CHAPTER 13: Ai - "Love"

Start from the beginning
                                    

Naglalaro si Ai at yung team captain ng club. Balita sa school na magcocompete sila for the regionals at ang pambato ng school namin ay si Ai kaya kuntodo magpractice ang club nila. Araw araw, every 6am ay nag-pa-practice sila sa gym.

Nag-i-stand out si Ai sa mga kasama niya. Kahit petite siya at hindi katangkaran, for me, she shines the most among the rest. Kahit pagod from practice, nagagawa pa din niyang ngumiti, and her smile's giving them the energy despite of the strenuous practices na ginagawa nila araw-araw. Her smile is my daily dose of medicine. Hindi mabubuo ang araw kung hindi ko makikita yung matamis niyang ngiti. Kaya kahit sobrang aga ng training nila, I see to it na pumapasok ako araw-araw para lang mapanood sila.. siya... from a far.

I've liked her since I was still in highschool. Siya na nga yata ang first love ko aside sa food. She's bubbly. Everybody knows her for being jolly and friendly. Imposible din ang hindi mo siya makilala dahil lagi siyang nasa top and naging president din namin sa school. Everybody likes her, including me. Siya ang inspirasyon ko at siya din ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Does she know me? Maybe yes, maybe not. She could have heard of my name, but she doesn't know me personally. Everyday, I always tell myself na lalapitan ko na siya at kakausapin, but everyday, kinakain ako ng hiya ko. Hindi ko siya magawang lapitan. Ni ang ngitian man lang pag nakakasalubong ko siya sa corridor ay hindi ko din magawa. Nung highschool pa lang ako, sinabi ko sa sarili ko na kukuha din ako ng Engineering course para makasama ko si Ai sa iisang building and that will be a chance for me para makilala ko siya. But here, I am already in my 2nd year, and graduating na din si Ai pero magpa-hanggang ngayon ay hindi pa din kami magkakilala.

Unlike Dash, wala akong lakas ng loob at tapang para magpakilala kay Ai. Nung araw na nagpakilala sa akin si Dash, nagulat ako and at the same time nairita dahil sino ba naman ang hindi maiinis sa paraan ng pagpapakilala niya?

--- START OF FLASHBACK ---
"Hi Chase! I know you don't know me, but I know you! Ako nga pala si Tiffany Aurea Dash dela Vega. But you can call me 'Dash'! Please be my boyfriend!"
--- END OF FLASHBACK ---

Sa tuwing naaalala ko yung araw na yun, hindi ko mapigilan ang mapa-iling. Pero hindi ko maipagkakailang napa-bilib niya ako sa ginawa niya. Sobrang lakas ng loob niya, hindi niya ininda yung mga taong nagbubulung-bulungan na sa paligid niya. Sobrang tapang niya para magawa niyang magpakilala sa akin.

Dahil sa lakas ng loob, kaya niya nakuha ang loob ng mga kaibigan ko. Dahil din sa lakas ng loob niya kaya nagagawa niya na akong lapitan at kausapin.

Lakas ng loob. Yun ang wala ako na mayroon siya.

Minsan naiinggit ako dahil nagagawa ni Dash yung mga bagay na gusto niyang gawin. Samantalang ako, ito, lagi na lang kinakain ng hiya. Ni ang tignan sa mata si Ai ay hindi ko magawa.

 Ni ang tignan sa mata si Ai ay hindi ko magawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Okay team! That's it for today. Bukas ulit, same time and same place ang practice!"

"Yes, Captain!"

Say You Love MeWhere stories live. Discover now