni Ice sa kanya. Hindi siya sumagot dahil hindi parin niya matanggal ang tingin niya sa dalawang tao na masayang nagtatawanan sa hindi kalayuan ng Restaurant.

Para bang ang lahat ng pag-asang naipon sa dibdib niya ng mga nakaraang araw ay unti-unting naglaho.

Tiningnan ni Ice ang tinitingnan niya. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Marahil ay dahil sa kaparehas na mukha ang nakita niya.

"My kakambal ka? Uhh.. wait, Oh, baka naman hindi ka si Jimena?" Nag-aalalang tanong niya bago sinuri ang mukha ko. Hinilamos ko naman ang mukha niya ng kamay ko na naging dahilan ng mahina niyang pag-ungol.

"Ako 'to, baliw. Kakambal ko 'yon. Si Jamie."

"Teka? Tinalo mo ang kakambal mo?" Natigilan ito sa marahil ay dahil sa pagkabigla. "I'm sorry. Don't mind my--"

"Oo. Kasi mahal ko ang lalaking mahal naman ay ang kakambal ko, kaya kahit pa isang kasinungalingan lang ang lahat samin pinatos ko na. Nagpakatanga, nagpakababa---pero wala sa huli talunan pa rin." Malungkot siyang ngumiti at muling sinulyapan ang dalawa na masayang nagtatawanan. "Wala na akong silbi kasi andyan na 'yung original e."

"Gusto mo bang lumipat ng ibang restaurant?" Hinawakan nito ang kamay niya pero nginitian niya naman ito. Matapang siya, hindi siya aalis. E, ano naman kung nasa iisang Restaurant sila? Hindi siya magpapatalo... kahit na alam niya sa sarili niya ang totoo.

"H-Hindi.. Ayokong magpaapekto. Hindi alam ni Jamie kung ano ang meron samin ni Ice."

Tumango si Ice kahit na halata naman na nag-aalala ito sa kanya.

"Mag-CR lang ako Ice." Tumango naman ito sa kanya.

Dali dali siyang nagtungo sa CR. Naghilamos agad siya ng mukha. Tiningnan niya ang itsura niya sa harap ng malaking salamin. Nakakatawa.. Parehas sila ng mukha pero magkaiba naman ng pagkatao. Unti unting naglabasan ang mga luha niya. Kaya pala. Kaya pala wala na siyang halaga kasi andyan na si Jamie. At ang bruhang clown nagbalik na pala. Hindi man lang ito sa kanila dumiretso---At akala ba niya ay galit si Hunter dito? Mga talipandas talaga!

Pinunasan niya ang mukha niya ng towel na dala niya. Habang naglalakad ay patuloy siya sa pagpupunas ng mukha niya kaya't hindi niya napansin ang kasalubong niya kaya nabangga niya ito.

"Aww." Wika niya bago hinimas ang noo niyang natamaan.

Pamilyar ang amoy ng taong nakadanggian niya. Tiningnan niya kung sino iyon at hindi nga siya nagkamali.
Saglit silang nagtitigan--namayat ata it at halatang stressed. Magsasalita sana siya ng biglang my nagsalita sa likod ko.

"Jimena?"

Kasabay niyang lumingon ang nakadangian na si Hunter.

"Oh my God, ikaw nga! I missed you." Dali-dali itong lumapit sa kanya at niyakap siya. Miss? Kung hambalusin kaya niya ito nng takong niya? Samantalang mas nauna pa nga nitong puntahan ang lalaki nito! Gano'n ba ang miss? Aba'y malanding tunay!

"Pasensya kana 'di muna ako nakauwe satin. Nakipag-ayos kasi ako kay Hunter, e." hinging paumanhin nito sa kanya. Actually she doesn't care at all. "And guess what, We are together again." Halatang masayang masaya ang gaga. Gustong gusto na niyang mag-roll eye ngunit napigilan niya iyon. Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti ng pilit sa harapan ng dalawang ito.

"Good for the both of you. Now please excuse me, my date is waiting for me." Paalam niya sa dalawa. Kita niya ang pagtatagis ng bagang ni Hunter pero wala siyang pakialam. Manigas ito!

Two timing son of a bitch!

Pakiramdam niya ay anumang oras ay babagsak na naman ang luha niya. Ngunit ginagawa niya ang lahat para mapigilan ang pagtulo noon. Kailangan niyang maging malakas. Muling sumagi sa isip niya ang kaisipang nagkabalikan na sila. Nakabalik na si Jamie at kagaya ng inaasahan itatapon na lang siya ni Hunter ng parang pinaglumaang damit.

Bakit ang gago mo naman, Hunter? Pero bakit napakatanga niya dahil kahit na klarong klaro na gago ito ay minamahal pa rin niya.. At kahit na Hari ata ito ng mga gago ay bakit ito pa rin ang isinisigaw ng puso niya?

Pabaril na lang kaya siya sa Luneta?

NOTE: HI GUYS. THANK YOU FOR READING THIS. IF YOU REALLY WANT TO READ THE FULL STORY. PLEASE DOWNLOAD DREAME APP. IT WAS COMPLETELY POSTED THERE AND ACTUALLY ON A PAY TO READ PROGRAM.

PLEASE SUPPORT ME TOGETHER WITH MY OTHER STORIES. THANK YOU SO MUCH. 💜

No Strings Attached Where stories live. Discover now