I groaned but I kept it low. Baka pati ako mapagalitan.


Pagkatalikod ni Ms. Carla ay inirapan ko siya.

"Itong matandang hukluban na ito, pahirap sa buhay. Pagka-graduate ko dito, babalikan ko talaga 'yan!" I scoffed.

"You say! Badtrip! Sarap abangan sa gate!"


Wala na kaming nagawa kung hindi kumopya ng notes. I need to do something funny after this para bumalik ang good mood ko.


Chelsea's POV


Akala mo talaga kung sino 'yang Cassandra na 'yan! Kitang-kita ko na siya ang bumabato ng papel tapos 'yung isa ang napagbintangan! Kawawa naman! Inamin na lang siguro niya 'yon kasi natakot siya kay Cassy.

Ang sama talaga ng ugali niya! Kaya iritang-irita ako sa kanya, e! Since ako lang naman ang hindi masaktan niyang Cassy na 'yan, igaganti ko 'yung classmate ko.


"Miss Carla, can I go out please?" tanong ko.

"Okay."


Tumayo na agad ako. Akala niya siguro sa CR ako didiretso. Well no way. Tumakbo agad ako paglabas na paglabas ko ng room papunta sa locker room ng volleyball varsity. Kasali kasi si Cassy dito.

"Yown! Sakto! Walang tao!"


Lumabas ako saglit upang dumaan sa may likuran ng school. Ginagawa pa lang kasi ito dahil pinapa-expand. Sakto may nakita akong pintura.

Habang 'di nakatingin 'yung mga manggagawa, hiniram ko ang paint at paint brush nila.


I ran back to the locker room and left a message outside Cassy's locker.

'Bitch ka. Malande'


I smiled, feeling satisfied by my art. Tumakbo na ulit ako pabalik sa likuran ng school at dahan-dahan kong iniwan ang mga hiniram ko. Then I ran upstairs.


Pagpasok ko, umupo na ako sa seat ko. I looked behind and saw Cassy staring at me.

Tinaasan ko siya ng kilay. And guess what? Binigyan niya ko ng third finger sabay tawa.


Wow. Parang walang pinagaralan!


Cassy's POV


"Finally, it's lunch time!" tuwang-tuwang sambit ko.

"Girl, samahan mo naman ako. Kukunin ko lang yung varsity shirt ko. Papa-laundry ko lang. We left it there before the vacation started, remember?" Alisha muttered.

"Okay sige. Ako rin, ipapa-laundry ko na rin."


We went to the gym while talking about the latest fashion trends. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng locker room nang pigilan ako ni Alisha.

"Girl, that's so eewie oh! Wet paint on the doorknob!"


Color yellow yung paint.


"What the hell? Sino namang engot ang naglagay niyan diyan? Geez." Sakto ay may nakita akong bimpo sa may bleacher. Kinuha ko 'yun tapos binuksan ko na ang pintuan.


Halos mapamura ako sa bumungad sa akin. Naginit agad ang ulo ko.

"B*tch, isa lang naman ang naiisip kong makakagawa niyan." Ali crossed her arms.


I ran a hand through my hair and glared at the paint message that was left on my locker. Padabog akong lumabas ng locker room.


"Yeah. I know who. That Chelsea poop. I'm gonna bite her head!"


Palabas na 'ko ng gym nang bigla akong hinila ni Alisha.

"What? Hey! Don't have a catfight with her! That's so not you!"

"What do you want me to do Ali? I freaking hate her! Gusto kong ipakita sa lahat na kahit isa siyang VIP student na katulad ko, hindi siya uubra sakin-----"

"Magagawa mo naman 'yon but not like that! We can do it your way."

"Ha? Ano?"

"I mean, the usual Cassandra Monteffiore trademark. You do things behind their back. Just like what you did sa manliligaw ko kanina."


She got a point. Kung si Chelsea, sinasabotahe ako habang nakatalikod ako, then fine. I'll give her a good fight that will surely make her cry.


"You know what, you're probably right Ali. Let's do some b*tchy thing."


-------------------------------------------------------------------------


Ano kaya gagawin ni Cassy? Hahaha.

Buti di ko siya classmate, di niya ko mapapagtripan.


Comment please para malaman ko thoughts niyo about this!

Thank yow!!!

The RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon