“fine!” tumalikod na si Louie.
Anong role ko dito? Panuorin silang tatlong nasasaktan? Damay na din ako! -__-
Naawa ako kay KC.
Masyadong mabait si KC para maging kaibigan ni Hann.
At masyadong inosente si KC para mahalin niya ang isang manhid na tulad ni Louie. Ako nalang! Joke
Umaasa kahit papano, pero di gaano haha. Tatago ko nalang tong saakin.
Ayos na ako sa kaibigan, ayaw kong masira ko yun.
Pero sila kaya? Ang lupit naman kasi ng tadhana sakanila oh! Magbestfried pa!
Ang totoo niyan kagabi nung kakauwi ko lang, medyo mga ilang minuto pa nun
Tinawagan ako ni Louie, syempre nagtaka naman ako. Ikaw ba naman tawagan ng kapatid mo? Ng NGAYON LANG?
Tsk
Pinapunta pa niya ako sa bahay nila. Di nalang kaya siya yung pumunta sa bahay namin nun? Sabi nga ng tatay naming dun nalang ako tumira kaso ayaw ko, isipin naman niya yung asawa nya.
Nag-usap kami sa mga bagay bagay. Usapang lalaki.
Wala eh. Tinanong niya kung gusto ko ba si Xyla, edi sinagot ko ng OO
Tsk
Eh kung tinanong kaya niya ako kung mahal ko si Xyla? Masasagot ko kaya?
Natural hindi. Gusto si Xyla oo pero di ko alam kung mahal ko siya. Di naman ako katulad ni Louie na nalilito pa.
Nalaman ko na gusto nga daw niya si Xyla na ayaw niyang masira yung relasyong meron silang dalawa ngayon.
Sino naman may gustong masira yung samahan nila? Wala naman
Meron siguro pero tsk mga tanga lang sila eh nakakainis
‘ayoko na siyang maging model, nahihirapan ako’
Chapter 9.2: Lunchbox
Magsimula sa umpisa