BRENT's POV
Alam ko wala kaming title ni Ryleigh, panigurado yun yung dahilan kung bakit niya ko pinaiwas sakanya tska ewan ko ba bakit ngayon ako nasasaktan ng ganito, dati naman ipagsisiksikan ko pa ang sarili ko sakanya pero ngayon parang gusto ko nang itigil kasi ngayon na realize ko na matagal na pala kong mukhang tanga sa harap niya pero hindi ko na papansin yun kasi masyado akong bulag na baka naman ugali niya lang talaga to o hindi lang siya sanay na merong taong ginagawa siyang espesyal, grabe nakakainis na nakakaasar gusto kong hatakin yung braso niya nung mga oras na yun at magmakaawa na wag siyang umalis pero tingin ko tama na yung pagsisiksik ko sa taong di naman na ako kailangan. Mananahimik na ako di na ko mangungulit, eto na siguro ang panahon para makapag-paalam sa nararamdaman ko para sakanya.
- -
9AM
Na gulat ako nung nakita ko siya muntik na ako mawala sa huwisyo non. Muntik ko na siyang lapitan at kausapin buti nalang at tinawag ako nung kaibigan kong babae nagkunwari nalang akong tuwang tuwa na kausap siya alam din naman niya yung problema ko, tapos binigyan ko siya ng bulaklak na napitas ko sa gilid ng school kanina umaga. Ngumiti lang ako na parang ang saya saya ko kasama si Irene pangalan ng kaibigan kong babae, hindi ko nalang tinignan si Ryleigh kasi ayoko na makita yung reaksyon niya kasi baka masaktan lang ako dahil makikita ko na wala naman siyang pakielam sakin kaya ayoko na tigil na to. Binuhos ko nalang yung atensyon ko panaglit kay Irene.
"Bro. Okay na wala na siya!" pagkuha ni Irene ng atensyon ko
"Sige. Osya sige mauna na ako"
Tumango lang siya at pumasok na sa klase. Simula ngayong araw na to wala na akong dapat puntahan pa paguwi ko dahil wala na kong kikitain sa coverwalk. Pero nakakapagtaka lang na meron siyang pasok ngayong umaga kasi ang alam ko pang hapon si Ryleigh eh. Hindi kaya pinunta-- HINDI! Niminsan nga eh di nun na isip na daanan ako sa classroom ko eh siguro yung kaibigan niya pang umaga kaya nandyan siya. Haay.
- -
RYLEIGH's POV
Grabe! Nakalimutan niya talaga ako nang ganoon kadali? Bat nga ba pumunta pa ko dun at umasa pa talaga ko na maayos ko pa ang lahat eh alam ko naman na hindi na. Bat pa siya umiyak kung hindi naman pala totoo yung pagkagusto niya sakin. Ang dami kong gustong itanong. Nasa playground lang ako dun sa may swing at dun nageemote at naglalabas ng sama ng loob. Sobrang sakit nakita ko pa kung gaano siya kasaya dun sa kaibigan niya na babae, binigyan niya pa nga niya ng bulaklak eh yung mga bagay na akala ko sa akin niya lang gagawin hindi naman pala kasi kayang kaya niya naman yun gawin sa iba. Iba talaga mga lalaki bilis makarecover. Wala man lang siyang pasabi na suko na basta basta nalang siyang sumuko, siguro na fed up na sa ugali ko bat kasi yung mga taong na lapit sa akin at wala nang ibang ginawa kundi iparamdam sa akin na mahalaga ako eh tinutulak ko palayo. Nakakairita sobra, gusto kong suntukin yung babae kanina at sabihing akin siya pero paano ko naman sasabihin yun kung ni minsan hindi mo naman matatawag na kami talaga ehh di pinahiya ko lang yung sarili ko dun. Nakakaumay hindi ko alam kung tama ba tong desisyon ko kasi naman parang wala naman siyang balak na sabihin kung kami na atleast man lang sabihin niya pero wala hindi eh puro lang siya sweet at suyo pero wala naman kasiguraduhan. Nung dati kung hingiin ko yung space na yun inam , tapos ngayon binigay hinahanap hanap mo. Pag nandyan kung pag tabuyan mo sobra sobra nung natuto na namimiss mo naman, Ryleigh ano ba namang klaseng kalokohan to. Bat kasi di ko maamin sa sarili ko mismo na kaya ako nasasaktan nang ganito kasi mah--- hindi hindi ko mahal yun na attach lang ako? OO Na attach lang ako makalipas lang ang isang buwan okay na ko sure ako dun ako pa ba?
