CHAPTER 13: Ai - "Love"

Start from the beginning
                                    

Mukhang tapos na sila mag-practice dahil isa-isa na silang nagsipuntahan sa comfort room para mag-ayos. As usual, nakangiti pa din si Ai kahit na pagod na pagod na sila. Kahit pa naliligo na siya sa pawis at medyo magulo na ang buhok, ang ganda pa din niyang tignan.

Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko ay nagsimula na din akong kumilos. Maaga pa masyado kaya naman naisipan kong umidlip na lang sa classroom. May tao na sa classroom namin pagkarating ko. Aside sa akin, napansin kong isa din siya sa mga maagang pumapasok sa school. Araw araw, may suot siyang malaking headphones habang nakikinig ng music at busy mangalikot ng cellphone niya. Sobrang lakas ng tugtog niya, kahit ako na ilang upuan ang layo mula sa kaniya eh naririnig ko yung music niya. Nag-oobserve lang ako ng mga tao mula sa window ko habang nakikinig sa music niya (malakas talaga).

"Chase~"

Nakita kong papalapit na sa akin si Dash, nakangiti at may bitbit na papel.

"Chase~ May good news ako sayo!"

"Ano?"

"Look!" pinakita niya sa akin yung papel. Pinagpawisan ako ng malamig sa nabasa ko. Binasa ko pa ng maigi kung tama nga ako ng nabasa. Shit!

"Ano yan?!"

"Edi yung pinirmahan mo!"

"Pinirmahan? Hindi ba yung contract yung pinirmahan ko?"

"Yup! Ito nga yung contract. Marriage contract natin! I am now officially Mrs. Tiffany Aurea Dash dela Vega - Villegas! Yay~"

"ANO?! PAANONG NANGYARI YUN?! Hindi pwede!!!"

"Chase!"

Hindi pwede to. Bakit nangyari to??


"Chasie~~"

Bawiin mo yan. Hindi ako makakapayag sa gusto mo!!

"Chase, gising!!"

Nagising ako dahil naramdaman kong may umaalog na sa akin. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Buti na lang at panaginip lang ang lahat! Ugh, what a nightmare.

Pagmulat ng mata ko, nakita ko ang nakangiting si Dash. Hindi ba siya nauubusan ng dahilan para ngumiti?

"Anong ginagawa mo dito?" napahikab pa ako sa sobrang antok ko, bitin ang tulog ko eh. Chineck ko yung watch ko at nagulat ako ng makita kong mag-9AM na pala. Medyo mahaba din pala tulog ko kahit papaano. "Ang aga aga, nangugulo ka na naman."

"Maaga pa ba? Late na kaya!" Umupo si Dash sa bakanteng table at nilapag yung dala niyang baunan sa table ko. Mukhang nakakatakam na naman yung niluto niyang ulam ah...

"Wala pa ba sina Art and Josh?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko kasing wala ngayon yung dalawa sa paligid ko eh.

"Si Josh nandito na pero lumabas lang saglit. Hindi ko pa napapansin si Art nung pumasok ako. Ah, Daiki!" tumayo si Dash at nagpunta sa may labas ng classroom para puntahan yung kaibigan niya.

"Wow, dito lang pala ang classroom niyo Chase! Amazing~ Mas malaki yung classroom niyo kesa sa kabila." excited na sinabi ng kaibigan ni Dash.

Umupo ulit si Dash sa katabi kong table samantalang si Daiki naman ay umupo sa lamesang inuupuan ni Dash. Wow, feel at home sila sa classroom namin ah.

"Tapos ka na ba doon sa pupuntahan mo? Sino ba kasi yung pinuntahan mo dito?" tanong sa kaniya ni Dash.

"Yup! Gulat nga ako kasi katabi lang nila yung classroom nina Chase. Pinsan ko lang yung pinuntahan ko may pinapaabot kasi sa kaniya si Mommy,"

"Ahh~~ Akala ko may boyfriend kang tinatago dito eh." Pang-aasar ni Dash sa kaibigan niya. Hay, dumating lang sila, umingay na yung paligid ko.

"Hoy! Anong sinasabi mong boyfriend?! Straight ako ah!"

"Bleh! Ayokong maniwala."

"Ah ganun? Halika nga dito!"

"Aray ko Daiki! Waaah~~ Lumayo ka nga sakin!!!"

Hinawakan ni Daiki sa ulo si Dash at inipit ipit niya ito sa dibdib niya. Nakakairita dahil ang ingay ingay na nga nila, dito pa sila sa classroom namin nagharutan. Wala ba silang delikadesa?!

*RING*

"Awww shoot bell na! Si Sir Sadista pa naman yung Prof sa next subject! Ugh!!" biglang kalas ni Daiki kay Dash. Kung hindi pa pala nag-bell, hindi pa siya bibitaw kay Dash. Pagkabitaw niya ay agad itong tumakbo palabras ng classroom. "Iwan na kita dito Dash bwahahaha! Bye Chase!!!"

Ay sa wakas nabawasan na din ng ingay sa classroom!!!

"Bye Chase! Kainin mo yung baon mo ha? See you later okay? Kailangan ko ng magmadali kasi malelate na ako eh. Byebye! Ngayon pa lang namimiss na kita!!!" Hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng classroom ng bigla siya nabungo ng classmate namin na may laging suot na malaking headphones.

"Sorry po! Sorry talaga! Nagmamadali kasi ako eh! Sorry ulit and byebye!!" pagkasabi niya ay saka siya kumaripas ng takbo.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi na nagawang magsalita nung kaklase ko at sinundan na lang niya ng tingin ang nagmamadaling si Dash.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong hinihintay siya sa baba ni Daiki. Hinawakan ni Daiki si Dash sa kamay niya at nagmadaling tinakbo ang building nila. Ganun ba ka-terror yung Prof nila at takot na takot silang malate? At bakit ba nasisira ang mood ko sa tuwing nakikita ko na lang na lagi silang magkasama ni Dash? Hindi ko maintindihan kung bakit ako naiirita sa kanila..

"Dude, nakasalubong ko si Dash sa baba ah. Mukhang nagmamadali. Anong ginagawa nila dito?" masyado akong naka-concentrate sa panonood sa kanila kaya hindi ko napansin ang pagdating ni Art.

"As usual. Nagpunta dito para maghatid ng baon," tumingin ulit ako sa bintana at nakita kong magkahawak pa din sila ng kamay habang tumatakbo. "At para guluhin ako."


Say You Love MeWhere stories live. Discover now