"Pumalpak? P-paanong pumalpak?" - Sam
"Uhmm. K-k-kasi ahhhh walaaa!"
Nahihiya ako sabihin ehhh. Masyado kasi nakakahiya eh.
"Nahihiya kasi ako, next time sasabihin ko promise!" pag-swear ko sakanila
"Hmmm. Mukhang medyo confidential sige sabihin mo nalang sa amin kapag handa ka na okay?" -Ryleigh
Ang understanding niya talagaaaa~
"NEXT TIME SABIHIN MO AH? PAG HINDI UUMBAGIN KITA!" pananakot ni Sam, understanding sana medyo brutal lang kasi pag sinabi niya yan gagawin niya talaga yan loko yang babaeng yan eh.
- -
SAM's POV
"Dahil tapos na kayong lahat , ako naman ang maglalabas lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko" pa buntong hininga kong sinabi sakanila
"Okay let me hear them!" - Ryleigh
"Diba noon sobrang sweet namin nung boyfriend parang wala nang makakapaghiwalay sa aming dalawa hanggang sa isang araw bigla nalang bumagsak ang langit at lupa sa relasyon naming dalawa"
*FLASHBACK*
First anniversary namin to kaya sobrang excited ako dahil akala ko di na ako aabot sa relasyon na aabot ng isang taon dahil medyo mabilis ako magbored sa mga nagiging boyfriend yun bang bigla nalang ako na iirita sakanila at sobrang moody na hindi na nila makayanan yung ugali ko, kaya sobrang swerte ko dahil nagkaroon ako ng nobyo na katulad niya. May usapan kami na magkikita kami sa isang amusement park, malapit lang yun sa may amin kaya ang mangyayari ay susunduin niya muna ako sa amin tapos didiretso na kami dun para macelebrate yung anniversary namin. Sakin niya iniwan yung ticket para hindi daw masira at magusot. 8AM ang usapan namin.
6AM
Nagaayos na ako, sobrang excited na ako hirap na hirap pa nga akong pumili ng damit ko eh kasi gusto ko sobrang bongga at ganda ko pag nakita niya ako. Tska gusto ko din na maayos na to dahil bilang isang babae napakatagal magpaganda niyan lalo na kung may pinapagpagandahan kaya todo ayos na akong buhok at nag make-up ng konti para ma-impress ko naman siya.
Natapos ako nang 7AM , tinitignan ko yung cellphone ko kung may text o missed call man siya pero wala. Na isip ko baka na late lang nang gising pero naalala ko tuwing monthsary namin noon ang aga pa lang may text na agad siya sa akin o kaya naman magmimissed call siya para malaman kong gising na siya pero ni-isa wala, medyo nag-aalala na ako dahil baka mamaya kung ano na ang nangyari sakanya.
7:30AM
Wala pa din akong na tatanggap na text o tawag mula sakaniya , ayoko maging negative kaya binuhos ko nalang ang pag-aalala ko sa Elsword naglaro nalang ako hanggang sa hindi ko na napansin yung oras.
Na alarma ako nung na kita kong 8:30AM na kaya inayos ko lang panaglit ang kolorete ko at agad dumiretso sa amusement park kasi nawala sa loob ko na dito kami sa bahay magkikita. Binalikan ko pa yung ticket namin tska yung cellphone, hindi na ako nakapag paalam ng ayos kay na Mama kakamadali ko.
- -
9AM
Nasa labas na ako nang amusement park pero kahit anino niya ay hindi ko makita, tinignan ko yung cellphone ko at ayun! Merong text mula sakanya
" Sorry babe pero pwede bang 12PM nalang? Kasi may importante akong gagawin eh. Kaya malelate ako, mag-Elsword ka nalang muna dyan. Babawi ako sayo next time! Promise babe! :) "
Hindi na ako sumagot ayoko na rin naman makipagtalo pa kaya hindi ko nalang tinanong kung ano yung importante niyang gagawin kaya bumalik nalang ako sa amin, nagpalit ng damit at tinanggal na ang kolorete sa mukha ko. Sinubsob nalang ang sarili sa paglalaro ng Elsword at pagbabasa ng manga. Nang biglang may nag text.
YOU ARE READING
No Strings Attached.
RomanceMay mga tanong ang tao na kahit gusto nila itanong eh hindi nila magawang sabihin. Dahil sa takot na baka may magbago, Takot na baka may mawala. Baka hindi maging tulad ng dati, Baka naman kathang isip lang? Pero kung ikaw ba ang nasa sitwasyon. Mak...
CHAPTER 4 - Three Broken Hearted Girls
Start from the beginning
