I'm His SexSlave Writer!

116K 933 99
                                    

Ayan dahil matagal ko kayong pinaghinatay sa PU may kunting gift ako sa inyo. Wala lang yung nagkatime kasi ako . Sa PU sana ako magsusulat kaya lang biglang may pumasok na kaechusan sakin kaya nasulat ko to. Hahaha! Sana magustuhan niyo. ENJOY!

-EDITED VERSION

lyra25 : Uy! Andrea ha, sama ka.

me: Not sure. Madami bang sasama? Nakakahiya eh.

lyra25: Bakit naman?

me: Eh kasi nahihiya ako. Hahaha! J

lyra25: Ano ka ba. Alam mo naman na gusto ka na naming makita diba? Para mainterview ka na rin namin kung ano ang inspirasyon mo sa pagsulat, Astig eh! Tsaka sasama rin yun ibang author kaya wag kang mag-alala.

me: Oo na binola mo pa ako, pero kasi ...

lyra25: Si Gino? Ano ka ba hindi naman sure na sasama siya eh at tsaka wag mong intindihin ang lalaking yun, masyadong mapanghusga. Tsaka hindi naman siya aware dun sa fb page natin eh. Dun lang naman ako ng announce ng tungkol sa meet and greet na 'to.

me: Oo na, Sige! Count me in.

lyra25: Ok! Deal na yan, text text na lang.  Walang injanan.

Me: Yup!

 

Sign out.

 

Tama ba tong gagawin ko? Member ako ng isang clan ng mga writer na kung saan lahat ay mahilig magsulat, yung iba nga sa Printing Companies pa nagtatrabaho. Walang pinipiling edad o estado sa buhay basta mahilig kang magsulat pasok ka.

Sa isang website na kung saan Malaya kaming nakakapagsulat ng mga kwentong gusto naming ibahagi sa bawat mambabasa.

Yung ibang writer horror ang trip yung iba comedy, yung iba love story at yung iba SPG-Erotic na kung saan ako kabilang.

Ang kinakatakot ko lang talaga ay yung magtanong sila kung paano ko nagagawa yung mga Bed Scenes sa stories ko. Subalit alam kong hindi nila gagawin yun, isa tao lang siguro ang posibleng magtanong nun at pagsisisihan niya ang ginawa niyang pang-iinsulto sakin.

DAY OF MEET AND GREET!

 

Pagdating ko sa resort may lumapit saking babae.

"Andrea?" tanung niya, ngumiti ako at tumango.

"Oh my gahd, you're here!" sigaw niya at niyakap ako, close kami? Sa isip-isip ko.

"Hi" nahihiya kong bati sa kanya. Sa totoo lang medyo pinagsisihan ko ang pagpunta dito. Napailing na lang ako.

"Halika doon tayo, nandoon silang lahat kanina ka pa nga namin pinaguusapan eh." sabi niya habang hila-hila ako.

Pagdating ko sa cottage, puro babae ang nakita ko at medyo nakahinga ako dun.

"kumusta?" tanong ko.

"Naku! Ang bata mong tignan." sabi ni Rhea na writer ng isa sa mga horror story.

"Sus, hindi no!" sabi ko.

Umupo na kami at nagkwentuhan. Sa tantya ko ay nasa siyam lang siguro kaming writer. Yung iba mga reader na lang. Sila yung madalas na nakikita kong nagcocoment ng wagas talaga. Yung iba kasi nasa probinsya nakabase kaya hindi makapunta.

I'm His SexSlave Writer!Where stories live. Discover now