"Goodbye's The Saddest Word"

1.6K 50 3
                                    

HIS OBSCENE VENGEANCE
Written by: Yeshameen Brejente


CHAPTER 14

INUTUSAN ni Braixie ang isa sa mga katiwala nila upang ibili siya ng pregnancy kit. She needs to know about it. She needs to be sure of her condition. Kung sakali mang tama ang hinala niya, paano na kaya? Sasabihin ba niya kay Spike?

"Hindi mo pwedeng ipagdamot ang bata sa kanya. If you can't forgive him, take the child out of the issue. Dahil wala siyang kasalanan sa issue ninyo!" kastigo ng dalaga sa sarili. Nakahiga siya ngayon sa kama. At ramdam pa rin niyang nanghihina siya't matamlay.


Kahit sino'ng magaling na espesyalista na ang kinuha ni Spike upang maipagamot lang si Diana Ross, wala na talagang pag-asang gumaling pa ito mula sa karamdamang pilit naman nitong nilalabanan. Sa bawat araw na nagdaraan, lalo lamang itong nanghihina. Lalo na kapag inaatake na ito ng matinding sakit na nararamdaman. Kumalat na ang cancer cells sa katawan nito, kaya kahit operahan siya'y di na rin mailigtas pa sa maaaring side effects.

"Gusto kong ipagpatuloy mo ang iyong buhay kahit wala na ako." Sabi ni Diana Ross sa binata kahit hirap na itong magsalita. Halos mapangiwi na rin ito.

"Ma, gagaling ka. Basta lumaban ka lang. Hindi tayo susuko." Luhaang wika ni Spike sa kanyang ina. "Ma, you're all that I have. Hindi ko ho kakayaning pati ikaw ay mawala pa sa akin." Ayaw ni Diana Ross na makitang malungkot ang anak. Pero, sadyang wala na siyang lakas upang hawakan o yakapin pa ang binata. Masyadong masakit na ang katawang tanging paghiga na lang sa kama ang kayang gawin. May sariling oxygen na din ito sa loob ng kanyang silid. Mayroong private doctor at nurses. Tanging machine at gamot na lang ang bumubuhay dito. Gusto na niyang magpahinga. Pero kapag naiisip niya ang kalungkutan ni Spike, talagang pilit na lang niyang nilalabanan ang karamdaman.


Kumpirmadong buntis si Braixie. Apat na pregnancy kit ang sinubukan niya at iisa lang ang sinasabing resulta. It's positive. Tinawagan na rin niya ang isa sa private obygyne upang mas lalo pa niyang masiguro na di siya nagkakamali. Kahit pa sabihing reliable naman ang pregnancy kit.

"You're pregnant." Sabi ng doctor. Half Filipino ito at half Spanish. "You're 8 weeks pregnant, Braixie. Congratulations!"

Braixie don't know how to react. Ano na nga ba ang mangyayari ngayong siya'y nagdadalantao na? Anu-anong pagbabago kaya ang maaaring danasin niya oras maisa-publiko man ang tungkol dito? Dapat na ba niyang ipaalam kay Spike ang tungkol dito?

"Thanks, doc." Wika ni Braixie saka inabutan ng cash si Doctor Lauren. Hindi na rin ito nagtagal sa Avignon. Ang historical mansion ng mga Villaraza. Isa ito sa ipinamana ng mga magulang ni Brando Villaraza kay Reese. At ginagawa na nila itong bahay-bakasyunan kapag nagpupunta sila dito sa Paris. Kahit gaano na katagal ang Mansion, nanatili itong maganda, elegante at bagung-bago. Nakaugalian na ng mga Villaraza na ipa-repaint ito taun-taon.

Nasa kama na si Braixie, nakahiga siya habang ipinatong ang mga kamay sa kanyang tiyan.

"Pangako, anak.. ipapakilala din kita sa dad mo. Ipapaalam ko rin sa kanya ang tungkol sa'yo. We'll be going to the Philippines once I make sure that it's safe for us to travel. You have the right to know about him as much as his right to know about you." Sabi ni Braixie na animo'y kausap ang anak na nasa kanyang sinapupunan pa lang ngayon. Binigyan na siya ng kanyang obygyne ng mga Vitamins na kailangan niya sa kanyang pagbubuntis. Dinampot niya ang telepono sa kanyang bedside table saka tinawagan ang numero ng kanilang residente sa Manila. Alam niyang nasa bahay na ang mga magulang dahil halos hating gabi na sa Pilipinas. Dalawang ring bago sinagot ang tawag niya.

"Hello?" boses 'yon ni Brendan.

"D-dad?" aniyang para bang natataranta. Sino nga ba ang una niyang pagsasabihan? Ang daddy niya o si Reese? "Where's mom?"

HIS OBSCENE VENGEANCEWhere stories live. Discover now