CHAPTER 4 - Three Broken Hearted Girls

Start from the beginning
                                        

"Uhmm. Yeah, boyfriend ko yun eh"-Sam

"Oh? May girlfriend pala yun. Bago lang ba kayo? Kasi last month nakita siya nanliligaw siya sa iba't ibang babae pa salin salin nga siya eh, kaya akala ko single na mismong ako nakuha pang akitin kaso "ANTI-BOYS" ako ehh tangging anime lang ang boyfriend ko wala ng iba pa"

"Sigurado ka? Ohh na gawa ka lang ng kwento"

Nawala na ang saya ko kahit gaano pa ka laki tong tempura na to!

"Ayan siya yan diba?" Sabay turo dun sa lalaking may kausap na babae, sobrang ganda nung babae ang kinis niya at may mapangakit na kulay tskolate na mga mata. Tinignan ko ng maigi kasi baka mamaya isa ito sa mga matalik niyang kaibigan o kaya naman ay kapatid o kamag-anak

"Si Trina yan , new student sa school niyo. Hindi mo siya masyadong mapapansin dahil isa siya sa representative / president ng Art Club. Nasa 2nd flr ang Art Club samantalang ang room mo naman ay nasa 3rd flr kaya hindi ka pamilyar sakaniya. Hindi kapatid, kamag-anak o tropa ni Drew yan. Matagal ko nang nakita yang dalawang yan na magkahawak ang kamay nila at pa simple sweet bago ka dumating galing sa practice mo" -Info-chan

"Grabe! Info-chan ka talaga dami mong alam ah? Pero bat di kita na papansin sa school?" pagkamangha ko sa dami nang kaalaman ni Info-chan

"Hindi ako nagaaral dyan sa school nyo! Matagal na akong tapos nang pag-aaral Sam"

Iniisip ko kung ano ang gagawin para matauhan man lang tong si Drew.

"Pumunta ka dun... at ganito .... tapos"

Mahinang instruction ni Info-chan sa akin, gusto kong makita kung anong mangyayari dito eh.

- -

Nasa locker room ako nang mga crew .

"Hmmp mmmhhh" pag pipilit magsalita nung crew na nilagyan ko ng bandana sa mata at bibig, lubid naman sa kamay at paa para di makawala.

Sinuot ko yung crew uniform niya at nagkunwaring waitress. Sakto at ako ang tinawag nilang waitress.

"Miss!" - sigaw nung Trina

Ngumiti ako nang bahagya at nagtanong kung ano ang kailangan nila, sabi nila ay kunan ko daw sila nang litrato na nagkikiss tapos makipagkwentuhan ako sakanila para magkaroon sila nang chance na maging VIP sa restaurant na yun. Buti nalang at may mga mask ang kalahating mukha dahil halloween costume ngayon eh. Pumayag naman ako dahil isang nga akong kunwaring crew dito eh.

"Alam mo miss! Pamilyar ka sa akin" pagpukaw ni Drew ng atensyon

"Hahah. Sino naman yun?"

"Ahhmm. Wala yung ex ko hehe" sagot niya na may ngiting matipid

Pinigilan kong magalit dahil ayokong sumabog yung plano ko. Tsk tsk ex na pala ako nito di ko pa alam na asa pa ako isa akong malaking TANGA!

"Uhmm. Trina may gusto sana akong aminin sayo!"

Aalis na sana ako kasi ayokong sirain yung moment nila pero sabi ni Drew gusto niya daw na marinig ko yung usapan kasi parang ang gaan daw ng pakiramdam niya sa akin na pwede ko daw siya maging bestfriend kaya sumunod naman ako.

"Ano yun" sagot ni Trina

"Sa totoo lang meron pa akong nobya pero balak ko na makipag-break sakanya kasi masyado siyang mabait at perpekto para sa isang lalaking tulad ko, masyado siyang inosente at ayokong sirain yun kaya magkukunwari nalang ako na may family problem ako para maging tayo na, ayoko na sakanya promise! Naghahanap lang ako ng time para i-break siya, hindi ko siya minahal kahit noon pa siguro nung dalawang buwan na naging kami dun ko lang siya minahal pero nung magtagal na pagtanto ko na hindi talaga ayoko sakanya at Trina ikaw ang mahal ko, ikaw matagal na to pero hindi ko magawa dahil naka-konekta ako sa taong mahal na mahal ako. AYOKO SA KANYA! MASYADO SIYANG MABAIT AYOKO SAKANYA! sagot ni Drew sa tanong ni Trina

Tumango lang si Trina at medyo na tabig yung baso kaya may dahilan ako para umalis. Alam kong pag nagtagal pa ako dun ay unti unti nang lalabas ang mga luha na kanina ko pang umaga pinipigilang lumabas. Tinignan ko yung cellphone ko kasi baka sakaling may text o tawag siya. At oo may text siya si Drew.

"Babe! 1PM na pala para sure na hindi ako malelate. Busy kasi ako sobra eh, basta pupunta ako dyan sa inyo at magsasaya tayo ha? Kailangan natin macelebrate to dahil napakaimportante nitong araw na to! ;)"

Yan lang naman yung napakasakit na text niya, bat hindi nalang niya ako i-break at ang masakit pa malalaman ko pa kung kailan anniversary namin. Grabe wala ba tong ganang mahiya man lang sa akin grabe na ang ugali niya hindi ko na kinakaya, parang kanina lang sinasabi ko na mahal na mahal ko siya at napakaswerte ko yun pala hindi. 2 months lang pala niya akong minahal. Bat hindi niya pa ako binreak? Hinintay niya pa talaga na maka-isang taon kami bago niya maisipan na tanggalin ako sa buhay niya. NAKO NAMAN! Ang sakit lang sa puso. Nagreply nalang ako ng "Sige lang"

Kung kanina sobrang excited ako. HAH. Ngayon hindi na.

- -

Hindi na ako nagayos bahala na siya, gumawa ako nang simpleng letter.

1PM na

Na rinig ko na yung tunong ng doorbell namin, siguro siya na yun? Ewan ko.

"Babe" sigaw niya sa may pintuan ko sabay katok.

"Pumasok ka, bukas yan"

Medyo na gulat siya sa itsura ko dahil gulo gulo pa yung buhok ko at mukhang bagong gising.

"Hilamos ka na tapos alis na tayo" sabay ngiti niya

"Okay!" sabi ko sabay kusot sa mata ko.

- -

1:30PM

Nandoon na kami sa loob nung amusement park. Pumila kami dun sa ferris wheel. Grabe sobrang breath taking yung view, at inabot ko na sakanya yung letter na ginawa ko kanina lang at sinabing

"BREAK NA TAYO DREW"

Na gulat siya at biglang bumuhos ang luha niya. Na gulat naman ako sa reaksyon kasi akala ko matutuwa siya dahil 2 months lang naman daw eh nung minahal niya ko kaya ano pa bang iniiyak iyak niya, grabe naman masyadong OA tama na alam ko naman na hindi niya ko mahal di na niya kailangan pang umiyak at magulat.

Umuwi na agad ako sa amin at iniwan siyang nakatunganga sa ferris wheel.

*END OF FLASHBACK*

"Woah. Grabe ang habaaaa!" - Zoe

"Grabe. Ang tapang mo! Good Job Sammyyyy!" - Ryleigh sabay taas niya ng kamay niya

Tapos nagbro-fist kaming tatlo sabay tawa nang malakas na parang wala nang bukas.

- -

Vote and Comment lang po if you want x)

Follow if you want ;) Thanks for reading :* 






No Strings Attached.Where stories live. Discover now