- -
Tinawagan ko yung mga tropa ko sabi ko gusto ko maghappy-happy muna kami, yun bang walang makakapigil at makakapagpaiyak sa amin.
Calling Tricia...
T : "Oh?"
A: "Happy-happy tayo? Please?"
T:" Ayy sorry Ry may date kami ng bf ko eh, pasama ka nalang kay Brent"
A:"Sige, byebye"
*end call*
Calling Ella...
E:"Please wag muna ngayon busy ako. May uhmm ginagawa pa kami ng boyfriend ko"
*end call*
Calling Sam...
S: "Babe? Ayy ikaw pala yo Ryleighhh"
A:"Tara happy-happy tayo"
S:"Woah. Minsan ka lang magaya ng ganyan ah kaso.."
A:"Ano?Nagkabalikan kayo nang dalawa ng boyfriend mo kaya di pwede?"
S:"Hindi, wala akong pera eh"
A:"Libre ko to."
S:"Sige, punta na ako. Seryoso yan ah? Love you Leigh"
*end call*
Calling Zoe...
(last na to)
Z:"Hey napatawag ka?"
A:"Tara happy-happy tayo"
Z:"Sige ba. Punta na ko dyan minsan ka lang mag-aya kaya susulitin ko na to"
*end call*
- -
So bale tatlo lang kami iniisip ko kung saan kami pupunta eh amusement park or overload shopping or kaya gala nalang at kung saan mapadpad.
2PM
Ayun, buti dumating na sila.
"Hulaan ko bat ka nagaya, iniwan ka nung lalaking namimigay nang na lalantang rosas noh?" -Sam
"HAHAHAH. Wag na nga yan puro nalang siya bukang bibig mo" -Ako
"Sus. Alam mo namiss ko kayo. Kaya nung nagaya to payag agad ako eh, na saan yung iba?" -Zoe
"Ahh wala busy sa bf nila" - Ako
"HAHAHAHAHAH. Ano yung bf? Nakakain ba yun?" -Sam
sabay hanap ng damit sa kwarto ko
"Bitter mo." -Ako
"Ako pa ngayon? Ikaw kaya lokohin nang bf mo nang wala kang kaalam-alam ano mararamdaman mo diba parang may kulang at gusto mong tanungin pero di mo magawa?" -Sam
Natigilan ako sa sinabi niya kasi hanggang ngayon ganoon pa din yung nararamdaman ko at di ko na malayan na may na patak na palang luha mula sa mata ko, sympre sa mata ko alangan namang sa ilong sipon na yun pag ganoon.
"Pare-pareho lang tayong single lang at umibig pati wag mo na itanggi kasi wala din namang mangyayari. Kwento mo na!" -Sam
Na gulat ako sa sinabi niya kasi di ko akalain na sasabihin yun bang matagal na palang halata yung pagtingin ko kay Brent akala ko na tatago ko pa kahit masungit pa ako sakanya paminsan siguro dahil sa tawagan namin
"Oo. Iniwan na nga ko eh"
"Kwento mo na!"
"Ugh. Saka na"
- -
Vote and Comment lang po if you want x)
Follow if you want ;) Thanks for reading :*
YOU ARE READING
No Strings Attached.
RomanceMay mga tanong ang tao na kahit gusto nila itanong eh hindi nila magawang sabihin. Dahil sa takot na baka may magbago, Takot na baka may mawala. Baka hindi maging tulad ng dati, Baka naman kathang isip lang? Pero kung ikaw ba ang nasa sitwasyon. Mak...
