CHAPTER 4 - Three Broken Hearted Girls

10 0 0
                                        


Nandito pa rin silang dalawa sa amin bukas pa kami aalis, pupunta kami dun sa bagong bukas na amusement park. Open Forum lang kami as of now.

Ako pinauna nila eh kasi masyadong curious kung ano ba talagang meron kami ni Brent...

"Oo na sige na ako mauuna! Okay so never naging kami ni Brent, parang MU lang ganoon yun bang sweet kayo sa isa't isa na parang kayo na talaga at nagkikita pa kayo sa isang place ----"

"Sa COVERWALKKKKKKKKKK!" sigaw ni Zoe

napapokerface nalang ako sa sigaw niya halatang stalker at parang alam naman niya yung nangyari loko talaga tong mga kaibigan kong to nakakairita paminsan HAHA

"Ayy sige ikaw na magkwento!" sabay hampas ko sakanya

"Aray, sige tuloy mo na!" -Zoe

"Okay. Ayun nga nagkikita pa kami sa isang place malimit kami magkita sa cover walk. Basta alam mo yung ganoong feeling yung sobrang sweet niya sayo pero he never bothered to ask or inform you that you are a couple or anything. Couple na sana kami kaso wala naman kaming title yun bang wala kang karapatang magselos, magtampo o magalit kung ano man ang mangyari kasi wala namang kayo diba? Alam niyo yun tapos bigla pa siyang *sniff* iiyak sa harap ko na di ko na alam yung gagawin ko yun bang gusto kong sabihin na *sniff* joke lang ikaw naman di mabiro pero nakapagdesisyon na rin naman ako at alam kong wala nang mangyayari pa pero na pupuno yung utak ko ng 'what ifs' *sniff* pero nakita ko siya nung sunod na araw na may kasama siyang babae na paltan niya agad ako at kung ano ang ginagawa niya sakin ganoon din yung ginagawa niya dun sa bago niya *sniff* gusto kong magalit at sabunutan, murahin, suntukin at sipain yung babae kasi tuwang tuwa pa siya at siya na yung bago ni B-brent pero *sniff* ughh nakakainis talaga kasi na palitan lang ako ng ganoon ka dali dapat di nalang siya umiyak kaya pala siya hindi nanghinayang kasi mabilis lang naman pala ako mapaltan"

Hinimas nila yung likod ko at inabot yung tissue sa akin at that moment finally lahat ng galit , lungkot, at inis ko nailabas ko na dahil sa nung makita ko si Brent na may kasamang iba pinipigilan ko talaga ang sarili ko na isipin siya ,mag isip ng what ifs at nagtatapang tapangan ako kahit sa totoo lang eh sobrang hina ko naman, akala ko lahat sila tatanggihan ako at iiwan nalang sa ere tulad ng ginawa ni Brent pero hindi nandito pa rin sila. Ang sarap sa pakiramdam kasi akala ko nung sumuko si Brent wala nang makakaintindi sakin pero hindi pala masyado lang akong bulag kaya di ko na papansin na lagi lang pala silang nandyan para sakin.

"Sabi na nga ba at merong nangyari sainyong dalawa eh! Nagkagulo kayo eh sabi na nga ba!" sabay pag iling iling ng ulo ni Zoe

"Sabi ko sayo di kayo magtatagal eh, diba baby?" pang aasar pa ni Sam

Loko talaga sila, pero atleast merong nakakapag pa gaan ng loob ko

"Okay okay. Ayoko nang umiyak buong magdamag kasi sympre dapat maganda ako pag pumunta tayo sa amusement park dibaaa? Ano kayo lang maganda? Kasi mugto yung mata ko" sabay tumawa ako ng malakas

"Oo ikaw lang naman ang pangit dito eh!" - Sam

"Aba!" -Ako

"Oy ako na ako na ako na ako na !" -Zoe

"Ehh di ikaw na!" sabay naming sigaw ni Sam kay Zoe masyado kasing excited tong babaeng to iniwan din kasi to ng boyfriend niya.

- -

ZOE's POV

Okay finally, this would be my one last cry to all the heartaches that I am feeling right now. Woooh. Grabe mukhang mugto ang mata naming lahat bukas nako po!

"Okay, G na itoo!"

"Alam kong alam niyong may boyfriend ako dati right, mga two years na ata ang nakalipas nung meron pa kaming relationship, but still hindi ko siya makalimutan alam niyo kung bakit? Kasi sobrang sakit nung nangyari alam mo yung pakiramdam na may usapan na kayo na after three or two years magpapakasal na kayo. Yun bang kilala na ako ng magulang niya at kilala na rin siya ng magulang ko, yung masakit dun eh wala na ngang hadlang sa pag-iibigan namin pero siya pa yung pumalpak"

No Strings Attached.Where stories live. Discover now