"Mag, nandito ako kina Duke-"

"I know. Nasabi ni Karl sa akin kagab..."

"Sinabi mo ba kay mama at papa?" kabado kong tanong.

"Hindi 'tsaka hindi naman sila tumawag, e," ani Maggie. "Uuwi ka ba ngayon?"

"Oo, sorry Mag. Wala kang pasok?" tanong ko.

"Mamaya pa ng mga ala una ang pasok ko ngayon."

Huling taon niya na ito sa college. Hindi siya agad nag-aral tulad ko at putol putol pa ang pag-aaral niya dahil sa matinding pangangailangan ng pera.

Dalawang taon sina mama at papa sa New Zealand nang biglaang nagkasakit si mama. Ayaw siyang iuwi ni papa sa Pilipinas dahil gusto niyang siya mismo ang mag alaga rito. Ang resulta ay wala kaming pambayad sa renta sa apartment at iba pang bayarin sa bahay. Mas inuna ni papa ang tuition fee ko kaya marami akong sinalihang contest para lang makalibre sa pag-aaral.

Tumigil si Maggie sa pag aaral at nagtrabaho para sa bahay. Para na rin hindi na kailangan pang magpadala ni papa ng pera sa amin. Ang pera niya ay dapat nakalaan kay mama. Nang maayos na si mama ay hindi na siya makahanap ng trabaho. May trabahong nag-aantay bilang caregiver pero malayo iyon sa kung saan sila nakatira ni papa ngayon. Hindi rin pwedeng lumipat si papa sa dairy farm na pinagtatrabahuan niya dahil magandang magpasahod ang kanyang boss kaya ang resulta'y siya na lang itong nagtatrabaho. It didn't bother us. Basta ba ay maayos na si mama, okay na kami. Pero sa renta, tubig, at kuryente pa lang halos magkulang na ang pinapadala ni papa. Wala kaming pang matrikula kaya pinili ni Maggie na magtrabaho ulit.

Now it's her turn to study. Ako naman ang nagbibigay para sa kanyang pag-aaral. James was willing to give her money for school pero ayaw ni Maggie noon. Ayaw ko rin. Kaya ko naman at kapatid ko si Maggie, ako dapat ang gumagawa noon.

"O sige..."

"Kayo na ba ni Duke?" tanong ni Maggie, pang ilang beses na simula nang nag Dubai ako.

"Hindi."

"Okay... Hmm... Anong oras ang uwi mo kasi sabi ni Auntie Precy pupunta siya dito sa bahay. Alas onse ako susunduin ni James at kapag di ka pa nakauwi sa bahay, ibibigay ko na lang iyong susi sa kapitbahay para hindi naman mag antay si Auntie sa labas," ani Maggie.

"Uuwi ako pagkatapos kong kumain dito," maagap kong sinabi.

Simula nang naghiwalay kami ni Jacob, hindi na ako ulit bumisita ng Alegria. Kahit gaano pa ka kailangan ay hinding hindi na ako umapak pang muli doon. Kaya si Auntie Precy ang bumibisita ngayon.

"Sige... Kung di ka pa nakakauwi pagkaalis ko, kunin mo 'yong susi ko ha?"

Pagkababa ko sa aking cellphone ay pumasok si Duke sa kanyang kwarto. Umamba agad akong aalis na doon.

"May problema ba?" tanong niya.

Umiling ako. "Wala. Tinawagan ko lang si Maggie..."

"Okay... Kain na tayo..." aniya.

Tumango ako at lumabas. Sumunod naman siya sa akin. Dumiretso ako sa kanyang dining room at tahimik na nag uusap si Karl at Ava doon. Pagdating namin ay tumahimik ang dalawa.

"Kailangan ko nang umuwi kaagad dahil bibisita si Auntie Precy samin," sabi ko sa dalawa.

"Ihahatid ka na namin, Rosie. I'm sure abala pa si Duke sa trabaho."

'Tsaka ko lang napagtanto kung gaano ko inabala si Duke. Napakasama ko talaga para hindi na maisip pa ang ginawa kong gulo sa mga taong nasa paligid ko.

"Duke, I'm sorry. And thank you sa lahat ng ito. Sorry kagabi..." sabi ko.

Umangat ang gilid ng kanyang labi. He flashed his sexy smile. "It's nothing. Kumain ka na..."

Baka Sakali 3 (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon