Chapter Eleven

22.4K 572 49
                                    

HINDI lumuhod si Rosalinda, subalit lumapit kay Ayesha na may luha sa mga mata, nagmamakaawa. Nakita niya ang sari-saring reaksiyon sa mukha nito na sa huli ay galit ang namuo. Pagkuwa'y pagak na tumawa at saka naupo sa sofa.

"You're so unfair. Sa mga salitang binibitiwan mo, inaasahan mo bang gano'n ko kayo kadaling mapapatawad? Lalo na ikaw, Mrs. Romualdez...lalo na sa mga ginawa mo."

"A-anong ibig mong sabihin?"

"You know damn well what I am talking about. Did you have to call Ricky just to get rid of me? Hindi mo ba naisip na hindi lang ako ang masisira sa mga plano mo kung hindi pati rin ang inyong pinakamamahal na anak? You took advantage of Ricky's in need of money kaya binayaran mo siya para guluhin ako at ilayo kay Denzel!" mahina subalit galit nitong akusa.

"Well...nagtagumpay ka kaya nasa ganitong sitwasyon tayo ngayon. At masaya na ako sa ganito kaya huwag mo na kaming guguluhin pa. Just shut that unholy mouth of yours and live your life as is."

"F-forgive me please, Ayesha! Patawarin mo ako sa mga ginawa ko." Hindi na niya napigilan ang damdaming nagsisisi sa ginawang paninira sa relasyon nito at sa anak.

"Hindi...hangga't naririto ang sakit, hangga't nananatiling marumi ang tingin sa akin ni Denzel, dapat lang na magdusa ka at maramdaman din ang sakit na naramdaman ko noon. God Rosalinda...you almost killed me! Ikaw at ang anak mo, inalisan ninyo ako ng karapatang maramdaman sa sarili na may halaga ako sa mundo. You don't deserve my forgiveness. You and Denzel do not deserve my child."

Hindi ang panlilisik ng mga mata ni Ayesha ang nagpanginig sa kanyang buong katauhan, kung hindi ang determinasyon na nasa mukha nito sa huling mga katagang sinabi. Nanginginig na napaluhod siya sa sahig, sapu-sapo ang nasasaktang dibdib, hindi para sa kanya kung hindi para sa anak na si Denzel.

Tumayo si Ayesha at humakbang. Huminto sa tabi ni Rosalinda at pababang tinitigan. Tumingala ito para magkatitigan sila, ang dapat habag na maramdaman niya para rito ay hindi niya madama, bagkus ay nasasaktan siya, sa halip na matuwa, bakit nasasaktan siya?

Dahil ba hindi siya likas na asal masama? Dahil ba ang totoo, hindi niya ginustong gumanti? Dahil aminin man niya o hindi, ipakatanggi-tanggi man niya, hindi mabubura ng tadhana na isa ring Romualdez ang anak na si Caitlyn, iyon ang katotothanang nakalantad sa kanila, subalit...hindi man lang iyon napansin ni Denzel.

"Magpakasaya ka sa mga panahong igugugol ni Caitlyn sa mansiyong ito dahil bilang ang mga araw na iyon. At huwag na huwag mong mababanggit sa anak ko kung sino ang ama niya, hindi siya ang kailangang magpakilala at magmakaawang mapansin ng anak mo."

"P-pero--"

"Wala siyang karapatang maging ama ni Caitlyn kung hindi man lang niya maramdaman na may koneksiyon siya sa anak ko. At hindi niya magagawa iyon hangga't naniniwala siyang pinagtaksilan ko siya at niloko. Hindi ko ipagpipilitan ang anak ko para makihati sa pagmamahal na mayroon siya para kay Dana. No, Rosalinda...hindi ko hahayaang pati anak ko ay saktan niya."

"B-but he has to know, Ayesha."

"He has to earn the truth. He has to prove that he deserves her. Gusto kong maramdaman niya kung gaano kasakit ang mapagkaitan ng sariling anak. He did it to me, not just once, Rosalinda...dobleng sakit ang ipinatikim niya sa akin. He killed me twice, but I'm just going to do it once to him, was not that fair enough?"

"Ayesha? Don't do this. Please don't hurt my son, please?"

She chuckles. It was so hard to breath. Ang bigat-bigat sa dibdib. Sinuklay ng mga daliri niya ang mahabang buhok. "Kung mayroon man akong hinahangaan sa'yo, iyon ay ang pagiging mapagmahal mo bilang isang ina kay Denzel. Pero sana lang...sana ay hindi ka naging sakim sa pagmamahal na iyon. Look at us...look what it brought in to all of us, lahat tayo nasasaktan."

The Cheating WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon