sparkle

5.2K 196 5
                                    

"tsong!! hinahanap ka namin kagabi. San ka ba nagpunta?" tanong ni chynna kay glaiza. si glaiza naman tulala sa kalawakan tila walang naririnig. Tila bumabalik tanaw sa kanya ang mga nangyari sa kanila ni rhian. Dahil hindi nya pinapansin si chynna, nagpreno ito ng malakas dahil nakakahalata na ito kay glaiza.

"aray ko beh?! sakit nun ha?" sabi ni glaiza na medyo nainis sya ng konti.

"ok ka lang? kanina pa kaya kita kinakausap ano po? saan ka ba kagabi? bigla kang nawala? tsaka tulala ka pa anyare sayo kagabi?" taas kilay si chynna habang niyayawyawan nya si galura.

"sorry, tsong.. ok lang ako" medyo kinakabahan si galura sa sagot nya.

"sinungaling ka tsong.. Kilala na kita." lalo pang sinindak ni chynna si galura.Talagang hinuhuli nya si galura sa kasinungalingan nya. habang nasa traffic sila Uminom muna siyang ng coffee At binuksan ang bintana.

"kasi ganito. . . May kasama akong babae tapos. . . May nangyari sa Amin kagabi." nahihiya na natatakot sagutin ni galura kay chynna at nabuga ang kape sa bintana, sakto naman na may tinamaan ito na naka motor at sumemplang.

"Ano?! tang ina, sakto go na.." hinarurot ni chynna yung sasakyan para di sila mahabol ng nakamotor. nakalayo na sila at nagpark muna sila sa isang kalsada na malapit sa resto ni galura.

"Wow tsong.. Congrats!nadiligan ka.. Teka sino yung babaeng yun?" curious na tanong ni chynna Kay galura. pinakita nya yung note kay chynna at binasa nya ito.
Tinignan ng kakaiba ni chynna si galura at mukhang kakantiyawan nya ito.

"Tsong..hais. Huwag mo nang pangarapin yan..mas straight pa yan sa buhok mo."

"Anong pinagsasasabi mo dyan chynna?" Tanong ni galura na may halong pagtataka.

"Alam mo tsong, kilala na kita. Alam kong may itinatago ka dyan sa pagkatao mo. Alam ko na hindi ka straight. Tignan mo ko, pogi."

"Ewan ko sayo chynna. Dalian na natin at magagalit nanaman sina bianca sa atin. "

---------------

"Sam, pwedeng magtanong?"

"Yes, ano yun?"

"Sino yung girl na kasama ko kagabi sa condo?"

"Ah si glaiza galura yun. Naging guest ko sya sa show dati." Sambit ni sam kay howell habang nag aayos ito ng gamit sa sasakyan.

"Ah..ok.."

Natapangisi nalang si sam sa kaibigan nya na parang may kakaiba sa kanya.

From:bff bianx

Hey girl, punta kayo dito ni sam mamaya sa resto,mga 3 pm. may get together kami sa may function hall namin. Pretty please... I miss you.

"Nagtext si bianca, punta tayo sa r.k. mamaya"

"Great, so tara na. Mag race na tayo.btw i like your blonde hair"

-------
runner's kitchen..

"guys, sorry talaga kagabi." pagsusumamo ni galura sa mga kaibigan nya with matching puppy eyes.

"bigla kang namissing in action kagabi. Wala to. Hais.. " tampo tampo effect na pagkasabi Angel.

"wag na kayong magtampo, libre ko kayo dito sige na."

"libre oks ako dyan!!! diba mahal?" papogi ni chynna kay steph.

"nako, basta pagkain talaga." nagtawanan nalang silang lahat sa sinabi chynna.

"guys oo nga pala, may ininvite din pala ako. Bestfriend ko from states ." sambit ni bianca sa kanilang lahat. sabay naman nagtinginan sina galura at chynna.

galura: tsong, di ko alam na May bestfriend sya.

Chynna: maganda siguro yun.

Habang Inaantay nila ang food nila, dumating na ang bestfriend ni bianca.

"biancs!!"

"rhian!!"

umingay na sa loob ng resto at biglang nanglaki yung mata ni chynna.. Pinakilala na ni bianca ang mga friends nya.

"this is angel,chynna and her girlfriend steph."

"hi rhian!"

oh snap!! kailangan makita ni glaiza ito!sabi ni chynna sa sarili tila parang kinakabahan ito.

"Biancs, are you ok?" Tanong ni steph sa girlfriend nya.

"Ah eh wala.. Na starstruck lang ako. Kasi may bestfriend si biancs na maganda at magaling na racer" pasegway nalang ni chynna sa mga kaibigan.
------
"guys, Malapit na pala yung fo..."biglang napatigil si galura sa pagsasalita dahil nakita nya si howell ulit.Yung eksenang para kang nakakita ng multo.

"ikaw?"

"hey it's a small world" sabi ni howell kay galura.

"ahh magkakilala na ba kayong dalawa?" tanong ni bianca kay galura. Nashock si galura sa nakita nya. Halos hindi sya makagalaw at makaimik sa nakita nya.

"yah. ACtually magkasama kami kagabi sa condo Ko, i was drunk last night. So sinamahan nya muna ako dun." habang sinasabi iyon ni howell kina bianca, si galura naman ay di mapakali. Yung di mo alam na parang gusto nyang pumasok sa kabaong at magpahukay ng buhay kay angel at chynna sa sobrang hiya.

"uhm tsong, ok ka lang?" tanong ni chynna kay galura.

"uhmmm oo"

"then bakit ka nagbablush?" napuna naman ni howell ang kilos at reaction ni galura na di mapakali. Sabihin ating nahihiya sya sa nangyari pero.. Ito na ba yung sign na pwedeng mahulog si galura kay howell?

"pasensya na... Nainitan kasi ako eh.. Uhmm punta muna ako sa kitchen sige."
Pumunta muna ng "kitchen" si galura pero ang totoo nyan, sa fire exit Para huminga muna dahil kinikilig sya kay howell.

-------
A/n talagang makulit si howell ayon sa mga cyberhian at tahimik naman si galura pero sa observation ko sa mga tweets nila, may something eh.. kayo.. Mapapansin nyo naman yung tao kung may somethingsa kanya pag nakita nya yung crush nya diba?

fell in love with a racer (revise story ng accidentally in love)Where stories live. Discover now